Author: Kurt Michael Culpa

  • 2 illegal dealers ng mga baril na-entrap ng CIDG

    2 illegal dealers ng mga baril na-entrap ng CIDG

    Dalawang mga illegal gun dealers, sina Marlon Danding at Saddam Polayagan, ang inaresto ng mga hindi unipormadong mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group matapos silang bentahan ng dalawang M1 Garand rifle at isang .45 caliber pistol sa isang entrapment operation sa isang liblib na pook sa Alamada sa probinsya ng Cotabato nitong Sabado, May 4, 2024.Kinumpirma nitong Linggo ni Lt. Col. Allan Huesca, regional chief ng CIDG-Bangsamoro Autonomous Region, ang pagkaka-entrap sa dalawa, ngayon nakukulong na sa kanilang tanggapan sa Cotabato City.Ayon kay Huesca, naikasa ang naturang entrapment operation batay sa ulat ng mga impormante hinggil sa patagong pagbebenta ng mga baril ng dalawang suspects sa mga residente ng Maguindanao del Norte at Cotabato City na labag sa batas. (May 5, 2024)

  • COTABATO CITY AMBUSH: Barangay treasurer, 2-anyos anak patay

    COTABATO CITY AMBUSH: Barangay treasurer, 2-anyos anak patay

    Napatay ang barangay treasurer ng Barangay Bagua Mother sa Cotabato City, si Mhaez Mamantal, at ang dalawang-taong-gulang niyang anak, si Norlyn sa isang ambush nitong gabi ng Biyernes, May 3, 2024.Sa inisyal na ulat ng lokal na pulisya, sakay ng kanilang puting minivan ang mga biktima ng tambangan ng mga armadong kalalakihang sakay ng motorsiklo sa isang bahagi ng mataong Oblates Drive sa Cotabato City, kabisera ng Bangsamoro region.Sugatan ang isa pang mga kasama ng nasawing mag-ina, si Saddam Mamantal.Mabilis na nakatakas ng mga tumambang sa kanila, ayon sa inisyal na ulat ng Cotabato City Police Precinct 2. (May 3, 2024)

  • Anim, hindi isa lang pumatay sa police captain

    Anim, hindi isa lang pumatay sa police captain

    Hindi isa bagkus anim, dalawa sa kanila mga pulis, ang sangkot diumano sa pagpatay sa isang police captain sa palengke sa sentro ng bayan ng Parang, Maguindanao del Norte nitong Huwebes dahil lang sa simpleng hindi pagkakaunawaan.Tangkang sisitahin lang sana ni Capt. Roland Arnold Suarez Moralde ng 14th Regional Mobile Force Battalion ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region si Mohaliden Ramalan Untal dahil may sukbit na baril sa baywang ngunit pumalag ito at nanlaban kaya sila nagkapalitan ng putok.Limang mga kamag-anak ni Untal, dalawa sa kanila mga police master sergeants, ang agad na kumampi sa kanya at halinhinang pinagbabaril si Moralde hanggang sa mabuwal dahil sa mga tama ng bala sa naturang insidenteng na-record ng mga security cameras sa mga establisimento sa kapaligiran.Parehong nasawi sa kanilang palitan ng putok si Untal at Moralde na Bicolonang taga Luzon na nadestino lang sa PRO-BAR sa Camp SK Pendatun sa bayan ng Parang.Kinumpirma nitong Biyernes ni Major Christopher Cabugwang, hepe Parang municipal police, ang pagsuko sa kanila ng dalawang mga pulis na sangkot sa pagpaslang kay Moralde ngunit tumanggi siyang kilalanin ang mga ito.Ilang mga halal na opisyal ng Parang at sa mga karatig na bayan ng Buldon at Matanog, ilan sa kanila mga Islamic missionaries, ang nag-ulat sa mga reporters na ang dalawang mga pulis na ayaw kilalanin ni Cabugwang ay sina Master Sgt. Aladdin Solaiman Ramalan at Master Sgt. Shariff Macarongon Balading.Tatlong kamag-anak pa ni Untal, sina Bocari Ramalan, Uddin Ramalan at Pappo Ramalan ang kinumpirma ng naturang mga local officials na may kinalaman din sa brutal na pagpatay kay Moralde, batay sa isang written report ng Parang Municipal Police Station sa PRO-BAR at Maguindanao del Norte Provincial Police Office na pirmado ni Cabugwang na kanilang ipinakita sa mga reporters. (May 3, 2024)

  • 21 kilos shabu nasamsam sa Zamboanga City

    21 kilos shabu nasamsam sa Zamboanga City

    Abot sa P142.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng pamahalaan mula sa isang grupo sa Sallam Drive sa Barangay Mampang sa Zamboanga City nitong Huwebes ng gabi, May 2, 2024. Kinumpirma mismo, isang oras matapos ang naturang operasyon, ng mga officials ng Philippine Drug Enforcement Agency-9 at ng Zamboanga City Police Office na abot sa 21 kilos ang timbang ng shabu na nasamsam sa apat na suspects na na-entrap sa isang lugar sa Barangay Mampang sa tulong ng tanggapan ni Zamboanga City Mayor John Dalipe.Ito na ang pinakamalaking bulto ng shabu na nasamsam sa isang entrapment operation lang ng PDEA-9 mula nitong nakalipas na dalawang taon.Nasa kustodiya na ng PDEA-9 ang mga na-arestong shabu dealers. (May 3, 2024)

  • Aksidente sa Josefina, Zamboanga del Norte:

    Aksidente sa Josefina, Zamboanga del Norte:

    Isang hauler truck, kargado ng daan-daang sako ng bigas, ang nadiskarel sa isang bahagi ng national highway sa bayan ng Josefina sa Zamboanga del Norte nitong Huwebes, May 2, 2024, dahil diumano sa biglaang mechanical trouble.Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa insidente, ngunit ito ay nagdulot ng pagkabalam ng daloy ng trapiko sanhi ng pagbalabag at pagkakaharang ng nabuwal na hauler truck sa highway. (May 2, 2024, handout photo)

  • P13.6 million halaga ng shabu nasamsam sa Marawi City, Maguindanao del Norte

    P13.6 million halaga ng shabu nasamsam sa Marawi City, Maguindanao del Norte

    Abot sa P13.6 million na halaga ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa mga hiwalay na entrapment operations nitong Martes sa Marawi City at, nitong Miyerkules, sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Sur.Unang nalambat, sa naturang dalawang entrapment operation, ang isang Maranaw na nakumpiskahan ng P6.8 million na halaga ng shabu sa Barangay Biaba-Damag, Marawi City, bandang 6:20 p.m. nitong Martes, April 30, 2024. Hindi na pumalag ang suspect ng arestuhin ng mga operatiba ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region na kanyang nabentahan ng isang kilong shabu, nagkakahalaga ng P6.8 million, sa isang lugar sa Barangay Biaba Damagm Marawi City.Tatlong mga Maguindanaon naman ang na-entrap ng mga PDEA-BARMM agents nitong Miyerkules, May 1, 2024, sa Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.Muntik pang tumakas ang mga suspects ng mahalatang mga kasapi ng PDEA-BARMM ang kanilang nabentahan ng P6.8 million na shabu, ngunit tuluyan na silang nagpapigil ng makarinig ng warning shots. (May 1, 2024)

  • Negosyante sugatan sa ambush sa Koronadal City

    Negosyante sugatan sa ambush sa Koronadal City

    Isang negosyanteng Moro, si Hapis Sanggacala, dealer ng used clothings, o “ukay-ukay” sa mga wikang Mindanaon, ang sugatan sa ambush sa GenSan Drive sa Barangay Zone 1 sa Koronadal City bandang 9:00 a.m. nitong Miyerkules, May 1, 2024.Sakay ng kanyang puting van na gamit sa negosyo si Sanggacala ng tambangan ng mga armado sa isang mataong bahagi ng GenSan Drive sa naturang lungsod.Mabilis na nakatakas ang mga nag-ambush kay Sanggacala na nagtamo ng mga tama ng bala sa kamay at balikat, ayon sa ulat ng Koronadal City Police Office. (May 1, 2024)

  • Aksidente sa Kabacan, Cotabato

    Aksidente sa Kabacan, Cotabato

    Isang Toyota Hilux pick-up truck ang gumulong-gulong patungo sa malalim na gilid ng Cotabato-Davao Highway sa Barangay Kayaga sa bayan ng Kabacan, Cotabato nitong hapon ng Martes, April 30, 2024.Ayon sa mga saksi, mabilis ang takbo ng sasakyan at biglang itong gumewang-gewang bago bumaliktad, gumulong ng ilang beses at lumagpak sa gilid ng highway.Agad namang naisugod ng mga barangay officials at mga emergency responders ng Kabacan local government unit ang driver ng naaksidenteng sasakyan, nagtamo ng mga sugat sa ibat-ibang parte ng katawan, sa isang pagamutan upang malapatan ng lunas. (April 30, 2024, handout photo)

  • Teduray tribal leader patay sa ambush

    Teduray tribal leader patay sa ambush

    Napatay ang isang pinuno ng mga katutubong Teduray at malubhang nasugatan ang isa pa sa isang ambush sa Barangay Tuayan sa Datu Hoffer, Maguindanao del Sur nitong nitong hapon ng Lunes, April 29, 2024.Sa mga hiwalay na ulat ng mga kasapi ng Teduray tribal council sa naturang bayan at ni Col. Roel Sermese, director ng Maguindanao del Sur, nakaangkas sa ang napatay na si Juanito Promboy sa motorsiklo ni Ronald Angit ng sila ay tambangan ng mga armadong kalalakihan sa isang bahagi ng farm-to-market road sa Barangay Tuayan isang liblib na lugar sa Datu Hoffer. Agad na namatay si Promboy, itinalaga ng kanilang local government unit na Indigenous Peoples Representative sa barangay government ng Tuayan, habang sugatan naman si Angit sa naturang insidente, ngayon nagpapagaling na Maguindanao del Sur Provincial Hospital sa hindi kalayuang bayan ng Shariff Aguak.Ayon sa hepe ng Datu Hoffer Municipal Police Station, si Lt. Albert Pansoy, mabilis na nakatakas ang mga namaril sa dalawa sakay ng mga motorsiklo. (April 30, 2024)

  • Paaralan sa Zamboanga del Sur tinupok ng apoy

    Paaralan sa Zamboanga del Sur tinupok ng apoy

    Ilang mga gusali sa loob ng isang matagal na at makasaysayang paaralan, ang Sacred Heart High School sa bayan ng Molave sa Zamboanga del Sur tinupok ng apoy nitong madaling araw ng Lunes, April 29, 2024.Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection kung ano ang sanhi ng naturang sunog, ayon sa ulat ng ibat-ibang himpilan ng radyo sa probinsya ng Zamboanga del Sur. (April 30, handout photo)