21 kilos shabu nasamsam sa Zamboanga City

Abot sa P142.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng pamahalaan mula sa isang grupo sa Sallam Drive sa Barangay Mampang sa Zamboanga City nitong Huwebes ng gabi, May 2, 2024.

Kinumpirma mismo, isang oras matapos ang naturang operasyon, ng mga officials ng Philippine Drug Enforcement Agency-9 at ng Zamboanga City Police Office na abot sa 21 kilos ang timbang ng shabu na nasamsam sa apat na suspects na na-entrap sa isang lugar sa Barangay Mampang sa tulong ng tanggapan ni Zamboanga City Mayor John Dalipe.

Ito na ang pinakamalaking bulto ng shabu na nasamsam sa isang entrapment operation lang ng PDEA-9 mula nitong nakalipas na dalawang taon.

Nasa kustodiya na ng PDEA-9 ang mga na-arestong shabu dealers. (May 3, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *