Naghahanda na ang provincial government ng Cotabato at ang tanggapan ng National Irrigation Administration sa probinsya sa pagsasagawa ng P1.5 billion Tulunan Small Reservoir Irrigation Project (TSRIP) upang mas mapalaki ang produksyon ng palay sa bayan ng Tulunan sa probinsya.
Pagtatanim ng palay at mais ang pangunahing pinagkikitaan ng mga magsasakang Muslim at Kristiyano sa Tulunan, isa sa 17 na mga bayan na sakop ng administrasyon ni Gov. Emmylou Taliño-Mendoza na siya ring chairperson ng multi-sector Regional Development Council 12.
Nagpulong nitong Biyernes, May 24, 2024, hinggil sa naturang irrigation project sa Cotabato provincial capitol sina Mendoza at mga engineers mula sa NIA-Cotabato Irrigation Management Office na sina Antonio Egoc, Godfrey Respicio at Jalanie Mipantao at ang mataas na opisyal ng China Waters Sinopeak Construction na si Hu Fengting.
May kasunduan na si Mendoza, si Hu at ang kanilang construction manager, si Na Ding Ding, na mahigpit na susundin ang mga regulasyon hinggil sa mga construction projects ng pamahalaan upang matiyak ang mataas na kalidad ng pagkakagawa ng irrigation facility sa Tulunan na sasakop sa hindi baba 900 na ektaryang palayan sa naturang bayan. (May 25, 2024)
Ayon kay Mendoza, malaki ang maidudulot sa pag-unlad ng Tulunan ng patubig para sa 900 ektaryang palayan sa ilang mga barangay na sakop nito. (May 25, 2024)
