Author: Kurt Michael Culpa

  • Bus gumulong sa highway sa Davao del Sur, 4 na pasahero sugatan

    Bus gumulong sa highway sa Davao del Sur, 4 na pasahero sugatan

    Sugatan ang apat na sakay ng using unit ng Yellow Bus Line na gumulong sa isang bahagi ng Davao-General Santos Highway sa Barangay Balutakay sa Hagonoy, Davao del Sur nitong madaling araw ng Martes, June 4, 2024.Sa ulat ng Hagonoy Municipal Police Station, nawalan ng control ang driver ng bus dahil sa madulas ang highway sanhi ng malakas na ulan bago naganap ang aksidente. (June 5, 2024, handout photo)

  • 15,750 residente ng Tampakan, South Cotabato tumanggap ng El-Niño ayuda

    15,750 residente ng Tampakan, South Cotabato tumanggap ng El-Niño ayuda

    Abot sa 15,750 na mga Blaan at mga non-indigenous settlers sa bayan ng Tampakan sa South Cotabato ang tumanggap ng mga ayudang bigas, bottled water at iba pang food supplies sa magkatuwang na mga humanitarian missions nitong May 2024 ng kanilang tribal leaders, mga municipal officials at ng Sagittarius Mines Incorporated.Kontratado ng Malacañang ang Sagittarius Mines Incorporated, o SMI, na magpatupad, simula 2025, ng Tampakan Copper-Gold Project batay sa mga pahintulot nito, ng Department of Environment and Natural Resources, ng Blaan tribal councils at ng National Commission on Indigenous Peoples.Sa mga ulat nitong Miyerkules ng ng ibat-ibang mga himpilan ng radyo sa Koronadal City at mga karatig na lungsod sa Soccsksargen Region, isang kilalang Blaan tribal leader, si Nora Sukal, at ang representatibo ng kanilang tribo sa Tampakan municipal council na si Domingo Collado ang nagkumpirma ng pagkakatanggap ng 15, 750 na mga residente ng kanilang bayan ng relief supplies sa mga humanitarian missions ng SMI at ng mga local officials nitong nakalipas lang na buwan.Libo-libong mga magsasaka sa Tampakan ang nawalan ng kita dahil sa tagtuyot na dulot ng El-Niño mula pa January 2024 na nagsanhi ng pagkatuyo ng kanilang mga panamin sa sa kanilang mga sakahan.Pinasalamatan nitong Miyerkules ng registered nurse na si Rolly Doane Aquino, tagapamahala ng South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management office at ni South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo, Jr. ang mga leaders ng Blaan tribe, ang kanilang mga local officials, at SMI sa mga relief missions para sa mga residente ng Tampakan. (June 5, 2024)

  • South Cotabato gov, mga kapartido, mas dumami na sa Partido Federal ng Pilipinas

    South Cotabato gov, mga kapartido, mas dumami na sa Partido Federal ng Pilipinas

    Hindi bababa sa 2,000 na mga community leaders at mga incumbent local government executives sa ibat-ibang mga bayan sa probinsya ng Iloilo at Guimaras at sa Iloilo City ang sumanib sa Partido Federal ng Pilipinas nitong Linggo, June 10, 2024.Nanumpa ng katapatan sa Partido Federal ng Pilipinas ang naturang mga community leaders at mga pulitiko sa harap nila Party President Reynaldo Tamayo, Jr., na governor ng South Cotabato na ang kabisera ay sa Koronadal City sa Region 12, at kay Gov. Arthur Defensor, Jr. ng Iloilo province sa isang pagtitipon sa Grand Xing Imperial Hotel sa Iloilo City.Dumalo sa naturang pagtitipon sina Special Assistant to the President Antonio Ernesto Lagdameo Jr., Guimaras Congresswoman Ma. Lucille Nava, Guimaras Gov. Joaquin Carlos Rahman Nava, Iloilo City Mayor Jerry Trenas, Uswag Partylist Rep. Jojo Ang.Sasabak na sa 2025 elections ang naturang partido na marami ng miyembro sa Mindanao na sumanib dito sa pagsisikap ni South Cotabato Gov. Tamayo. (June 4, 2024, Handout Photos)

  • 32-anyos na babae sa Maguindanao del Norte, timbog sa shabu

    32-anyos na babae sa Maguindanao del Norte, timbog sa shabu

    Agad na inaresto ng mga kasapi ng Sultan Kudarat Municipal Police Station ang isang babaeng shabu dealer na si Omera Mohammad Guiamad, 32-anyos, matapos silang bentahan ng shabu sa isang entrapment operation sa Barangay Dalumangcob sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Lunes, June 3, 2024.Nabilhan si Guimad ng mga hindi unipormadong mga miyembro ng Sultan Kudarat MPS ng abot sa P1,972 na halaga ng shabu sa naturang entrapment operation, ayon sa ulat ng Sultan Kudarat MPS kay Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.Nasa kustodiya na ng Sultan Kudarat MPS si Guiamad, nahaharap na sa kaukulang kaso. (June 4, 2024)

  • 2 patay, 2 malubha sa pagkahulog ng pick-up truck sa gilid ng highway

    2 patay, 2 malubha sa pagkahulog ng pick-up truck sa gilid ng highway

    Dalawa ang nasawi at dalawa din ang malubha sanhi ng pag-gulong ng ilang beses at pagbulusok ng kanilang sinasakyang pick-up truck sa malalim na gilid ng highway sa boundary ng Kidapawan City at Makilala, Cotabato nitong madaling araw ng Martes, June 4, 2024.Sa ulat ng Cotabato Provincial Police Office nitong umaga ng Martes, namatay sa naturang aksidente sina Carl Janrence Garcia at Jerome Tamsi habang malubha naman ang dalawa nilang mga kasama na sina Redo Digal at Arex Bryelle Abian, parehong nilalapatan na ng lunas sa isang hospital.Ayon sa mga imbestigador ng Kidapawan City Police Office at ng Makilala Municipal Police Station, galing sa isang birthday party ang mga biktima at pauwi na sa kani-kanilang mga tahanan sa Makilala mula sa naturang kasiyahan sa Kidapawan City ng nawalan diumano ng control ang driver ng sinasakyang Toyota Hilux pick-up truck, ang nasawi na si Tamse, kaya ito gumulong-gulong at nahulog sa malalim na gilid ng highway malapit sa isang dulo ng mahabang tulay sa isang bahagi ng Cotabato-Davao Highway.Ayon sa mga kakilala, parehong mga lasing ang nasawing wala diumanong lisensyang driver na si Tamse, ang kanyang nasawi ding pasahero na si Garcia at ang mga kasama nilang mga nagtamo ng malubhang mga sugat at mga pasa sa katawan na sina Digal at Abian. (June 4, 2024)

  • Karangalan para sa BARMM: CPA na taga Cotabato City, nahalal na PICPA national official

    Karangalan para sa BARMM: CPA na taga Cotabato City, nahalal na PICPA national official

    Isang taga Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ang Certified Public Accountant na si Fatima Mending-Abas, ang nahalal na National Sectoral Director for Government ng Philippine Institute of Certified Public Accountants sa isinagawang halalan nito noong May 16, 2024.Ang CPA na si Ginang Mending-Abas ay internal audit director ng Ministry of Finance and Budget Management-BARMM na ang tanggapan ay nasa Bangsamoro capitol compound sa Cotabato City na siyang kabisera ng autonomous region.Sakop ng BARMM ang Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi at ang mga lungsod ng Marawi, Lamitan at Cotabato.Si Ginang Mending-Abas, isang tubong Cotabato City, ay nanilbihan din bilang PICPA chapter president ng lungsod ng dalawang taon bago naging National Sectoral Director for Government nito kasunod ng isinagawang online at face-to-face elections nila ilang linggo pa lang ang nakakalipas. (June 3, 2024)

  • Aksidente sa Sultan Kudarat, Maguindanao

    Aksidente sa Sultan Kudarat, Maguindanao

    Isang pick-up truck ang gumulong-gulong sa highway at bumulusok sa gilid ng highway sa Barangay Rebuken sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Linggo, June 2, 2024.Tatlo diumano ang sakay ng naaksidenteng pick-up truck, ngunit wala pang pahayag ang Sultan Kudarat Municipal Police Station hinggil sa kanilang kalagayan.Nawalan diumano ng control ang driver ng sasakyan kaya ito naaksidente. Inaalam pa ng mga imbestigador kung ano ang dahilan ng aksidente. (June 3, 2024)

  • 3 combat rifles nasamsam ng CIDG sa 2 dealers sa Lanao del Sur

    3 combat rifles nasamsam ng CIDG sa 2 dealers sa Lanao del Sur

    Arestado ang dalawang mga illegal gun dealers matapos magbenta ng dalawang M14 rifles at isang M16 rifle sa hindi unipormadong mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-Bangsamoro Autonomous Region sa Barangay Sarang sa Malabang, Lanao del Sur nitong hapon ng Sabado, May 8, 2024.Ayon kay Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Bangsamoro regional police, nasa kustodiya na ng CIDG-BAR ang mga suspects na sina Jamel Cabila Musor at Pananggi Sarip Ampuan, nalambat sa isang operasyong nilatag ni CIDG-BAR regional chief Lt. Col. Ariel Huesca at ng kanyang mga tauhan, sa tulong ng mga impormanteng alam ang illegal na gawain ng dalawa.Sa mga hiwalay na pahayag nito ring Sabado, pinasalamatan ni Tanggawohn at Huesca ang mga impormanteng tumulong sa paglatag ng naturang matagumpay na entrapment operation. Labag sa Republic Act 10591 ang pagbebenta, o possession ng mga baril at pampasabog ng walang pahintulot sa national headquarters ng Philippine National Police. (June 8, 2024)

  • Jolo Airport sa Sulu may Wi-Fi na para sa mga plane passengers

    May Wi-Fi connection na sa Jolo Airport sa mapayapa ng probinsya ng Sulu na maaring magamit ng mga pasahero ng mga eroplano habang nasa pre-departure area nito.Sa mga ulat nitong Sabado ng mga himpilan ng radyo sa Central Mindanao, magkatuwang ang Department of Information and Communications Technology, ang Bangsamoro Airport Authority (BAA) at ang tanggapan ni Bangsamoro Regional Transportation and Communications Minister Paisalin Pangandaman Tago sa pagpapatupad ng naturang proyektong layon ang mas mapaunlad pa ang komersyo sa Jolo at mapalawak pa ang serbisyo ng Ministry of Transportation and Communications sa buong Sulu.Ayon kay Tago, isa sa 80 na miyembro ng BARMM parliament, ang Wi-Fi project sa Jolo Airport ay kaugnay ng digitalization program ng Malacañang na naglalayong mas maging epektibo ang serbisyo ng lahat ng ahensya ng pamahalaan sa lahat ng rehiyon sa bansa.Ang dating magulong Sulu, kung saan dating may presensya ng teroristang grupong Abu Sayyaf na magkatuwang na nabuwag na ng pulisya, ng militar at ng provincial at municipal governments sa probinsya, ay kilala ng isang tourist destination dahil sa likas na ganda ng mga beach resorts nito na bukas 24-oras at potential na lugar din para sa mga agricultural projects na maaring pondohan ng mga kapitalistang taga-labas. (June 1, 2024)

  • Driver ng pick-up truck nasapol ng bus, patay, wasak katawan

    Agad na namatay ang driver ng isang pick-up truck na nasapol ng isang unit ng Mindanao Star Bus dahil diumano, ayon sa mga kakilala nito at mga saksi, nagmaneho ng lasing kaya mabilis ang patakbo, nagawi sa maling lugar kaya naaksidente.Naganap ang aksidente nitong Biyernes, May 31, 2024, sa isang bahagi ng Davao-Digos Highway sa Barangay Bato sa Sta. Cruz sa bayan ng Davao del Sur.Sa ulat ng Sta. Cruz Municipal Police Station, wasak ang ulo ng driver na nasawi sa aksidente.Bagama’t may mga saksi na nagpatunay na wala itong kasalanan, agad namang nagpa-kustodiya sa mga pulis na nag-responde sa insidente ang driver ng bus na nakabangga sa pick-truck na minamaneho ng lasing. (June 1, 2024)