Abot sa P13.6 million na halaga ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa mga hiwalay na entrapment operations nitong Martes sa Marawi City at, nitong Miyerkules, sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Sur.Unang nalambat, sa naturang dalawang entrapment operation, ang isang Maranaw na nakumpiskahan ng P6.8 million na halaga ng shabu sa Barangay Biaba-Damag, Marawi City, bandang 6:20 p.m. nitong Martes, April 30, 2024. Hindi na pumalag ang suspect ng arestuhin ng mga operatiba ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region na kanyang nabentahan ng isang kilong shabu, nagkakahalaga ng P6.8 million, sa isang lugar sa Barangay Biaba Damagm Marawi City.Tatlong mga Maguindanaon naman ang na-entrap ng mga PDEA-BARMM agents nitong Miyerkules, May 1, 2024, sa Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.Muntik pang tumakas ang mga suspects ng mahalatang mga kasapi ng PDEA-BARMM ang kanilang nabentahan ng P6.8 million na shabu, ngunit tuluyan na silang nagpapigil ng makarinig ng warning shots. (May 1, 2024)
P13.6 million halaga ng shabu nasamsam sa Marawi City, Maguindanao del Norte

