Author: Kurt Michael Culpa

  • Blaans in Tampakan wants armed groups in tribal enclaves disarmed

    Blaans in Tampakan wants armed groups in tribal enclaves disarmed

    The Department of the Interior and Local Government is now acting on reports by ethnic Blaans in Tampakan, South Cotabato about the presence of private armed groups in their domains mostly led by settlers identified with certain local officials.The National Barangays Operation Office (NBOO) of the DILG’s central office had also assured the Blaans in Tampakan, via their Indigenous People’s Mandatory Representative to their Sangguniang Bayan, the tribal chieftain Domingo Collado, of its appropriate action on the issue.Radio reports here and in nearby cities on Monday, May 13, 2024, stated that the reported presence of private armed groups in Tampakan is so bothersome for local tribespeople, among them families who had complained of maltreatment by armed men employed by settlers supporting barangay and municipal officials.Blaan tribal leaders told reporters on Monday that they have also sought the intervention of Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr. on the issue, apprehensive of possible harassment by local private armed groups if they do not support candidates they favor during next year’s local elections.Reporters received from South Cotabato provincial officials on Monday morning a copy of a letter from the DILG’s central office to Collado, signed by the lawyer Kevin Carpeso, dated March 18, 2024, stating that the NBOO shall soon report to the complaining Blaans in Tampakan the result of their initial deliberations on the issue.Senior officials of the Police Regional Office-12 had earlier announced that efforts to document the presence of private armed groups in Tampakan are underway. (May 13, 2024)

  • Resulta ng mudslide sa bayan ng Mainit sa Surigao del Norte:

    Resulta ng mudslide sa bayan ng Mainit sa Surigao del Norte:

    Mahigit 10 na mga bahay na gawa sa semi-permanent materials sa isang lugar sa Barangay Siana sa bayan ng Mainit, Surigao del Norte and nasira ng tamaan ng mga putik at mga bato na dumausdos mula sa mula sa gilid ng isang bundok kasunod ng malakas na ulan sa kapaligiran nitong Sabado, May 11, 2024.Wala namang naiulat na namatay o nasaktan sanhi ng mudslide at agad namang nailikas ng mga kawani ng Mainit Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga apektadong residente sa isang gymnasium at nabigyan na rin ng inisyal na ayuda katulad ng pagkain at inuming tubig. (May 12, 2024, handout photos)

  • Office employee ng PDEA-12 napatay sa Tulunan, Cotabato

    Office employee ng PDEA-12 napatay sa Tulunan, Cotabato

    Isang job order employee ng Philippine Drug Enforcement Agency 12, hindi agent, ang napatay sa pamamaril sa Purok 1 sa Barangay Poblacion sa Tulunan sa probinsya ng Cotabato nitong umaga ng Sabado, May 11, 2024.Nilinaw ng PDEA-12 regional office na ang biktima, si Peter Estelloso, ay isang office staff, at hindi isang agent na sumasama sa mga anti-narcotics operations.Sa inisyal na pahayag ni Capt. April Rose Soria, hepe ng Tulunan Municipal Police Station, nasa tapat ng kanilang tahanan si Estelloso ng lapitan ng salarin at pinaputukan na siyang sanhi ng kanyang kamatayan.Mabilis na nakatakas ang suspect na ngayon inaalam na ng mga imbestigador at mga barangay officials kung sino at kung ano ang kanyang motibo sa pagpaslang kay Estelloso. (May 11, 2024)

  • Bangkay sa sako, itinapon sa Rio Grande de Mindanao

    Bangkay sa sako, itinapon sa Rio Grande de Mindanao

    Isang bangkay ang nai-ahon ng mga barangay officials at mga kasapi ng Sultan Kudarat Municipal Police Station na natagpuang lumulutang sa ilalim ng Delta Bridge sa bandang dulo nito sa Barangay Salimbao sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Biyernes ng hapon, May 10, 2024.Ayon kay Lt. Col. Esmael Madin, hepe ng Sultan Kudarat police, inaalam pa nila kung sino ang patay na nakasilid sa sako at may takip pa ang mukha. (May 10, 2024)

  • Naka-wheel chair sapol ng sasakyan, sugatan

    Naka-wheel chair sapol ng sasakyan, sugatan

    Nagtamo ng mga sugat at pasa sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan ang isang person with disability, matagal ng hindi nakakalakad, ng masapol ng isang multicab ang kanyang wheelchair habang nagmamadaling dumadaan sa gilid Dacudao Buhangin Flyover sa Davao City nitong hapon ng Biyernes, May 10, 2024.Ang naka-wheelchair na si Nazareno Maniwang at ang kasamang si Vicente Lubiano, ay parehong nasaktan ng mabangga ng isang pampasaherong multi-cab sa naturang lugar. Sa ulat ng Davao City Police Office, agad namang naisugod sa pagamutan ang dalawa ng mga barangay emergency responders mula sa Barangay 19-B sa naturang lungsod.Sumuko agad sa pulisya ang driver ng sasakyang nakabundol sa kanila. (May 10, 2024)

  • Nasagasaan ng backhoe, patay!

    Nasagasaan ng backhoe, patay!

    Agad na namatay ang 30-anyos na construction worker na si Bernie Calile ng aksidenteng nalaglag at nasagasaan pa ng isang malaking backhoe na sinasakyan kasama ang operator nitong si Nicael Gontenas, 38-anyos, sa isang bahagi ng highway sa Barangay Macaguiling sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Biyernes ng hapon, May 10, 2024.Sa ulat ni Lt. Col. Esmael Madin, hepe ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, Ang nasawing si Calile at ang backhoe operator na si Gontenas, parehong mga taga General Santos City, ay mga manggagawa ng Vicente Lao Construction na may mga proyekto sa mga bayan ng Maguindanao del Norte na sakop ng Bangsamoro region. (May 10, 2024)

  • Suspect sa 10 kasong rape, na aresto sa Pagadian City

    Suspect sa 10 kasong rape, na aresto sa Pagadian City

    Isang matagal ng wanted sa 10 kasong rape at statutory rape sa sa Bukidnon sa Region 10 ang naaresto sa Zamboanga del Sur sa Region 9 nitong Lunes, ayon sa ulat ng Police Regional Office-9 nitong Biyernes.Sa pahayag ng tanggapan ni Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng PRO-9, natunton ng mga magkasanib na mga operatiba ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office at ng Bukidnon Provincial Police Office ang suspect, si Jimmy Sotto Balaba, 42-anyos, kanyang pinagtataguan sa Barangay Tuburan sa Pagadian City.Malaki ang naitulong ng mga local officials sa Pagadian City, kabisera ng Zamboanga del Sur, sa paghanap kay Balaba sa Barangay Tuburan, ayon kay Masauding.Hindi na pumalag si Balaba, taga Malaybalay City sa malayong probinsya ng Bukidnon, ng pakitaan ng mga warrants of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 45 sa naturang lungsod kung saan wanted siya sa 10 kasong pangagahasa ng mga menor-de-edad na mga babae.Naibalik na sa Malaybalay City si Balaba upang litisin sa kanyang kinakaharap na 10 rape cases sa isang korte sa naturang lungsod. (May 10, 2024)

  • Drug den isinara, dealer timbog sa  hiwalay na PDEA operations

    Drug den isinara, dealer timbog sa hiwalay na PDEA operations

    Limang magkasama sa isang drug den sa Pagadian City ang na-aresto nitong Lunes, May 6, habang isang dealer naman ang nakunan ng P340,000 na halaga ng shabu nitong Miyerkules, May 8, sa Maguindanao del Sur sa mga hiwalay na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency. Sa ulat nitong Huwebes, May 9, 2024, ni Maharani Gadaoni-Tosoc, director ng PDEA-9, naaresto sa isang raid ng kanilang agents nitong Lunes sa Purok Upper Lumboy sa Barangay Tuburan sa Pagadian City ang drug den operator na si Flor Ponce Espinosa, 42-anyos, at apat na mga kasama na hindi na kinilala dahil mga menor-edad. Nakunan sila ng 25 sachet na mga shabu at mga gamit sa pagsinghot nito sa naturang operasyon, ayon kay Gaodani-Tosoc. Nitong Miyerkules, isang nagbebenta ng shabu malapit sa mga paaralan, si Jomarie Kabucan Sakilan, ang nakunan ng P340,00 na halaga ng shabu ng mga kasapi ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa isang entrapment operation sa Barangay Kanguan sa Datu Piang, Maguindanao del Sur. Kinumpirma nitong Huwebes ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-BARMM, na nasa kustodiya na nila si Sakilan at nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 gamit ang shabu na kanyang nabenta sa kanilang mga hindi unipormadong mga operatiba sa naturang entrapment operation na inalalayan ng local government unit ng Datu Piang. (May 9, 2024)

  • Dalawang motorista malubha sanhi ng aksidente sa Dumaguete City

    Dalawang motorista malubha sanhi ng aksidente sa Dumaguete City

    Dalawang motorista, inisyal na nakilala lang na sina Ermes at Carlo, ang malubha sanhi ng pagkabundol sa kanila ng isang van sa Camanjac area sa Dumaguete City nitong gabi ng Miyerkules, May 8, 2024.Unang nagtangkang tumakas ang sasakyang nakabundol sa kanila, ngunit sumuko din kalaunan ang driver nito sa pulisya sa hindi kalayuang bayan ng Valencia sa Negros Oriental.Maagap namang naisugod sa hospital ang dalawang magka-angkas na mga motoristang sangkot sa aksidente ng mga emergency responders at ng mga pulis. (May 9, 2024, handout Facebook photo)

  • Popular na manggagamot sa Bangsamoro parliament, may dagdag na trabaho bilang health minister ng rehiyon

    Popular na manggagamot sa Bangsamoro parliament, may dagdag na trabaho bilang health minister ng rehiyon

    Itinalaga nitong May 6, 2024 ni Bangsamoro Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim ang isa sa 80 members ng regional parliament, ang physician-ophthalmologist Kadil Monera Sinolinding, Jr., bilang bagong health minister ng autonomous region, kapalit ni Doctor Rizaldy Piang.Si Member of Parliament Sinolinding, mas kilala bilang “Doctor sa parliamento,” ay nakapagsilbi na noon pa bilang regional secretary ng Department of Health ng nabuwag ng 27-taon na Autonomous Region in Muslim Mindanao, napalitan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa pamamagitan ng isang plebisito noong 2019, resulta ng halos dalawang dekadang peace talks ng Malacañang at Moro Islamic Liberation Front.Mahigit 3,000 na mga mahihirap na mga Muslim, mga Kristiyano at mga etnikong katutubong mga hindi Moro mula sa ibat-ibang panig ng BARMM na may mga problema sa mata, may mga kapansanan sa paningin ang nagamot ng libre ng medical outreach team ng tanggapan ni Member of Parliament Sinolinding mula lang noong siya ay itinalagang kasapi ng Bangsamoro parliament ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong August 2022, maliban pa sa kanyang mga ginamot noong siya ay municipal health officer pa ng mga magkalapit na mga bayan ng Pagalugan at Montawal sa Maguindanao del Sur.Maraming health workers at mga local executives ng ibat-ibang municipal, city at provincial governments sa BARMM — sakop ang mga probinsya ng Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi at ang mga lungsod ng Lamitan, Marawi at ang Cotabato — ang nagpaabot na ng kanilang pagbati kay Member of Parliament Sinolinding at kasalukuyang minister na ng MoH-BARMM.Pinasalamatan din nila si BARMM Chief Minister Ebrahim sa pagtiwala sa kakayahan ni Member of Parliament Sinolinding na pamunuan ang BARMM health ministry. (May 9, 2024)