Author: Kurt Michael Culpa

  • Anim na drug dealers sa Zamboanga City, arestado

    Nasamsam ng mga pulis ang abot sa P122,000 na halaga ng shabu mula sa anim na mga dealers na nalambat sa mga hiwalay na anti-narcotics operation sa Zamboanga City nitong Sabado, May 25, 2024.Sa mga hiwalay na ulat nitong Lunes ng Zamboanga City police Office at ng Police Regional Office-9, unang na-entrap, madaling araw nitong Linggo, ang mga magkasabwat na sina Roger Cenas Delfino at Mohammad Bariwa Hassan Sakkam sa Purok 12, sa Barangay Sinunuc kung saan nabilhan sila ng mga hindi unipormadong mga pulis ng 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.Nakunan pa ng .45. caliber pistol ang isa sa dalawang suspects, ayon sa Zamboanga CPO.Sunod na naaresto, bandang hapon nitong Linggo, ang magka-grupong sina Jean Paul Cubero Elnar, Manuel Areston Gontinas, Mark Mecurio Faustino at John Michael Andico Quijano, matapos magbenta ng P20,000 na halaga ng shabu sa mga pulis sa isang entrapment operation sa Sitio Caputatan, sa Barangay Putik sa Zamboanga CityNasa kustodiya na ng Zamboanga CPO ang anim na mga suspects, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (May 27, 2024)

    u

  • Irragation project sa Tulunan,Cotabato pinaplano na

    Naghahanda na ang provincial government ng Cotabato at ang tanggapan ng National Irrigation Administration sa probinsya sa pagsasagawa ng P1.5 billion Tulunan Small Reservoir Irrigation Project (TSRIP) upang mas mapalaki ang produksyon ng palay sa bayan ng Tulunan sa probinsya.

    Pagtatanim ng palay at mais ang pangunahing pinagkikitaan ng mga magsasakang Muslim at Kristiyano sa Tulunan, isa sa 17 na mga bayan na sakop ng administrasyon ni Gov. Emmylou Taliño-Mendoza na siya ring chairperson ng multi-sector Regional Development Council 12.

    Nagpulong nitong Biyernes, May 24, 2024, hinggil sa naturang irrigation project sa Cotabato provincial capitol sina Mendoza at mga engineers mula sa NIA-Cotabato Irrigation Management Office na sina Antonio Egoc, Godfrey Respicio at Jalanie Mipantao at ang mataas na opisyal ng China Waters Sinopeak Construction na si Hu Fengting.

    May kasunduan na si Mendoza, si Hu at ang kanilang construction manager, si Na Ding Ding, na mahigpit na susundin ang mga regulasyon hinggil sa mga construction projects ng pamahalaan upang matiyak ang mataas na kalidad ng pagkakagawa ng irrigation facility sa Tulunan na sasakop sa hindi baba 900 na ektaryang palayan sa naturang bayan. (May 25, 2024)

    Ayon kay Mendoza, malaki ang maidudulot sa pag-unlad ng Tulunan ng patubig para sa 900 ektaryang palayan sa ilang mga barangay na sakop nito. (May 25, 2024)

  • 8 pang BIFF bombers, sumuko sa militar

    Karagdagang walo pang mga miyembro ng teroristang grupo, bihasa sa paggawa ng improvised explosive devices, ang sumuko sa 57th Infantry Battalion ng Philippine Army nitong Biyernes at nangakong magbagong buhay na.Isinuko muna ng walong mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang kanilang mga armas, kinabibilangan ng assault rifles, grenade launchers at mga IED, bago sila nanumpa ng katapatan sa harap ng local officials at ni Brig. Gen. Michael Santos ng 603rd Infantry sa isang seremonyang ginanap sa headquarters ng 57th IB sa Upi, Maguindanao del Norte.Sa pahayag nitong Sabado ni Major Gen. Alex Rillera, commander ng 6th Infantry Division, pumayag na manumpa ng katapatan sa gobyerno sina Omar Kusain, Karno Datukan, Weng Aliman, Jowie Buludan, Allan Lauriano, Aladin Duwang, Kie Basalan at Norsamin Abedin sa pakiusap nila Santos, na commander ng 603rd Infantry Brigade, ni Lt. Col. Guillermo Mabute ng 5th Infantry Battalion.Sa salaysay ng walong sumukong BIFF members sa mga reporters, kanilang nilinaw na pagod na sila sa kakatakbo sa mga liblib na lugar tuwing may anti-terror operations ang mga unit ng 6th ID sa mga bayan kung saan sila nagtatago.Kanila ding ipinaliwanag sa mga reporters na pumayag silang lumabas na at sumuko a 57th IB dahil watak-wata na sila at dahil walang naidulot na mabuti para sa kanila at kanilang mga pamilya ang kanilang pagsanib sa BIFF at dahil din naging magandang karanasan ng mahigit 700 nilang mga kasamang kumalas na sa grupo mula 2023 at naibalik na sa kani-kanilang bayan sa tulong ng mga unit ng 6th ID at ibat-ibang mga ahensya ng gobyerno. (May 25, 2024)

  • 72 barangay health workers sa Sapa-sapa, Tawi-Tawi, nagka-12k bawat isa

    Tumanggap kamakalawa ng P12,000 na insentibo ang bawat isa sa 72 na mga barangay health workers (BWH) ng napakalayong islang bayan ng Sapa-Sapa sa Tawi-Tawi mula sa Bangsamoro health ministry, nabalam dahil sa kahirapang makakonekta sila kapitolyo ng autonomous region sa Cotabato City.Sa ulat nitong Biyernes, May 24, 2024, ng local government unit ng Sapa-Sapa at ng mga himpilan ng radyo sa Zamboanga City, mismong ang bagong talagang health minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na si Doctor Kadil Sinolinding, Jr., isa sa 80 na miyembro ng regional parliament, ang siyang naghatid ng naturang P12,000 na halaga ng tatlong buwang allowance para sa bawat isa sa mga 72 na BWH.Sa kanilang pagpulong, ipinaabot ni Health Minister Sinolinding sa mga BWH sa Sapa-Sapa na may direktiba si BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim na tuloy-tuloy na dapat ang paggawad sa kanila ng monthly allowance bilang suporta sa kanila ng regional government sa kabila ng kanilang pagiging direktang nasa control ng Sapa-Sapa municipal government.Nagpasalamat nito ring Biyernes ang mga local executives sa Sapa-Sapa sa BARMM government sa ipinamigay na tatlong buwan na P12,000 na allowance para sa bawat isa sa 72 nilang mga BWH. (May 24, 2024)

  • Chapel sa Cotabato City binomba, 2 Catholics sugatan

    Dalawa ang nagtamo ng mga shrapnel wounds ng hagisan ng granada ang loob ng maliit na Sto. Niño Chapel sa Purok Bagong Silang sa Barangay Rosary Heights 3 sa Cotabato City nitong umaga ng Linggo, May 19, 2024.Ayon sa mga saksi, ihinagis sa loob ng chapel ang granada ng isang lalaking mabilis na nakatakas.Naganap ang pambobomba halos limang buwan pa lang ng pasabugan ng malakas na improvised explosive device ang malaking grupo ng mga Katoliko na nagtipon sa isang misa sa loob ng Dimaporo Gymnasium sa campus ng Mindanao State University sa Marawi City na nagsanhi ng pagkamatay ng apat katao at pagkasugat ng mahigit 40 pa.Ang mga lungsod ng Marawi at Cotabato ay parehong sakop ng Bangsamoro region. (May 19, 2024)

  • MNLF Bapa Party nais maging mapayapa ang Bangsamoro regional politics

    MNLF Bapa Party nais maging mapayapa ang Bangsamoro regional politics

    Muling pinaalalahanan nitong Sabado ng liderato ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang mga dokumentadong mahigit 90,000 na mga suporters ng bagong tatag na Bangsamoro Party nito na iwasang magsalita ng masakit, o gumawa ng mga pag-aatake sa social media sa ibang mga partidong naglalayong lumahok sa kaunaunahang parliamentary elections sa autonomous region sa taong 2025. Nai-rehistro na sa Commission on Elections ang Bangsamoro Party ng MNLF na may peace agreement sa pamahaalan na nilagdaan ng mga peace panels ng bawat panig noong September 2, 1996.Sa kanyang pahayag nitong Sabado, inatasan ni Bangsamoro Labor and Employment Minister Muslimin Sema, chairman ng MNLF at presidente ng Bapa Party, ang mga kasapi at mga supporters nito na iwasang makipag-bangayan sa mga supporters ng ibat-ibang mga regional parties sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na tiyak na magpapatakbo ng mga kandidato para sa mga parliamentary districts ng mga probinsya at lungsod sa rehiyon.Dama na ng mga taga BARMM, na sakop ang mga probinsya ng Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi at ang mga lungsod ng Cotabato, Marawi at Lamitan, ang girian ng mga partido at mga local officials na may mga kanya-kanya ng planong lumahok sa 2025 Bangsamoro regional elections.Ayon kay Sema at sa ilang matataas na mga opisyal ng MNLF na mga kasapi din ng Bapa Party, ang mga BARMM parliament members na sina Romeo Sema at Omar Sema, mga taga Cotabato City, sina Hatimil Hassan at Muslimin Jakilan, parehong mga taga Basilan, sina Abuamri Taddik at Adzfar Usman na mga taga Sulu, mas mainam at makakabuti para sa Mindanao peace process ang tumulong na lang sa pagpapanatili ng pakikipag-kapatiran at pagkakaisa ng lahat ng residente ng Bangsamoro region.Inilunsad ng MNLF ang Bapa Party nito noong May 11, 2024 sa Kakar area sa Cotabato City kung saan hindi bababa sa 30,000 ang mga dumalo dito mula sa ibat-ibang mga probinsya ng Bangsamoro region, mula sa 63 Bangsamoro barangays sa Cotabato province sa Region 12 at mula sa Cotabato City na siyang kabisera ng rehiyon. (May 18, 2024)

  • 16 kilos shabu nasamsam ng PDEA-9 SA Zamboanga City

    Nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang P108 million na halaga ng shabu mula sa isang dealer na na-entrap sa Barangay Canelar sa Zamboanga City nitong gabi ng Biyernes, May 17, 2024.Sa ulat nitong Sabado ng umaga ni Maharani Gadaoni-Tosoc, director ng PDEA-9, abot sa 16 kilos ang shabu na naibenta ni Alnasher Jumdain Mudah, 42-anyos, sa kanilang mga operatiba na nagsagawa ng naturang entrapment operation sa isang lugar sa Barangay Canelar na nag-resulta sa kanyang agarang pagkaaresto.Naisagawa ang naturang entrapment operation, kung saan nakunan ng P108 million na halaga ng shabu si Mudah, sa tulong ng tanggapan ni Zamboanga City Mayor John Dalipe at ng mga units ng Zamboanga City Police Office at ng Police Regional Office-9, ayon kay Gadaoni-Tosoc.Nasa kustodiya na ng PDEA-9 ang suspect at nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.Unang nakumpiska ng mga magkasanib na mga kasapi ng PDEA-9 at ng mga pulis ang abot sa 21 kilos na shabu, nagkakahalaga ng P145.5 million, mula sa mga dealers na sina Wilson Sahiban, 25-anyos, Junjimar Hajili Aiyob, 29-anyos, Jimmy Sahibol, 30-anyos at sa 27-anyos na si Abdurahman Abdulhakim, na na-entrap sa Barangay Mampang sa Zamboanga City nito lang May 3, 2024. (MAY 18, 2024)

  • Ina, 3 anak, kasamang nasunog ng apartment, patay

    Ina, 3 anak, kasamang nasunog ng apartment, patay

    Apat sa isang pamilya ang magkasamang nasunog habang nasa loob ng isang apartment unit na tinupok ng apoy nitong Miyerkules ng hapon, May 15, 2024, sa Barangay Tinago sa Ozamiz City sa probinsya ng Misamis Occidental. Kinumpirma mismo ng Ozamiz City Police Office at ng mga opisyal ng Bureau of Fire Protection sa naturang lungsod ang masaklap na kamatayan ni Divina Gracia Godiz Gohara at kanyang tatlong anak, dalawa sa kanila kambal na isang buwan pa lang mula ng kanyang iluwal, na hindi nakalabas sa kanilang inuupahang apartment na naapektuhan ng pagkasunog ng mga kawad na kuryente mula sa isang electric post na konektado sa naturang gusali.Bigla diumanong nagliyab ang apartment kaya hindi na nailigtas ng mga kapitbahay at mga kapamilya ang mga biktima, ayon sa ama ni Gohara, si Domingo Godiz.Sa ulat ng mga himpilan ng ibat-ibang radio stations sa Ozamiz City at mga karatig bayan sa Misamis Occidental, hindi diumano nakatugon agad sa naturang sunog ang mga Kasapi ng BFP-Ozamiz City dahil sa halip na tawagan, o iulat ang insidente sa city fire station, mas inuna pa ng mga residente sa kapaligiran ang pag-video, gamit ang kanilang mga cellphones, ng naganap na sunog.Nanawagan ang acting fire marshal ng Ozamiz City, si Fire Senior Inspector Erwin Peter Macamay, na mahalagang ipa-abot agad sa kanila ang ano mang nagaganap na sunog upang maka-responde sila ng mabilisan. (May 17, 2024, handout photos)

  • New Region 12 miners’ association gets support of ethnic groups

    New Region 12 miners’ association gets support of ethnic groups

    Ethnic tribes in Region 12 on Thursday pledged support for the newly organized Soccsksargen Responsible Miners Association, for them a partner in ensuring an environment-friendly exploration of minerals and fossil fuels in their ancestral domains.Soccsksargen is an acronym for South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat and Saragani provinces in Administrative Region 12.Edmund S. Ugal, a T’boli tribal leader, told reporters on Thursday that they are looking forward to an extensive cooperation between their tribe and the SRMA in monitoring coal mining in their ancestral lands in Lake Sebu in South Cotabato that started only last year, and, most likely, in nearby towns soon.”We will support the SMRA,” Ugal said.Radio reports in Korondal City and in nearby cities in Region 12 on stated that the SRMA’s newly-elected officials, Joselito E. Kakilala, a senior official of the Sagittarius Mines Incorporated, president, Joel Q. Bernales of Kiamba Mining Corporation, vice president, Elna S. Betalac of the C.A Betalac Construction and General Merchandise Incorporated, secretary, Josephine J. Balonga of South Cotabato Small Scale Miners Federation, treasurer, and the Axel G. Tumulak of the Carmen Copper Corporation, auditor, read their oaths of office early this week before Engineer Efren B. Carido, regional director of the Mines and Geosciences Bureau 12 based in this city. Teduray and Dulangan Manobo tribal leaders in Sultan Kudarat province had also expressed recognition and support for the SRMA in separate statements aired by radio stations on Thursday morning.Blaan chieftain Domingo N. Collado, Indigenous People’s Mandatory Representative to the municipal council of Tampakan town in South Cotabato, said their tribe will help officials of the SRMA push their responsible mining programs forward. “The setting up of this SMRA is so timely because we are now looking forward to the start, possibly next year, of the Tampakan-Copper Gold Project in Blaan ancestral lands in Tampakan municipality,” Collado said.Malacanang and the central office of the Department of Environment and Natural Resources had permitted the extraction of estimated US$ 200 billion worth of copper and gold in Blaan domains in Tampakan with the concurrence of the local tribal councils and the National Commission on Indigenous People. (May 17, 2024)

  • Sunog sa Zamboanga City

    Sunog sa Zamboanga City

    Isang bahay sa Barangay Sta. Maria sa Zamboanga City, Region 9, pag-aari ni Jonathan Regino, ang tinupok ng apoy nitong gabi ng Huwebes, May 16, 2024.Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa insidente, ayon sa mga barangay officials ng Sta. Maria at sa Bureau of Protection. (May 17, 2024, handout photo)