Magkatuwang na pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Cotabato Gov. Emmylou Taliño Mendoza ang isang P5.1 billion na halaga ng irrigation project nitong Lunes, April 29, 2024, sa Barangay Bago Inged sa Pikit Cotabato.Hindi bababa sa 10,000 ektaryang mga palayan ang kayang sakupin ng Malitubog-Maridagao Stage 2 Irrigation Project, ayon sa mga agriculture officials ng Cotabati provincial government at mga kawani ng National Irrigation Administration.Karamihan sa mga barangay na makakabiyaya sa naturang irrigation facility ay may mga residenteng kasapi ng Moro National Liberation Front at ng Moro Islamic Liberation Front na parehong may hiwalay na peace agreement sa national government na parehong suportado ng administrasyon ni Gov. Mendoza.Magkatuwang na pinamunuan ni Gov. Mendoza, chairperson ng Regional Development Council 12, at ng Pangulong Marcos ang paglunsad ng naturang proyekto nitong umaga ng Lunes, isang okasyong dinaluhan ng mga mayors sa probinsya, ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at ni Cotabato Congresswoman Samantha Santos.Kasama ni Pangulong Marcos sa kanyang pagtungo sa Barangay Bago Inged sa Pikit sina Local Government Secretary Benjamin Abalos, Jr., Presidential Peace, Reconciliation and Unity Adviser Carlito Galvez, Jr., at Special Presidential Assistant Antonio Ernesto “Anton” Floirendo Lagdameo Jr. (April 30, 2024)
Author: Kurt Michael Culpa
-

New MILF political party office up, more new members in
A vice mayor belonging to a big Maranao clan and many others joined the United Bangsamoro Justice Party of the Moro Islamic Liberation Front during the inauguration of its newly-constructed headquarters building in Cotabato City on Sunday, April 28, 2024Vice Mayor Edna Ogka-Benito of Balabagan, Lanao del Sur and other leaders from the area and from Maguindanao del Sur and Maguindanao del Norte then pledged allegiance to the UBJP in the presence of Bangsamoro Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim and Regional Education Minister Muhaquer Iqbal, both members of the MILF’s central committee.The symbolic rite partly capped off the inauguration of the UBJP’s headquarters in Barangay Rosary 7 Heights, Cotabato City.The UBJP first saw action during the candidacy of members for local positions during the 2022 elections.In separate messages during Sunday’s inauguration of UBJP’s new headquarters, Ebrahim and Iqbal expressed gratitude to sectors continuously supporting the joint peacebuilding and local community empowerment thrusts of the leadership of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao and the national government. (April 29, 2024)
-

Bangkay natagpuan sa liblib na barangay sa Columbio, Sultan Kudarat
Isang naagnas na bangkay na natagpuan sa isang masukal na lugar sa Barangay Lasak sa Columbio sa probinsya ng Sultan Kudarat ang maagap na nailigpit ng mga kasapi ng Columbio Municipal Police Station at mga kawani ng Columbio Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office nitong Linggo, April 28, 2024. (April 29, 2024, handout photo)
-

Sunog sa Zamboanga City:
Isang bahay sa Justina Uro Subdivision, sa Tumaga-Putik Road, ang tinupok ng apoy nitong gabi ng Linggo, April 28, 2024. Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa insidente. (April 29, 2024, handout photo)
-

Isang buntis na shabu dealer, kasabwat, arestado sa Maguindanao Norte police operation
Nasamsam ng mga pulis ang abot sa P340,000 na halaga ng shabu sa isang buntis at kasabwat nito na na-entrap sa Diversion Road sa Capiton sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte nitong Huwebes, April 25, 2024.Hindi na pumalag ang dalawang suspects, ang 32-anyos na buntis na si Fatima Bagundang Esmail, at kasamang si Hamid Dalama Guimba, 23-anyos, ng arestuhin ng magkasanib na mga operatiba ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, pinamumuan ni Lt. Col. Sahibun Mamamtal, at ng mga kasapi ng Cotabato Police Precinct 3, na kanilang nabentahan ng shabu.Naharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 and dalawang nalambat na shabu dealers gamit ang shabu na nasamsam sa kanila sa naturang police entrapment operation.Maliban sa shabu, nakumpiska din ng mga tauhan ni Lt. Col. Mamantal mula kina Esmail at Guimba ang isang Honda XRM 125 na motorsiklo at mga cellphone na may mga numero ng kanilang mga parukyano. (April 26, 2024, Contributed Report)
-

4 governors, congressman nais ang mapayapang 2025 Bangsamoro regional, local elections
Nagkasundo ang apat na mga governors sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at ang congressman ng isa sa anim na BARMM provinces na magtulungan para sa mapayapang 2025 regional and local elections sa mga lugar na sakop nila.Ito ang napagkasunduan sa isang dayalogo sa Metro Manila kamakalawa nila Sulu Gov. Hadji Sakur Tan, Maguindanao del Sur Gov. Mariam Mangudadatu, Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr., ni Basilan Congressman Mujiv Hataman at ni Suharto Mangudadatu, dating governor ng Sultan Kudarat na ngayon ay top national official na ng Technical Education and Skills Development.Sa pahayag nitong Miyerkules, April 25, 2024, ni Gov. Adiong, nabuo ang naturang alyansa kaugnay ng kanilang mithiin na magtulungan sa pagsulong ng peace at sustainable development sa BARMM na sakop ang Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi at ang mga lungsod ng Lamitan, Marawi at Cotabato.Isa si Gov. Adiong sa mga namumuno ng Serbisyong Inklusibo Alyansang Progresibo, o SIAP regional party, na naglalayong mapaunlad ang commerce and trade sa mga liblib na mga barangay sa BARMM sa pamamagitan ng socio-economic interventions para sa mga mahihirap na magsasaka at mga mangingisda at ang paghikayat sa mga investors na mga taga labas na mag-invest sa mga bayan sa autonomous region bilang suporta sa Mindanao peace process. (April 26, 2024, handout photo)
-

Nabaril, patay sa General Santos City may dalang shabu at baril
Ito ay ayon sa ulat ng General Santos City Police na agad na nagpadala ng mga pulis sa Purok San Juan, Barangay West Gensan kung saan napatay sa pamamaril ang 41-anyos na si Michael Crisostomo madaling araw nitong Huwebes, April 25, 2024.Nagulat ang mga barangay officials sa naturang lugar at mga imbestigador ng General Santos CPO ng madiskubreng may dalang isang .45 caliber pistol at ilang sachet ng shabu si Crisostomo. (April 25, 2024)
-

Mga sundalong nakapatay ng 12 BIFF members, nagka-medalya
Tumanggap ng mga medalya bilang pagkilala sa kanilang kagitingan ang pitong mga sundalong bahagyang nasugatan ng maka-engkwentro nitong Lunes ang grupo ng mga terorista sa Maguindanao del Sur kung saan 12 na mga kalaban ang kanilang napatay.Isa sa mga napatay ng mga sundalo sa naturang insidente, naganap sa Barangay Kitango sa Datu Saudi Ampatuan sa Maguindanao del Sur, ang pinaka-mataas na leader ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na si Kagui Karialan na Mohiden Animbang ang tunay na pangalanMismong ang commander ng 6th Infantry Division, si Major Gen. Alex Rillera, ang nag-gawad nitong Miyerkules ng wounded personnel medal sa mga sugatang Scout Rangers na sina 2nd Lt. Knigle Bastian, Sgt. Oliver Lanestosa, sina Privates 1st Class Gerald Alawin, Michael Composo at Private Jay-Ar Alocada, at dalawang iba pa, sina Private Jericho Watil at Staff Sgt. Rold Romualdo, ng 92nd at 99th Infantry Battalions, ayon sa pagakasunod.Isinagawa ang naturang simpleng seremonya sa loob mismo ng Camp Siongco Hospital sa Camp Siongco sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte, magkatuwang na pinangunahan ni Rillera at ni Lt. Col. Erwin Felongco, assistant chief of staff for personnel ng 6th ID.Ayon kay Rillera, malaking kawalan sa BIFF ang pagkamatay ni Animbang sa naturang engkwentro, naganap matapos matunton ng mga tropa ng ibat-ibang unit ng 6th ID ang kanilang kinaroroonan sa Barangay Kitango sa tulong ng mga opisyal ng Datu Saudi Ampatuan local government unit. (APRIL 24, 2024)
-

P2.7-M halaga ng shabu nakumpiska sa Maguindanao del Norte
Nasamsam ng mga pulis ang P2.7 million na halaga ng shabu sa isang dealer na na-entrap sa Barangay Limbo sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong hapon ng Lunes, April 22, 2024.Sa ulat nitong Martes ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nasa kustodiya na ng Sultan Kudarat Municipal Police Station ang suspect, si Jobert Balleque Paches, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act of 2024.Ayon kay Tanggawohn, agad na inaresto si Paches matapos magbenta ng 400 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P2.7 million, sa mga hindi unipormadong mga kasapi ng Sultan Kudarat MPS na pinamumunuan ni Police Lt. Col. Esmael Madin sa naturang entrapment operation sa isang lugar sa Barangay Limbo.Ayon kay Madin, tumulong ang ilang residente ng Barangay Limbo sa pagplano ng entrapment operation na nagresulta sa pagkaka-aresto kay Paches at pagkakumpiska sa kanya ng P2.7 million na halaga ng shabu, cellphone na may mga numero ng kanyang mga contacts at ang kanyang putng minivan may plakang MAT 9729 na ayon sa mga kakilala ay gamit niya sa paghahatid ng shabu sa kanyang mga parukyano. (April 23, 2024)
-

Leader ng teroristang grupong BIFF, tepok sa engkwentro
Napatay ng mga sundalo nitong gabi ng Lunes, April 22, 2024, sa Maguindanao del Sur ang 11 na mga miyembro Bangsamoro Islamic Freedom Fighters kabilang ang kanilang pinakamataas na pinuno na wanted sa 47 na mga kasong pambobomba, extortion, multiple murder at arson sa ibat-ibang mga korte.Kinumpirma nitong gabi ng Biyernes ng mga kasapi ng ibat-ibang Municipal Peace and Order Councils, ng mga opisyal ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at ng 6th Infantry Division ang pagkasawi ni Kagui Karialan, Mohiden Animbang ang tunay na pangalan, na siyang namumuno ng isa sa tatlong faction ng BIFF na lokal na version ng Islamic State of Iraq and Syria.Nasawi din sa naturang engkwentro ng magkasanib na Army Scout Rangers at mga tropa ng 1st Brigade Combat Team at ng mga terroristang BIFF sa Barangay Kitango sa Datu Saudi Ampatuan ang kapatid ni Karialan na si Saga Animbang na kilalang bihasa sa paggawa ng improvised explosive devices, isang “signature weapon” ng naturang grupo.Sa hiwalay na pahayag ni Army Brig. Gen. Jose Vladimir Cagara, na siyang namumuno ng 1st BCT, at ng commander ng 6th ID, si Major Gen. Alex Rillera, mismong mga residente, ilan sa kanila mga barangay officials sa Datu Saudi Ampatuan, ang nagsuplong ng presensya nila Karialan sa isang liblib na lugar sa Barangay Kitango kaya naganap ang madugong palitan ng putok ng sila ay natunton ng mga sundalong nagpapatrolya.Ang grupo ng nasawing si Karialan, may koneksyon din sa teroristang grupong Dawlah Islamiya, ang siyang tinuturong isa sa mga responsable sa mga serye ng pambobomba mula 2014 ng mga sasakyang pampubliko na ayaw magbigay ng “protection money” ang mga may-ari, at kilala din sa pagkanlong ng nagbebenta ng shabu at marijuana kapalit ng pera. (APRIL 23, 2024)

