Anim na drug dealers sa Zamboanga City, arestado

Nasamsam ng mga pulis ang abot sa P122,000 na halaga ng shabu mula sa anim na mga dealers na nalambat sa mga hiwalay na anti-narcotics operation sa Zamboanga City nitong Sabado, May 25, 2024.Sa mga hiwalay na ulat nitong Lunes ng Zamboanga City police Office at ng Police Regional Office-9, unang na-entrap, madaling araw nitong Linggo, ang mga magkasabwat na sina Roger Cenas Delfino at Mohammad Bariwa Hassan Sakkam sa Purok 12, sa Barangay Sinunuc kung saan nabilhan sila ng mga hindi unipormadong mga pulis ng 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.Nakunan pa ng .45. caliber pistol ang isa sa dalawang suspects, ayon sa Zamboanga CPO.Sunod na naaresto, bandang hapon nitong Linggo, ang magka-grupong sina Jean Paul Cubero Elnar, Manuel Areston Gontinas, Mark Mecurio Faustino at John Michael Andico Quijano, matapos magbenta ng P20,000 na halaga ng shabu sa mga pulis sa isang entrapment operation sa Sitio Caputatan, sa Barangay Putik sa Zamboanga CityNasa kustodiya na ng Zamboanga CPO ang anim na mga suspects, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (May 27, 2024)

u