Nakumpiska ng mga anti-narcotics agents ang abot sa P6.8 million na halaga ng shabu sa dalawang mga dealers na na na-entrap sa Barangay Pindolonan sa Bubong, Lanao del Sur nitong hapon ng Miyerkules, February 21, 2024. Sa ulat nitong Huwebes ni Gil Cesario Castro, director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, kusang loob na nagpa-aresto sina Jamel Dimaporo, 29-anyos, at ang kanyang 19-anyos na kasabwat na si Jalil Macaayong, ng malaman nilang mga PDEA-BARMM agents pala ang kanilang pinag bentahan ng isang kilong shabu sa isang liblib na lugar sa Barangay Pindolonan. Naisagawa ng entrapment operation na nag-resulta sa pagkakaaresto kina Dimaporo at Macaayong, parehong mga Maranaw, sa tulong ng Lanao del Sur Provincial Police Office at mga impormanteng alam ang kanilang malakihang pagbebenta ng shabu sa Bubong at mga karatig na bayan sa Lanao del Sur. Ang dalawa ay na-entrap kasunod ng pagkaaresto nito lang February 6 sa isa pang Maranaw na dealer din ng shabu, si Lawa Abedin, sa isang PDEA-BARMM operation sa Barangay Bugaran sa Piagapo sa probinsya din ng Lanao del Sur, kung saan nasamsam mula sa kanya ang P6.8 million na halaga ng shabu. Nasampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Abedin, naghihintay na lang ng paglilitis sa korte, ayon kay Castro. (February 22, 2024)
Author: Kurt Michael Culpa
-

7 Dawlah terrorist tepok sa Munai, Lanao del Norte encounter
Pinaigting ng pulisya at militar ang pagbabantay laban sa posibleng paghiganti ng Dawlah Islamiya kasunod ng kumpirmadong pagkasawi ng pitong mga miyembro nito ng makasagupa ang tropa ng 44th Infantry Battalion sa Barangay Ramain sa Munai, Lanao del Norte nitong Linggo.Anim na mga sundalo naman ang nasawi, sina Cpl. Rey Anthony Salvador, Cpl. Reland Tapinit, Cpl. Rodel Mobida, Pfc. Arnel Tornito, Pvt. Michael John Lumingkit at Pvt. James Porras, ayon sa mga ulat nitong Martes ng Lanao del Norte Provincial Police Office at the 1st Infantry Division ng Philippine Army na naka-base sa Pulacan sa Labangan, Zamboanga del Sur.Sa mga hiwalay na pahayag nitong Martes, iniulat ni Brig. Gen. Allan Nobleza, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, at ng commander ng Philippine Army, si Lt. Gen. Roy Galido, na nagmamatyag ang mga Army at police units sa Lanao del Sur, sakop ng Bangsamoro region, sa posibleng pagpasok ng ilang Dawlah Islamiya terrorists mula sa Lanao del Norte kung saan sila tinutugis ng mga sundalo.Ayon kay Nobleza, nagbabantay din ang mga units ng PRO-BAR sa Lanao del Sur sa posibleng paghihiganti ng Dawlah Islamiya sa pagkasawi ng mga miyembro nito sa engkwentro ng grupo at mga sundalo sa Munai sa Lanao del Norte na sakop ng Region 10. Kilala ang Dawlah Islamiya sa panggugulo ng mga walang kalaban-laban na mga Muslim at mga Kristiyano tuwing nalalagasan ng mga miyembro sanhi ng Army at police operations.Sa pahayag ng Islamic missionaries at mga halal na opisyal sa Munai at ng isang presidente ng Association of Barangay Captains sa isang bayan sa Lanao del Norte, pitong Dawlah Islamiya terrorists ang nasawi sa mga serye ng engkwentro sa Barangay Ramain habang limang iba pa sugatan, dalawa sa kanila inisyal na kinilalang sina Monid at Ariado, na parehong mga bihasa diumano sa paggawa ng improvised explosive devices.Ang dalawa ay mga pinsan diumano ni Khadafi Mimbesa na siyang mastermind ng pambobomba nitong December 3 ng mga Katoliko sa kalagitnaan ng misa sa loob ng isang gymnasium sa Mindanao State University Campus sa Marawi City na nagsanhi ng pagkamatay ng apat na mga nagsisimba at pagkasugat ng mahigit 40 na iba pa. Si Mimbesa at siyam na mga kasama ay napatay ng mga sundalo sa isang engkwentro nitong January 26 lang sa Barangay Tapurog sa Piagapo, Lanao del Sur. (February 20, 2024)
-

Magkasintahan magkahiwalay na winakasan kanilang mga buhay
Magkasunod na nagpakamatay, dahil sa problema sa kanilang relasyon, ang dalawang magkasintahan mga etnikong Teduray nitong Linggo, February 18, 2024, sa isang liblib na barangay sa South Upi, Maguindanao del Sur.Sa mga inisyal na ulat South Upi Municipal Police Station, unang nagpakamatay bandang tanghali ng Linggo si Mae sa Sitio Lambangian sa Barangay Kuya umaga ng Linggo. Hiniling ng mga kamag-anak nito na huwag ng ibunyag sa mga news reports ang kanyang buong pangalan.Makalipas ang limang oras, nagbigti din ang kasintahan na si Rodel sa isang lugar sa naturang barangay. Si Rodel ay residente ng Barangay Santa Maria sa Kalamansig, Sultan Kudarat, kung saan siya nakatakdang ilibing ng mga kamag-anak.Hindi naman nilinaw ng lokal na pulisya sa South Upi kung paano nagpakamatay ang dalawa at kung ano ang dahilan ng kanilang pagkitil sa kanilang mga buhay.May mga usap-usapang kumakalat sa South Upi na tutol diumano ang mga kamag-anak ni babae sa balak nilang magpakasal ng kanyang kasintahan. (February 19, 2024)
-

Coast Guard member sugatan sa pamamaril
ALAMIN: Naganap sa Bongao, Tawi-TawiIsang kasapi ng Philippine Coast Guard ang nagtamo ng mga tama ng bala sanhi ng pamamaril ng hindi pa kilalalang salarin sa isang maliit na hotel sa bayan ng Bongao, Tawi-Tawi, Bangsamoro region nitong Lunes, February 17, 2024. Abangan ang update tungkol dito. (February 18, 2024, Handout Photo)
-

Van driver patay, conductor malubha sa pamamariil sa Zamboanga City
Patay ang isang van driver habang malubha namang nasugatan ang kasama nitong conductor ng pagbabarilin ng dalawang mga lalaki habang nagpapahinga sa kanilang van, naghihintay ng kanilang turno sa Sangali parking area sa sentro ng Zamboanga City ngayong hapon ng Sabado, February 17, 2024.Sa inisyal na ulat ng mga imbestigador ng Zamboanga City Police Office, patay agad sa mga tama ng bala sa mukha ang van driver na si Munjil Sauti Insail. 35-anyos, habang malubha naman kanyang conductor na hindi muna kinilala ng pulisya dahil isa siyang testigo sa naturang krimen.Mabilis na tumakas ang mga suspects na namaril sa kanila gamit ang isang motorsiklo.Abangan ang dagdag pang ulat tungkol dito. (February 17, 2024)
-
Pumatay ng misis umamin, kulong
Umamin na ang isang mister sa pagpatay ng kanyang misis nitong nakalipas lang na linggo na ang bangkay ay kanyang itinapon sa isang liblib na lugar sa Tagum City sa Davao del Norte.Sa ulat ng Tagum City Police Office nitong Sabado, February 17, 2024, nasa kustodiya na nito ang suspect, si Winnie Baylon.Dahil diumano sa kanilang away tungkol sa kanilang pag-aaring kapirasong sakahang lupa, pinatay ni Baylon ang kabiyak na si Jenelyn, 46-anyos, ipinasok sa sako at itinapon sa gilid ng Timog-Apokon Road sa Tagum City.Ayon sa mga kakilala at mga kamag-anak, matagal ng parang may senyales ng pagka-addict sa shabu si Baylon.Sumuko siya sa pulisya at umamin sa kanyang nagawang krimen kamakalawa, ayon sa pulisya at mga kamag-anak ng misis niyang kanyang pinatay sa bugbog, sakal at pagpalo ng matigas na bagay sa ulo nito. (February 17, 2024)
-

Nag-ambush ng doctora sumuko sa pulisya
Isinuko ng mga kamag-anak sa pulisya ang dalawang nag-ambush at malubhang nakasugat sa isang 28-anyos na babaeng manggagamot habang nagmamaneho ng kanyang kotse sa isang bahagi ng highway sa Buluan, Maguindanao del Sur mahigit isang linggo na ang nakakalipas. Mismong mga kamag-anak at ilang local officials ang naghatid nitong Miyerkules, February 14, 2024, kay Edzra Espadera Tangcuangan at isang kasabwat na hindi na pinangalanan dahil isang menor-de-edad sa Buluan Municipal Police Station matapos makumbinsing panagutan ang kanilang ginawang pananambang nitong February 3 kay Sharmaine Ceballos Barroquillo, isang doctor sa Sultan Kudarat Provincial Hospital sa bayan ng Isulan Sultan Kudarat Magkahiwalay na kinumpirma nitong Biyernes nila Col. Roel Sermese, police director ng Maguindanao del Sur, at ni Bangsamoro region police director Brig. Gen. Allan Nobleza ang pagsuko ng dalawa sa Buluan Municipal Police Station at kusang-loob na pag-amin sa kanilang pag-ambush kay Barroquillo na maselan ang mga tinamong mga tama ng bala at kasalukuyang nasa isang pagamutan pa. Sakay si Barroquillo ng kanyang kotse ng pagbabarilin nila Tangcuangan at dalawang mga kasabwat, isa sa kanila pinaghahanap pa ng mga kasapi ng Buluan MPS at mga operatiba ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office. Ayon sa dalawang sumukong responsable sa krimen, nais nilang agawin ang sasakyan ng manggagamot at iba pang mga gamit, alahas at perang dala nito ng kanilang tambangan sa isang bahagi ng highway sa Buluan, kabisera ng Maguindanao del Sur. (February 16. 2024)
-

P3.4 million halaga ng shabu nakumpiska sa Cotabato City
Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang P3.4 million na shabu sa dalawang dealers na nalambat nitong hapon ng Miyerkules, February 14, 2024, sa Cotabato City.Sa pahayag nitong Huwebes ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, hindi na pumalag ang mga magkasabwat na sina Kuyat Sansaluna Sangcala at King Fahad Mantuwang Ganoy ng arestuhin matapos iabot ang 500 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P3.4 million, sa mga agents na nagpanggap na mga sugapa sa illegal na droga.Ayon kay Castro, katuwang ng PDEA-BARMM sa naturang matagumpay na entrapment operation sa isang bahagi ng mataong Sinsuat Avenue sa Barangay Rosary Heights 10 sa Cotabato City ang mga unit ng Cotabato City Police Office, ang 5th Marine Battalion at mga kasapi ng National Bureau of Investigation.Nakapiit na sina Sangcala at Ganoy sa detention facility ng PDEA-BARMM sa PC Hill sa Cotabato City. (February 15, 2024)
-

Mga Blaan, 2 kumpanya nag-ayuda sa lanslide victims
Magkatuwang na nagpaabot ng P300,000 na halaga ng ayudang mga pagkain at bottled water ang magkaalyadong tribong Blaan sa South Cotabato at isang pribadong kumpanya sa probinsya para sa mga biktima ng landslide sa Barangay Masara sa Maco, Davao de Oro. Tinanggap kamakalawa ng mga kawani ng Apex Mining Corporation, namatayan ng maraming mga manggagawa sa naturang sakuna,mga canned goods, instant noodles, at bottled water na hinatid sa Maco ng mga opisyal ng Sagittarius Mines Incorporated (SMI) at mga representatibo ng tribong Blaan sa Tampakan, South Cotabato. Sa ulat ng mga himpilan ng radyo sa Central Mindanao nitong umaga ng Lunes, pinasalamatan mismo ni Maco Mayor Arthur Carlos Voltaire Rimando ang mga Blaan sa Tampakan at ang SMI sa kanilang magkatuwang na relief operation para sa Barangay Masara. Nagpadala din ang kumpanyang Procter and Gamble ng water purification solution packets sa mga residente ng Barangay Masara idinaan sa Department of Social Welfare and Development na nagsagawa din ng relief mission sa Maco nitong nakalipas na linggo, pinangunahan mismo ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian. (February 13, 2024)
-

Lalaki sinunog sarili patay, 5 bahay tupok
Matinding depresyon diumano ang siyang dahilan kung bakit sinunog ni Roldan Cuenca ang sarili sa isang insidenteng nagsanhi din ng pagkatupok ng limang bahay sa Barangay Limaha sa Butuan City nitong Linggo, February 11, 2024.Ang kanyang 13-anyos na anak pa ang kanya mismong inutusan na bumili ng gasolina na kanyang ibinuhos sa katawan at sinindihan gamit ang posporo.Sa ulat ng Butuan City Police Office nitong Martes, ang pagsunog ni Cuenca sa sarili ay nagsanhi din ng pagkakasunog ng limang bahay na magkakalapit lang, mga yari sa semi-permanent materials. Ayon sa salaysay ng mga kapitbahay sa mga himpilan ng mga radio sa Caraga Region, nagsimulang makaranas ng depresyon si Cuenca ng hiniwalayan ng asawa at mula noon, nalulong na rin sa shabu.

