Author: Kurt Michael Culpa

  • Sa tulong ng ILO, Japan at DICT, BARMM ‘going digital’ na

    Magkatuwang na inilunsad nitong Huwebes ng Japanese government, ng International Labour Organization (ILO) at ng Department of Information and Communications Technology ang Digital Transformation Center, o DTC, sa Bangsamoro region bilang suporta sa pagbangon ng mga probinsyang sakop nito sa negatibong epekto ng COVID 19 pandemic.Pinangunahan nila Khalid Hassan ng ILO, isang ahensya ng United Nations, ni Chichiro Kanno mula sa Japanese Embassy sa Pilipinas at ni DICT Assistant Secretary Wilroy Ticzon ang paglunsad ng proyekto sa compound ng Bangsamoro Telecommunications Office sa Cotabato City.Layun ng pagtatag ng DCT sa autonomous region ang ganap na digitalization ng komersyo at kalakaran sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at upang mas mapalaganap pa ang peace process sa anim na probinsya at tatlong lungsod nito na may presensya ng Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberation Front na parehong may mga peace agreements na sa Malacañang.Ang Japanese government ay masigasig na sinusuportahan ang Mindanao peace process habang ang ILO naman ay may mga proyektong naglalayong mapabuti ang kalagayan ng manggagawa sa BARMM at masugpo, sa tulong ng education at labor ministries nito, ang laganap na child labor sa rehiyon na sakop ang mga probinsya ng Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi at mga lungsod ng Cotabato, Marawi at Lamitan. (May 31, 2024)

  • Mga taga Basilan, sumanib sa Bapa Party ng MNLFH

    Hindi bababa sa 20,000 na mga residente ng Basilan ang sumanib nitong Huwebes sa Bangsamoro Party ng Moro National Liberation Front (MNLF) na popular sa polisiya nitong bawal sa mga miyembro ang makipagbangayan sa mga taga ibang partido bagkus pangalagaan na lang mga positibong benepisyo ng Mindanao peace process.Sa ulat ng mga himpilan ng Radyo sa Zamboanga City at mga karatig na probinsya ng Bangsamoro region nitong Biyernes, naganap ang naturang pagsanib ng libo-libong mga residente ng Basilan sa Bapa Party sa isang malaking pagtitipon nitong Huwebes sa isang public gymnasium sa poblacion ng Tuburan, isa sa 11 na mga bayan na sakop ng probinsya, na may dalawa pang mga Lungsod, ang Isabela at Lamitan.Ang Bapa Party ng MNLF ay rehistrado na sa Commission on Elections at naghahanda na para sa kaunaunahang 2025 parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.Kabilang sa mga namuno ng aktibidad ng Bapa Party nitong Huwebes sa Tuburan, balwarte ng MNLF mula pa noong dekada ’70, ang presidente ng partido na si Bangsamoro Labor and Employment Minister Muslimin Sema, ang mga kasapi ng BARMM Parliament na sina Romeo Sema, Muslimin Jakilan, Omar Sema, Hatimil Hassan, Adfar Usman at mga namumuno ng MNLF sa Basilan.Ayon kay BARMM Labor and Employment Minister Sema, chairman ng MNLF central committee, mahigpit na pinagbabawal sa mga miyembro ng BAPA Party ang makipagbangayan sa mga kasapi ng ibang regional political parties batay sa mga layunin nitong isulong ang political, religious at cultural solidarity sa mga komunidad ng mga Muslim, mga Kristiyano at mga indigenous non-Moro groups sa Bangsamoro region. (MAY 31, 2024)

  • Pulis tinakot ng pistol misis, nabaril sarili patay

    Patay ang isang kasapi ng Dinas Municipal Police Station sa Dinas, Zamboanga del Sur ng aksidenteng mabaril ang sarili ng kanyang service pistol na ginamit niyang panakot sa kanyang misis sa kalagitnaan ng kanilang away nitong Martes, May 28, 2024.Sa mga hiwalay na ulat nitong Huwebes ng mga kawani ng Dinas Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at ng mga opisyal ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office, galing sa isang lamay ng isang patay na kaibigan si June Alpad bago naganap ang insidente.Naiulat ng mga himpilan ng radyo sa Zamboanga del Sur, batay sa salaysay ng mga mga kamag-anak at mga kapitbahay, na lasing si Alpad ng dumating sa kanilang tahanan sa Barangay Nangka sa Dinas kaya sila nag-away ng kanyang misis.Ayon sa mga barangay officials, unang tinutukan ni Alpad ng kanyang service pistol ang kabiyak at pinaikot-ikot niya ito sa kanyang daliri kaya naidiin ang trigger, pumutok ng nakatutok sa kanyang mukha na nagsanhi sa kanyang agarang kamatayan. (May 30, 2024)

  • Suspect sa ambush, pagpatau ng municipal police chief, arestado

    Isa sa mga suspect sa pagpatay sa isang ambush ng isang municipal police chief at escort nito sa Maguindanao del Sur noong 2022 ang na-aresto nitong Miyerkules sa isang bayan sa probinsya ng Cotabato.Natunton ng mga kasapi ng Criminal Investigation and Detection Group-Bangsamoro Autonomous Region si Kamid Kambal Asam, taga Barangay Lapok sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur, sa isang hospital sa Midsayap, Cotabato kung saan ito nagpapagamot ng matagal ng karamdaman.Kinumpirma nitong Huwebes ni Brig. Gen. Prexy Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang pagkaka-aresto kay Asam ng mga operatiba ng CIDG-BAR na pinamumunuan ni Lt. Col. Ariel Huesca.Si Asam, may kinakaharap na 13 na high-profile criminal cases sa ibat-ibang mga korte sa Central Mindanao, ay isa din diumano sa mahigit 10 na armadong nakapatay sa isang ambush, noong August 29, 2022, kina Lt. Reynaldo Samson, hepe ng Ampatuan Municipal Police Station, at Corporal Salipudin Endab sa Barangay Kapinpilan sa Ampatuan kung saan sila at anim pang mga pulis ay magsasagawa sana ng isang law-enforcement operation. Napatay ng mga magkasanib na intelligence agents ng 6th Infantry Division at ng mga pulis noong February 28, 2023 sa maikling palitan ng putok sa bus terminal sa Tacurong City, Sultan Kudarat ang pinuno ng diumano namuno sa grupo nila Asam sa naturang pananambang, si Abdulkarem Lumbatan Hashim, kilala ding bilang Boy Jacket, at kasamang si Makmud Lumbatan, parehong mga miyembro ng teroristang grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters. (MAY 30, 2024)

  • LGUs, mining company magkatuwang na nag-ayuda sa El-Niño victims

    Mahigit P1 million na halaga ng relief supplies ang magkatuwang na ipinamahagi kamakalawa ng dalawang provincial governments, ng isang grupo ng mga magsasaka at pribadong kumpanya sa mga pamilyang nawalan ng kita sanhi ng tagtuyot na dulot ng El-Niño phenomenon. Sa ulat ng mga himpilan ng radyo sa Korondal City nitong Miyerkules, idinaan ng Sagittarius Mines Incorporated (SMI) ang 12 toneladang bigas, canned goods, at instant noodles sa mga tanggapan nila Sultan Kudarat Gov. Pax Ali Mangudadatu sa bayan ng Isulan at South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo, Jr. sa Koronadal City at sa Federation of Irrigators Association sa Matanao, Davao del Sur na agad namang naipamahagi sa mga benepisyaryo.Ang SMI ay kontratado ng Malacañang na mamahala ng operasyon, simula 2025, ng Tampakan Copper-Gold Project sa mga ancestral lands ng mga Blaan sa Tampakan sa South Cotabato.Pinasalamatan nitong Miyerkules ni Rolly Doane Aquino, tagapamahala ng South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ang SMI sa ayudang inilaan nito para sa mga residente ng probinsya na natuyo ang mga sakahan sanhi ng kawalan ng ulan mula pa nitong unang bahagi ng 2024.Ayon kay Aquino, marami pang magagawang humanitarian missions ang South Cotabato provincial government at ang SMI ngayon na may matibay na corporate social responsibility tie-up na ito sa tanggapan ng gobernador ng probinsya. (May 29, 2024)

  • River docks itatayo ng BARMM sa Ligawasan Delta

    Dalawang malalaking konkretong daungan ang itatayo upang mapadali ang paghahatid sa mga palengke sa ibat-ibang mga probinsya ng mga isdang tabang mula sa 220,000-ektaryang Ligawasan Delta kung saan ilang libong mga dating rebeldeng Moro ang namumuhay na ng tahimik bilang mga mangingisda. Ang isa sa dalawang river docks na proyekto ng Ministry of Transportation and Communications-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, nagkakahalaga ng P18.5 million, ay itatayo sa Barangay Gambar sa Kabuntalan, Maguindanao del Norte habang ang isa naman, napondohan ng P18.4 million, ay sa Libungan Toreta sa bayan ng Libungan sa probinsya ng Cotabato. Sa pahayag nitong Martes, May 28, 2024, ni Bangsamoro MoTC Minister Paisalin Pangandaman Tago, may kontrata na ang kanyang tanggapan sa dalawang construction companies na magsasagawa ng naturang infrastructure projects na kailangan upang mas mapabilis ang paghahatid ng mga isdang mula sa malawak na Ligawasan Delta sa mga palengke sa mga bayan sa Maguindanao del Norte at Cotabato at dito sa Cotabato City. Ang Ligawasan Delta, pinaka-malawak na inland marsh sa Pilipinas, ang siyang pinagmumulan ng supply ng isdang tabang na nabibili sa mga palengke sa mga lungsod at mga bayan sa mga probinsya sa Central Mindanao. Ang Ligawasan Delta ay napapaligiran ng mga probinsya ng Cotabato at Sultan Kudarat sa Region 12, ng Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte sa BARMM, at malapit din sa silangang bahagi ng Cotabato City. (May 28, 2024)

  • P13.8 million halaga ng shabu nasamsam sa Pigcawayan,Cotabato

    Nasamsam ng mga hindi unipormadong mga pulis ang P13.9 million worth na shabu sa tatlong dealers na mula pa sa malalayong lugar, na-entrap nitong nitong Martes ng umaga sa Barangay Balogo sa Pigcawayan sa probinsya ng Cotabato.Sa ulat nitong tanghali ng Martes ni Brig. Gen. Percival Augustus Placer, director ng Police Regional Office-12, hindi na pumalag ang 36-anyos na babaeng si Marhaya Aziz Abdullah at sina Kadapi Karim Jaca, 45-anyos, at Ridzmer Nasher Abdulkara, 38, ng arestuhin ng mga magkasanib na mga operatiba ng PRO-12 at ng Police Drug Enforcement Agency Group-12 matapos silang bentahan ng 2.1 kilo ng shabu, nagkakahalaga ng P13.9 million.Na-entrap ang tatlong shabu dealers sa loob ng Room 3 ng Red High Heel Hotel sa Barangay Balogo sa Pigcawayan, mga 14 oras na biyahe mula sa Zamboanga City kung saan sila nagmula.Maliban sa shabu na nagkakahalaga ng P13.9 million, nakumpiska din ng mga magkasanib na mga operatiba ng PRO-12 at PDEG-12 ang isang 9 millimeter Glock 17 pistol ng isa sa kanila at ang kanilang puting Toyota Fortuner na kanilang ginamit sa pagdala ng illegal na droga mula pa sa Zamboanga City.Ayon kay Placer, si Abdullah at Jaca ay mga residente ng Zamboanga City sa Region 9 habang si Abdulkara naman at taga Barangay Suba-Suba sa bayan ng Pandami sa Sulu, isa sa anim na probinsya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. (May 28, 2024)

  • Isa patay sa karambola ng mga sasakyan sa Tigbao, Zamboanga del Sur

    Patay ang isang ina na sakay ng trike, mas kilala bilang “Bao-Bao,” na nasangkot sa karambola ng tatlong sasakyan sa isang bahagi ng isang national highway sa Tigbao, Zamboanga del Sur nitong Lunes, May 27, 2024.Sugatan din ang mister at mga anak ng ina na nasawi sanhi ng aksidente, ayon sa Tigbao Municipal Police Station. (May 28, 2024)

  • Magkapatid nakunin ng P3.4-M halaga ng shabu

    Magkapatid nakunan ng P3.4-M halaga ng shabuKulong agad ang dalawang magkapatid matapos magbenta ng P3.4 million na halaga ng shabu sa mga hindi unipormadong mga pulis sa isang entrapment operation sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong Sabado.Sa ulat nitong Lunes ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nasa kustodiya na ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station ang 34-anyos na si Monzor Talusan at kanyang 19-anyos na kapatid na si Wuji, mga residente ng Barangay Tambak sa hindi kalayuang bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.Agad na inaresto ang dalawa ng hindi mga unipormadong mga operatiba ng Datu Odin Sinsuat MPS, pinamumunuan ni Police Lt. Col. Sahibon Mamantal, matapos magbenta sa kanila ng 500 gramo ng shabu sa isang entrapment operation sa Barangay Poblacion ng naturang bayan.Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ng mga kasapi ng Datu Odin MPS at mga intelligence agents ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office sa kung sino-sino ang mga kasabwat ng magkapatid na Talusan sa kanilang pagbebenta ng shabu sa naturang bayan at sa mga kalapit na mga barangay sa Sultan Kudarat at Cotabato City. (May 27, 2024)

  • BIFF terroist patay,mga bomba nasamsam ng Army mula sa grupo

    Isang kasapi ng teroristang grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang nasawi sa ginawang military air strikes nitong Sabado, May 25, 2024, sa Barangay Butilen sa magulong bayan ng Datu Salibo sa Maguindanao del Sur.Nasamsam naman ng mga tropa ng ibat-ibang units ng 6th Infantry Division ang mahigit sa isang dosenang mga improvised explosive devices sa isang kubo sa naturang lugar matapos ang palitan ng putok kasunod ng ginawang air attack. Isinagawa ang naturang calibrated anti-terror operation ng 6th Infantry Division ng mag-sumbong ang mga local officials at barangay leaders sa Salibo hinggil sa presensya ng mga teroristang BIFF Barangay Butilen.Pinasalamatan ni Major Gen. Alex Rillera, 6th ID commander, ang mga residente ng Barangay Butilen at mga local officials sa Salibo sa maagap na pag-report ng presensya ng mga terroristang BIFF sa naturang barangay kaya naisagawa ng operation na nagresulta sa pagkasawi ng isang terorista at pagkakakumpiska sa mga nakaimbak na IEDs ng grupo. (May 27, 2024)