๐ฎ๐ฌ ๐๐ต๐ถ๐ป๐ฒ๐๐ฒ ๐บ๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐ด๐ผ๐น๐ฑ, ๐ฐ๐ผ๐ฝ๐ฝ๐ฒ๐ฟ ๐ถ๐ป ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ผ ๐ฟ๐ฒ๐ด๐ถ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ฟ๐ฟ๐ฒ๐๐๐ฒ๐ฑAgents of the Bureau of Immigration 11 and troops from the Armyโs 10th Infantry Division nabbed 20 Chinese nationals, reportedly involved in illegal copper and gold mining activities, in separate operations in two areas in Region 11 on Wednesday, April 22. Radio reports on Thursday morning stated that the foreigners were arrested by BI-11 agents and personnel of different units of the 10th ID in separate raids in illegal mining sites in Apokon in Tagum City, the capital of Davao del Norte, and in Pantukan town in Davao de Oro. The 10th IDโs Division Public Affairs Office stated in an official report released on Thursday that BI-11 agents and soldiers had confiscated from the 20 Chinese men combat uniforms of the Chinese Peopleโs Liberation Army and several bags of ammonium nitrate, used as blasting powder for dynamites for underground mining. Ammonium nitrate is also widely used as an incendiary component for fishing dynamites and improvised explosive devices. Major Gen. Alvin Luzon, commander of the 10th ID, had told reporters that the operation that led to the arrest of the 20 Chinese nationals was premised on reports by confidential tipsters about their presence in illegal mining sites in Apokon and in Pantukan, a known mineral-rich town in Davao de Oro. โThe Army team that helped the agents of the Bureau of Immigration carry out the operation had reported to me that all 20 foreigners only had tourist visas besides their passports, a clear indication that they are working in the two areas illegally,โ Luzon said. Luzon said informants had confirmed to the 10th ID that all of the now detained 20 Chinese nationals were mining for gold and copper in the areas where they apprehended. โIt is now up to the Bureau of Immigration to take action against them,โ Luzon said. (April 23, 2026)
Author: Kurt Michael Culpa
-
2 pulis sa Centeal Mindanao magkasunod na patay
Isang pulis ang napatay sa pamamaril madaling araw nitong Martes sa Isulan sa probinsya ng Sultan Kudarat, pangalawang pulis na pinaslang sa Central Mindanao sa loob lang ng 16 oras. Naglalakad si Sgt. Police Sgt. Geoffrey Angub sa gilid ng highway sa Barangay Kalawag 2 sa Isulan, ang kabisera ng Sultan Kudarat, ng lapitan ng suspect na nakilalang si Vincent Dalanon at agad na pinagbabaril ng pistol na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan. Sa ulat ni Lt. Col. Julius Malcontento, Isulan police chief, kinumpirma ng mga saksi sa insidente na si Dalanon ang nakapatay kay Angub na mabilis na nakatakas. Ang pagkakapatay ni Dalanon kay Angub ay naganap eksaktong 16 oras matapos mapatay sa katulad na pamamaril, nitong tanghali ng Lunes sa Barangay Tonggol sa Datu Montawal, Maguindanao del Sur si Patrolman Patrolman Jomar Madaliday Kalantungan ng isang salarin na agad ding nakatakas. Nasa isang bakery sa Barangay Tonggol si Kalantungan ng lapitan ng isang lalaki na may pistol at agad siyang pinaputukan ng ilang beses bago tumakbo palayo. Si Angub at Kalantungan ay parehong na-deklarang dead on arrival ng mga doctors sa mga hospital kung saan sila isinugod ng mga emergency responders para sana malapatan ng lunas. (May 27, 2025)
-

19 tripulante nasagip sa lumang barko na muntik malunod
Naagap na nasalba ng mga kasapi ng Philippine Coast Guard ang 19 na mga tripulante ng lumang M/V Ciara Joie 1 na muntik ng malunod sa habang nakahimpil, naka-angkla sa karagatang malapit sa Rio Hondo, Zamboanga City nitong Biyernes, July 12, 2024, dahil sa malalaking alon sanhi ng malakas na hangin kasabay ng matinding ulan sa kapaligiran.Tumagilid ang naturang barko, bumibiyahe ng rutang Basilan-Zamboanga, Zamboanga-Basilan, at pinasok na ng tubig kaya nagsagawa agad ng rescue operation ang mga tropa ng Philippine Coast Guard sa Zamboanga City at nadala sa ligtas na lugar ang 19 na tripulante at kapitan nito. (July 13, 2024)
-

Highway sa Lakewood, Zamboanga del Sur hagip ng landslide
Natigil ng halos isang araw nitong Biyernes, July 11, 2024, ang daloy ng mga sasakyan sa isang bahagi ng highway sa Barangay Lukuan sa bayan ng Lakewood sa Zamboanga del Sur, Region 9, dahil sa pagkabara nito ng mga putik at mga bato mula sa gilid ng matataas na mga lugar sa gilid nito kasunod ng malakas, paulit-ulit nga ulan sa kapaligiran. Muling nabuksan ang bahagi ng highway na nahagip ng landslide sa pagtutulungan ng mga barangay officials at ng Lakewood local government unit. (July 12, 2024, handout photo)
-

Dealer patay, PDEA-BARMM agent sugatan sa engkwentro
Patay ang isang shabu dealer habang sugatan naman ang isang agent ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isang engkwentro sa Barangay Poblacion II sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur nitong Huwebes.Sa ulat nitong Biyernes ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, bumunot ng baril at nagpaputok si Haider Ali Dimacisil ng mapuna na mga hindi unipormadong anti-narcotics agents ang kanyang nabentahan ng P340,000 na halaga ng shabu kaya nagkapalitan ng putok na nagsanhi sa kanyang kamatayan.Ang entrapment operation na nauwi sa engkwentro na nagsanhi ng pagkamatay ni Dimacisil ay naisagawa sa tulong ng local government unit ng Shariff Aguak at ng pulisya.Ayon kay Castro, ang PDEA-BARMM agent na nasugatan sanhi ng pamamaril ni Dimacisil ay nagpapagaling na sa isang hospital.Magkatuwang na inaalam na ng PDEA-BARMM, ng Shariff Aguak LGU at ng lokal na pulisya kung sino-sino ang mga kasabwat ni Dimacisil sa pagbebenta ng shabu sa naturang bayan. (July 12, 2024)
-

Shabu, pampasabog nasamsam sa 5 bandidong napatay
Abot sa P324,000 na halaga ng shabu at mga gamit sa paggawa ng improvised explosive devices ang natagpuan ng mga imbestigador sa hideout ng limang bandido na napatay sa isang police operation sa Aleosan, Cotabato nitong Miyerkules. Isang Special Action Force commando, si Cpl. Jed Michael Gregorio, ang nasawi sa insidente na nagsanhi din ng pagkakasugat ng tatlo niyang kasama, ngayon ginagamot na sa isang hospital. Sa mga hiwalay na ulat nitong Huwebes, kinumpirma ng Aleosan Municipal Police Station at ng Police Regional Office-12 na agad na inilibing ng mga kamag-anak ang napaslang na criminal gang leader na si Macabuat Salik at apat nitong mga tauhan, sina Norhamen Malidas, Raup Malidas, Faisal Kanggel at Palog Sakib na sangkot sa pagbebenta ng shabu, extortion at pagnanakaw ng mga baka at kalabaw sa mga liblib na mga lugar. Magsasagawa lang sana ng mapayapang search operation sa hideout nila Macabuat at apat niyang tauhan sa Purok 7 sa Barangay New Panay ang magkasanib na mga tropa ng SAF at mga operatiba ng PRO-12 ngunit sila ay pumalag kaya nagkalipatan ng putok na nagresulta sa agarang pagkamatay nilang lima. Maliban sa mga shabu at mga gamit sa paggawa ng mga IED, natagpuan din ng pulis sa kanilang hideout ang ilang mga granada at assault rifles na kanila diumanong ginamit sa pananakot ng mga magsasakang kanilang kinokolektahan ng pera bawat buwan. (JULY 11, 2024)
-

SAF commando na nasawi sa engkwentro sa mga tulisan, bibigyan ng parangal
Bibigyan ng kaukulang parangal at ayuda para sa kanyang pamilya ng pamumunuan ng Police Regional Office-12 at ng national headquarters ng Philippine National Police ang isang miyembro ng Special Action Force na nasawi sa engkwentro sa mga tulisan sa Barangay New Panay sa Aleosan sa probinsya ng Cotabato sa Region 12.Ang nasawing SAF commando, si Police Corporal Jed Michael Gregorio, ay kasama sa magkasanib na mga operatiba ng SAF unit na nasa operational control ng PRO-12, mga operatiba ng Aleosan Municipal Police Station at ng Cotabato Provincial Police Office na naatasang mag-search ng mga baril at shabu sa hideout ng tulisan na si Macabuat Salik sa Purok 7 sa Barangay New Panay.Nauwi sa engkwentro ang naturang dapat sana ay mapayapang search operation batay sa isang warrant na mula sa isang korte ng pumalag ang bandidong si Macabuat at apat na mga kasama. Silang lima ay napatay ng mga pulis sa naturang engkwentro.Tatlong mga SAF commandos ang sugatan sa insidente, ginagamot na sa isang hospital.Nasamsam ng mga pulis ang mga assault rifles ng mga napatay na mga tulisan, mga pampasabog at shabu.Ayon sa mga opisyal ng Cotabato provincial police force at kay Brig. Gen. Placer, inaalam na ng mga police intelligence agents ang ulat ng mga residente ng Aleosan na konektado ang napatay na si Macabuat sa mga grupong Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters. (JULY 11, 2024)
-

Mga kawani ng isang BARMM agency, nadamaybsa ambush
Limang bala ang tumama sa isang service van ng Bangsamoro Board of Investment (BBOI) na naipit sa naganap na pag-ambush sa isang barangay chairman sa Barangay Linek sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong Miyerkules, July 10, 2024.Sa inisyal na ulat ng mga lokal na kinauukulan, si Dodie Sinsuat, chairman ng Barangak Badak sa Datu Odin Sinsuat ang target ng pananambang at nataon lang na padaan din ang sasakyan ng BBOI na may sakay na walong empleyado na magsasagawa sana ng inspection ng mga malalaking mga negosyo na umusbong sa mga beachfront areas sa ilang barangay sa naturang bayan nitong nakalipas na mga taon.Nakaligtas si Chairman Sinsuat sa naturang ambush na kagagawan diumano ng kanyang mga nakagalit kaugnay ng kanilang mga law-enforcement activities katuwang ang pulisya at ang military.Limang butas at na-flat pa ang kaliwang unahang gulong ng van ng BBOI sanhi ng tama ng mga bala.Nagpasalamat nitong Huwebes, July 11, 2024, si BBOI Chairman Mohammad Omar Pasigan sa local government unit ng Datu Odin Sinsuat at sa mga kasapi ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station sa agarang pagbigay ng proteksyon sa walong mga kawani ng kanilang ahensya at pagmanman sa kanilang na-damage na sasakyan hanggang sa maiuwi ito sa Cotabato City na siyang kabisera ng Bangsamoro region. (July 11, 2024)
-

2 kids missing, houses damaged by floods in BARMM towns
COTABATO CITY — Two children were reportedly swept away by a rampaging flood that hit more than a dozen predominantly Moro villages in Matanog, Maguindanao del Norte and in Balabagan and kapatagan in Lanao del Sur on Tuesday night following torrential rains in mountain ranges around several hours before. Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director of the Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, told reporters on Wednesday morning that municipal police forces have joined local government responders in their search for the siblings Sheila and Ela Abdullah, whose house in Barangay Molimok in Balabagan was reportedly destroyed by rampaging floodwaters. More than a hundred houses made of semi-permanent materials in the adjoining Balabagan and Matanog towns were reportedly damaged by the floods, spawned by recurring heavy downpours that started early Tuesday. Local executives dispatched on Wednesday the personnel of their Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office to assess the damages to property and crops that the floods had caused and to extend initial relief support for the flood-stricken villagers. Units of the Philippine Navyโs 1st Marine Brigade in the two towns had also been mobilized to support the rescue and relief missions of the Balabagan and Matanog local government units, the provincial governments of Lanao del Sur and Maguindanao del Norte and the Ministry of Social Services and Development-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Relief teams led by Maguindanao Gov. Abdulrauf Macacua and Bangsamoro Social Services Minister Raissa Jajurie had initially distributed food rations to hundreds of displaced families. Photo show policemen and villagers struggle to remove a light truck that got stuck in the middle of a highway in Balabagan amid Tuesday nightโs flash floods that left the thoroughfare covered with thick mud. (JULY 10, 2024)
-

5 bandido patay, 3 SAF sugatan sa bakbakan sa Aleosan, Cotabato
Patay ang limang mga bandido habang sugatan naman ang tatlong mga kasapi ng Special Action Force ng pulisya sa isang engkwentro sa Barangay New Panay sa Aleosan, Cotabato nitong umaga ng Martes, July 9, 2024.Sa pahayag nitong Miyerkules in Brig. Percival Augustus Placer, director ng Police Regional Office-12, magsasagawa sana ng mapayapang search operation ang isang grupo ng mga pulis sa hideout ni Macabuat Salik sa Purok 7 sa Barangay New Panay sa Aleosan, kung saan may naka-iimbak diumano na shabu at mga assault rifles, ngunit pumalag siya at ang apat na mga kasama, namaril ng walang habas kaya nagkapalitan ng putok.Patay sa naturang engkwentro si Salik, matagal ng minamanmanan ng pulisya at Army units sa probinsya dahil sa kanyang mga illegal na gawain, at ang apat niyang mga tauhan na nakunan pa ng mga baril sa tabi ng kanilang mga bangkay.Ayon kay Placer, ang dapat sana ay mapayapang search operation ng mga kasapi ng Aleosan Municipal Police Station, ng SAF at ng Cotabato Provincial Police Office na nauwi sa engkwentro ay isinagawa batay sa kautusan ng isang korte sa isa sa mga bayan sa probinsya ng Cotabato.Si Salik ay may koneksyon diumano sa mga teroristang grupong Dawla Islamiya ay Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, ayon sa mga opisyal ng mga unit ng 6th Infantry Division sa probinsya at mga kasapi ng mga opisyal ng mga police stations sa mga magkakatabing mga bayan ng Aleosan, Midsayap at Pikit na sakop ng Cotabato PPO. (July 10, 2024)
