2 illegal dealers ng mga baril na-entrap ng CIDG

Dalawang mga illegal gun dealers, sina Marlon Danding at Saddam Polayagan, ang inaresto ng mga hindi unipormadong mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group matapos silang bentahan ng dalawang M1 Garand rifle at isang .45 caliber pistol sa isang entrapment operation sa isang liblib na pook sa Alamada sa probinsya ng Cotabato nitong Sabado, May 4, 2024.

Kinumpirma nitong Linggo ni Lt. Col. Allan Huesca, regional chief ng CIDG-Bangsamoro Autonomous Region, ang pagkaka-entrap sa dalawa, ngayon nakukulong na sa kanilang tanggapan sa Cotabato City.

Ayon kay Huesca, naikasa ang naturang entrapment operation batay sa ulat ng mga impormante hinggil sa patagong pagbebenta ng mga baril ng dalawang suspects sa mga residente ng Maguindanao del Norte at Cotabato City na labag sa batas. (May 5, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *