Tumanggap kamakalawa ng P12,000 na insentibo ang bawat isa sa 72 na mga barangay health workers (BWH) ng napakalayong islang bayan ng Sapa-Sapa sa Tawi-Tawi mula sa Bangsamoro health ministry, nabalam dahil sa kahirapang makakonekta sila kapitolyo ng autonomous region sa Cotabato City.Sa ulat nitong Biyernes, May 24, 2024, ng local government unit ng Sapa-Sapa at ng mga himpilan ng radyo sa Zamboanga City, mismong ang bagong talagang health minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na si Doctor Kadil Sinolinding, Jr., isa sa 80 na miyembro ng regional parliament, ang siyang naghatid ng naturang P12,000 na halaga ng tatlong buwang allowance para sa bawat isa sa mga 72 na BWH.Sa kanilang pagpulong, ipinaabot ni Health Minister Sinolinding sa mga BWH sa Sapa-Sapa na may direktiba si BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim na tuloy-tuloy na dapat ang paggawad sa kanila ng monthly allowance bilang suporta sa kanila ng regional government sa kabila ng kanilang pagiging direktang nasa control ng Sapa-Sapa municipal government.Nagpasalamat nito ring Biyernes ang mga local executives sa Sapa-Sapa sa BARMM government sa ipinamigay na tatlong buwan na P12,000 na allowance para sa bawat isa sa 72 nilang mga BWH. (May 24, 2024)
