Author: Kurt Michael Culpa

  • Motorsiklo nahagip ng fuel tanker, isa patay, isa sugatan

    Motorsiklo nahagip ng fuel tanker, isa patay, isa sugatan

    Kumpirmadong patay on the spot ang isang motoristang babae habang malubhang nasugatan ang kanyang angkas ng masapol ang kanilang motorsiklo at nasagasaan pa ng isang lorry, o malaking fuel tanker sa isang bahagi ng highway sa Tulay Andanan sa Maygatasan sa Bayugan City nitong Martes, May 7, 2024.Ang Bayugan City ay nasa probinsya ng Agusan del Sur na sakop ng Region 13, kilala din bilang Caraga Region sa Mindanao. (May 8, 2024)

  • Motorsiklo sapol ng mixer truck, menor-de-edad patay, kasama malubha

    Motorsiklo sapol ng mixer truck, menor-de-edad patay, kasama malubha

    Isang motorista ang agad na pumanaw habang malubha namang nasugatan ang isa pa ng bumangga ang kanilang motorsiklo sa isang concrete mixer truck sa isang bahagi ng highway sa Barangay Cogon sa Dipolog City, Zamboanga del Norte nitong hapon ng Martes, May 7, 2024.Na-deklarang dead on arrival ng mga doctor sa Corazon Aquino Hospital sa Barangay Biasong sa Dipolog City ang 16-anyos na si Raven Samante na nakaanggkas sa motorsiklo ni Joan Pelayo, 18-anyos, na nagtamo ng mga malubhang sugat sanhi ng naturang aksidente.Sa inisyal na pahayag ng Dipolog City Municipal Police Office, nagkasalubong ang mixer truck at ang motorsiklo na nag-overshoot, o lumampas sa kabilang linya sa paliko na bahagi ng highway, kaya nagkabangaan ang mga ito.Agad namang nagpakustodiya sa pulisya ang driver ng mixer truck na nagawi sa gilid ng highway dahil sa kanyang pag-iwas sa motorsiklong sinasakyan ni Pelayo at ng nasawing kaangkas na si Samante. (May 8, 2024)

  • BARMM amnesty registration ng `colorom’ vehicles inilunsad

    BARMM amnesty registration ng `colorom’ vehicles inilunsad

    Sa kaunaunahang pagkakataon, makakapa-rehistro na ang mga taga Bangsamoro region ng mga sasakyang pampasahero na may kakulangan ang mga papeles ng mabilisan sa pamamagitan ng isang amnesty registration program ng autonomous regional government.Ito ay ibinalita nitong Miyerkules, May 8, 2024, ni Bangsamoro Transportation and Communications Secretary Paisalin Tago, kasabay ng paghikayat sa mga may-ari ng mga sasakyan “colorom” sa anim na probinsya ng autonomous region na makipag-ugnayan sa mga kawani ng Bangsamoro Land Transportation Office upang magabayan kung paano maka-benepisyo sa naturang programa.Katuwang ng Ministry of Transportation and Communications-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang tanggapan ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at Regional Highway Patrol Unit sa rehiyon, sa pamumuno ni Police Lt. Col. Christian Dela Cruz, sa pagtiyak, kung kinakailangan, na hindi nakaw ang mga sasakyang ipapa-rehistro sa pamamagitan ng naturang programa.Nagsimula nitong Martes ang vehicle amnesty registration program ng MoTC-BARMM at matatapos sa Biyernes, May 10, 2024, ayon kay Tago na isa sa 80 na mga kasapi ng Bangsamoro regional parliament.Ayon sa mga kawani ng Bangsamoro LTO, handa na silang mag-proseso ng applications para sa nais maka-benepisyo ng MoTC-BARMM passenger vehicle registration amnesty. (May 8, 2024)

  • MILF political bloc’s first assembly held in Lanao del Sur

    MILF political bloc’s first assembly held in Lanao del Sur

    Thousands participated in the first ever general assembly of the United Bangsamoro Justice Party of the Moro Islamic Liberation Front in Lanao del Sur on Monday, where a number of local executives pledged allegiance to the group. Radio reports in Cotabato City on Tuesday, May 7, 2024, stated that no fewer than 30,000 Maranaos from across Lanao del Sur participated in the sortie, held in Poona Bayabao, initiated by senior MILF officials, among them the chairman of its central committee, Ahod Balawag Ebrahim, the appointed chief minister of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Regional Parliament Member Kadil Monera Sinolinding, Jr. and BARMM’s education minister, Muhaquer Mohammad Iqbal. Monday’s activity in Poona Bayabao of the MILF-led UBJP was part of the front’s initial preparations for the first ever BARMM parliamentary elections in 2025, simultaneous with the municipal, city, provincial and senatorial elections. The MILF has 41 representatives, comprising a majority bloc, in the 80-member BARMM parliament, also known as the Bangsamoro Transition Authority, functioning as presidential appointees, not as elected regional lawmakers. Ebrahim, in a message during the Poona Bayabao UBJP gathering, said they appreciate the continuing support of southern communities to their political party, launched only about four years ago, and called on Moro sectors to unite and together keep the gains of the peace process between the government and the MILF. Ebrahim also emphasized that the creation of BARMM via a plebiscite in 2019, replacing the then 27-year Autonomous Region in Muslim Mindanao that has lesser political and administrative powers, was an outcome of the peace talks between Malacañang and the MILF that lasted for about two decades, sealed with a final compact, the Comprehensive Agreement on Bangsamoro, in 2014. (May 7, 2024)

  • Gyera ng mga grupong Moro sa Maguindanao del Sur, muling sumiklab, mga residente naperwisyo

    Gyera ng mga grupong Moro sa Maguindanao del Sur, muling sumiklab, mga residente naperwisyo

    Mahigit 5,000 na mga residente ng dalawang barangay sa Mamasapano, Maguindanao del Sur ang nasa mga evacuation sites pa sanhi ng panibagong barilan ng dalawang armadong grupo kamakalawa sa naturang mga lugar.Pinatay pa ng mga naglalabang mga kasapi ng dalawang armadong mga Moro groups, nagka-engkwentro ng ilang ulit sa Tukanalipao at Pimbalakan, ang maraming mga alagang hayop ng mga mahihirap na mga residente ng naturang dalawang barangay na umaasa lang sa pag-alaga ng farm animals at pagsasaka upang kumita ng para sa kanilang araw-araw na mga pangangailangan.Ilang local officials at mga barangay leaders ang nagkumpirma nitong Martes, May 7, 2024, na parehong mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front ang dalawang grupong naglalaban, may matinding alitan sa agawan ng teritoryo at pulitika.Sa panayam ng mga radio reporters kay Vincent Cuales, municipal disaster risk reduction and management officer ng Mamasapano nitong Lunes, May 6, 2024, kanyang ipinaliwanag na unang naganap ang barilan ng dalawang grupo nito pang nakalipas na April 2024 at muling naulit nitong nakalipas na ilang mga araw.Makikita sa larawan ang maraming alagang kambing ng mga magsasaka sa pinangyarihan ng kaguluhan sa Mamasapano nito lang nakalipas na dalawang araw na pinatay gamit mga assault rifles ng mga armadong mga magkalaban na mga miyembro ng MILF, ayon sa mga evacuees.Ilang mga alagang baka at kalabaw din ang ninakaw, tinangay ng mga naglalabang mga grupong Moro sa naturang bayan. (May 7, 2024)

  • Motorista patay sa ambush sa San Francisco, Agusan del Sur

    Motorista patay sa ambush sa San Francisco, Agusan del Sur

    Agad na pumanaw sa mga tama ng bala ang motoristang si Jessie Magbanua Daroca ng tambangan ng mga hindi pa nakikilalang mga armado sa isang liblib na pook sa bayan ng Lianga, Surigao del Sur nitong gabi ng Lunes, May 6, 2024.Ang napaslang na si Daroca ay residente ng Barangay 5, San Francisco, Agusan del Sur.Sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo ng tambangan ng mga armado na nakaabang sa kanya at mabilis na nakatakas matapos isagawa ang krimen. (May 7, 2024, handout photo)

  • Islamic teachers nagka-allowance mula Cotabato governor’s office

    Islamic teachers nagka-allowance mula Cotabato governor’s office

    Tumanggap ng cash allowance ang 300 na mga misyonaryong guro sa ibat-ibang mga Islamic schools sa probinsya ng Cotabato mula sa kanilang provincial government bilang suporta sa kanilang pagsisikap na maisulong ang Muslim-Christian solidarity sa kani-kanilang mga komunidad.Sa ulat ng ibat-ibang himpilan ng radyo sa Central Mindanao nitong Linggo, May 7, 2024, bawat isa sa mga naturang mga Islamic religion teachers ay tumanggap ng kabuuang P1,500 cash bilang allowance mula January hanggan March ngayong taon.Personal na ihinatid nito lang May 2 sa mga benepisyaro ng naturang three-month allowances para sa kanila ng mga kawani ng Moro Affairs Group ng tanggapan ni Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza sa mga Madrasah, o Islamic schools, sa ibat-ibang bayan sa probinsya.Pinangunahan ni Edris Gandalibo, senior staff ng Cotabato Provincial Governor’s Office-Moro Affairs ang pamimigay ng tatlong buwang allowance ng mga Islamic religion teachers na isa ng regular na programa ng tanggapan ni Gov. Mendoza bilang supporta at pagtangkilik sa mga Moro communities na sakop ng kanyang administrasyon. (May 7, 2024)

  • Salpukan ng dalawang motorsiklo sa Lamitan City, Basilan

    Salpukan ng dalawang motorsiklo sa Lamitan City, Basilan

    Salpukan ng dalawang motorsiklo sa Lamitan City, BasilanDalawang mga motorista ang nasaktan sa salpukan ng kanilang mga motorsiklo sa hindi naman ma-traffic na kalye sa Barangay Malakas sa Lamitan City nitong Lunes, May 6, 2024.Ang Lamitan City at isa sa dalawang lungsod sa Basilan, isa sa anim na mga probinsya ng Bangsamoro region. (May 6, 2024)

  • Motornapper patay, 2 kasama arestado sa Sultan Kudarat

    Motornapper patay, 2 kasama arestado sa Sultan Kudarat

    Napatay ng mga pulis ang isang wanted na magnanakaw ng mga motorsiklo habang sugatan naman ang kanyang dalawang kasama sa isang engkwentro sa Barangay Suben sa President Quirino, Sultan Kudarat nitong Lunes, May 6, 2024. Sa ulat nitong Lunes ng tanghali ni Brig. Gen. Augustus Placer, director ng Police Regional Office-12, tangka sanang aagawin ng mga armadong sina Bohari Basco, Oman Aliman at isang may alias na Arih ang motorsiklong Suzuki Raider 150 ng isang off-duty na sundalong si Sgt. John Acosta Valdez sa Barangay Suben sa President Quirino ngunit hindi nila itinuloy ng ito ay tumakbo palayo at humingi ng saklolo sa mga kapitbahay. Tumakas ang tatlo sakay ng isang motorsiklo ngunit inabutan ng mga kasapi ng President Quirino Municipal Police Station sa hangganan ng mga Barangays Suben at Mangelen at, sa halip na sumuko, ay nanlaban kaya nagkapalitan ng putok. Patay si Arih at sugatan naman sina Basco at Aliman sa naturang engkwentro na nag-resulta din sa pagkakakumpiska ng dalawang mga pistol at isang shotgun at isang Kawasaki Bajaj 125 na motorsiklo mula sa kanila. Kinumpirma ng mga local executives ng President Quirino at mga karatig na bayan sa Sultan Kudarat at sa Tantangan, South Cotabato na sina Basco at Aliman ay mga miyembro ng isang armadong grupo na responsable sa pagkakaagaw sa walang labang mga motorista ng mahigit 20 na mga motorsiklo sa kanilang mga lugar nitong nakalipas mga buwan. (May 6, 2024)

  • P1-M halaga ng shabu, samsam sa Dawlah Islamiya dealer

    P1-M halaga ng shabu, samsam sa Dawlah Islamiya dealer

    Nasamsam ng mga pulis ang P1 million na halaga ng shabu mula sa isang dealer na konektado diumano sa Dawlah Islamiya, nalambat nitong Sabado sa Barangay Ilian sa Mulondo, Lanao del Sur. Sa ulat nitong Lunes ni Col. Robert Daculan, provincial police director ng Lanao del Sur, hindi na pumalag ang suspect, hindi muna kinilala habang inaalam pa ang kinaroroonan ng kanyang mga kasabwat, ng arestuhin ng mga hindi unipormadong mga pulis na kanyang nabentahan ng 150 gramo ng shabu, abot P1 million ang halaga, sa Barangay Ilian sa bayan ng Mulondo. Ayon sa mga kasapi ng ibat-ibang Municipal Peace and Order Councils sa Lanao del Sur at mga Islamic religious leaders sa probinsya, kilala ang suspect sa kanyang koneksyon sa teroristang grupong Dawlah Islamiya na responsable sa pambobomba nitong December 2023 ng mga Katolikong nagsisimba sa isang gymnasium sa campus ng Mindanao State University sa Marawi City na nagsanhi sa pagkamatay ng apat na Katoliko at pagkasugat ng mahigit 40 na iba pa. Ayon kay Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, malaki ang naitulong ng tanggapan ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr. sa entrapment operation sa Mulondo na nagresulta sa pagkasamsam ng P1 million na halaga ng shabu sa isang dealer na ngayon nakakulong na, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (May 6, 2024)