COTABATO CITY AMBUSH: Barangay treasurer, 2-anyos anak patay

Napatay ang barangay treasurer ng Barangay Bagua Mother sa Cotabato City, si Mhaez Mamantal, at ang dalawang-taong-gulang niyang anak, si Norlyn sa isang ambush nitong gabi ng Biyernes, May 3, 2024.

Sa inisyal na ulat ng lokal na pulisya, sakay ng kanilang puting minivan ang mga biktima ng tambangan ng mga armadong kalalakihang sakay ng motorsiklo sa isang bahagi ng mataong Oblates Drive sa Cotabato City, kabisera ng Bangsamoro region.

Sugatan ang isa pang mga kasama ng nasawing mag-ina, si Saddam Mamantal.

Mabilis na nakatakas ng mga tumambang sa kanila, ayon sa inisyal na ulat ng Cotabato City Police Precinct 2. (May 3, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *