Napatay ang isang pinuno ng mga katutubong Teduray at malubhang nasugatan ang isa pa sa isang ambush sa Barangay Tuayan sa Datu Hoffer, Maguindanao del Sur nitong nitong hapon ng Lunes, April 29, 2024.Sa mga hiwalay na ulat ng mga kasapi ng Teduray tribal council sa naturang bayan at ni Col. Roel Sermese, director ng Maguindanao del Sur, nakaangkas sa ang napatay na si Juanito Promboy sa motorsiklo ni Ronald Angit ng sila ay tambangan ng mga armadong kalalakihan sa isang bahagi ng farm-to-market road sa Barangay Tuayan isang liblib na lugar sa Datu Hoffer. Agad na namatay si Promboy, itinalaga ng kanilang local government unit na Indigenous Peoples Representative sa barangay government ng Tuayan, habang sugatan naman si Angit sa naturang insidente, ngayon nagpapagaling na Maguindanao del Sur Provincial Hospital sa hindi kalayuang bayan ng Shariff Aguak.Ayon sa hepe ng Datu Hoffer Municipal Police Station, si Lt. Albert Pansoy, mabilis na nakatakas ang mga namaril sa dalawa sakay ng mga motorsiklo. (April 30, 2024)
Teduray tribal leader patay sa ambush

