Author: Kurt Michael Culpa

  • Sunog sa school campus sa Guipos, Zamboanga del Sur

    Sunog sa school campus sa Guipos, Zamboanga del Sur

    Ilang classrooms sa campus ng Guling National High School sa bayan ng Guipos, Zamboanga del Sur and tinupok ng apoy nitong Huwebes, May 16, 2024Wala pang pahayag ang Bureau of Fire Protection hingil sa insidente. (May 16, 2024)

  • P346K halaga ng shabu nasamsam sa Maguindanao del Norte

    Nasamsam ng mga pulis ang P346,800 na halaga ng shabu sa isang dealer na nalambat nitong Miyerkules, May 15, 2024, sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte sa tulong ng kanyang mga kamag-anak mismo.Sa ulat nitong Huwebes ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, hindi na pumalag ang suspect, si Guiamlod Angkolan Osama, ng arestuhin ng pulis na pinamumunuan ni Lt. Col. Esmael Madin na kanyang nabentahan ng P346,800 na halaga ng shabu sa Barangay Salimbao sa Sultan Kudarat.Naikasa nila Madin, hepe ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, ang entrapment operation na nag-resulta sa pagkaaresto kay Osama, taga Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, sa tulong ng kanyang malapit na mga kamag-anak na alam ang kanyang pagbebenta ng shabu sa Sultan Kudarat at ilang mga barangay sa Cotabato City. Nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspect, nakadetine na sa Sultan Kudarat MPS, ayon sa hiwalay na ulat ni Madin sa Maguindanao del Norte Provincial Police Office at sa PRO-12. (May 16, 2024)

  • Mga wanted sa panggagahasa sa Zamboanga City, arestado

    Mga wanted sa panggagahasa sa Zamboanga City, arestado

    Arestado ang dalawang wanted sa maraming mga kaso ng panggagahasa sa hiwalay na operasyon ng Zamboanga City Police Office nitong Miyerkules, May 15, 2024.Unang na-aresto sa Barangay Zone 1 sa Zamboanga City si Joel Adion Erasga, may siyam na kasong rape sa isang korte sa naturang lungsod, may warrant of arrest para sa kanya na pirmado ni Judge Ivy Damayo Elviña, may petsang May 13, 2024.Walang piyansang nirekomenda ang Family Court Branch 7 sa Zamboanga City para sa kanyang pansamantalang paglaya. Sunod na na-aresto nito ring Miyerkules si Rexy Gonzales sa Barangay Boalan sa Zamboanga City sa mga kasong panggagahasa.Hindi na pumalag si Gonzalez ng pakitaan ng warrant of arrest ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Office mula sa Regional Trial Court Branch 15 sa naturang lungsod, may lagda ni Judge Peter Eisma, may petsang May 13, 2024 at wala ding piyansang itinakda para sa kanyang pansamantalang paglaya. (May 16, 2024)

  • P346K halaga ng shabu nasamsam sa Maguindanao del Norte

    P346K halaga ng shabu nasamsam sa Maguindanao del Norte

    Nasamsam ng mga pulis ang P346,800 na halaga ng shabu sa isang dealer na nalambat nitong Miyerkules, May 15, 2024, sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte sa tulong ng kanyang mga kamag-anak mismo.Sa ulat nitong Huwebes ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, hindi na pumalag ang suspect, si Guiamlod Angkolan Osama, ng arestuhin ng pulis na pinamumunuan ni Lt. Col. Esmael Madin na kanyang nabentahan ng P346,800 na halaga ng shabu sa Barangay Salimbao sa Sultan Kudarat.Naikasa nila Madin, hepe ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, ang entrapment operation na nag-resulta sa pagkaaresto kay Osama, taga Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, sa tulong ng kanyang malapit na mga kamag-anak na alam ang kanyang pagbebenta ng shabu sa Sultan Kudarat at ilang mga barangay sa Cotabato City. Nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspect, nakadetine na sa Sultan Kudarat MPS, ayon sa hiwalay na ulat ni Madin sa Maguindanao del Norte Provincial Police Office at sa PRO-12. (May 16, 2024)

  • P3.4-M halaga ng shabu samsam sa Marawi City

    P3.4-M halaga ng shabu samsam sa Marawi City

    Nakumpiska ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency ang P3.4 million na halaga ng shabu sa isang dealer na Maranao na na-entrap sa Marawi City nitong Martes, May 13, 2024, sa isang anti-narcotics operation na naisagawa a tulong ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.Nasa kustodiya na ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ng suspect na si Arham Hadji Omar Alim, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.Mapayapang nagpaaresto si Alim sa mga operatiba ng PDEA-BARMM at mga pulis na kanyang nabentahan ng kalahating kilo ng shabu, nagkakahalaga ng P3.4 million, sa isang entrapment operation sa Barangay Marawi Poblacion sa Marawi City, kabisera ng Lanao del Sur.Sa pahayag nitong Miyerkules ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-BARMM, nailatag nila ang naturang matagumpay na entrapment operation sa tulong ng PRO-BAR na pinamumunuan ni Police Brig. Gen. Prexy Tanggawohn at ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr. na siyang chairman ng kanilang Provincial Peace and Order Council. (May 15, 2024)

  • 2 shabu dealers, tepok sa mga taga PDEA-BARMM

    2 shabu dealers, tepok sa mga taga PDEA-BARMM

    Patay ang dalawang shabu dealers na pumalag sa isang entrapment operation sa Barangay Libayuran sa Panglima Sugala, Tawi-Tawi nitong Lunes, May 13, 2024. Sa ulat nitong Miyerkules ni Gil Cesario Castro, director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, nauwi sa pagkamatay ng drug dealers na sina Akmad Munib Usman at Gorrie Sajili Usman ang engkwentrong naganap sa pagitan nila at ng magkasanib na PDEA-BARMM agents at mga operatiba ng ibat-ibang units ng Tawi-Tawi Provincial Police Office. Tangkang aarestuhin na sana ng PDEA-BARMM agents ang dalawa matapos magbenta sa kanila ng P340,000 na halaga ng shabu sa Barangay Libayuran sa Tawi-Tawi, ngunit bigla silang naglabas ng mga baril kaya nagkapalitan ng putok na nag-resulta sa kanilang kamatayan. Ayon kay Castro, nailatag ang naturang entrapment operation sa tulong ng local government unit ng Panglima Sugala at ng tanggapan ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.Makikita sa larawan ang mga shabu, baril at iba pang mga gamit na nakumpiska sa dalawang drug dealers na napatay dahil nanlaban sa mga PDEA-BARMM agents na nag-entrap sa kanila nitong Lunes sa Barangay Libayuran sa Panglima Sugala sa malayong probinsya ng Tawi-Tawi. (May 15, 2024)

  • Lolo nanood ng sex video sa phone, inatake sa puso, patay

    Lolo nanood ng sex video sa phone, inatake sa puso, patay

    Namatay ang isang senior citizen, 64-anyos, ng inatake sa puso habang nanood ng sex video sa kanyang cellphone sa Dumaguete City, kabisera ng Negros Oriental, kamakalawa.Nabuksan ng mga pulis na nag-imbestiga sa pagkamatay ng biktima ang kanyang cellphone at nakita ang sex video na kanyang pinanood, ayon sa mga ulat ng ibat-ibang himpilan ng radyo sa Dumegete City.Agad namang ipinasundo ng mga kamag-anak sa isang punerarya ang bangkay ng namatay na senior citizen matapos ang isinagawang imbestigasyon sa insidente ng mga operative ng Dumaguete City Police Office. (May 15, 2024)

  • Madugong Basilan clan war, na-areglo

    Madugong Basilan clan war, na-areglo

    Tuluyan ng tinapos nitong Lunes, May 13, 2024, ng dalawang mga armadong grupong Yakan sa Akbar, Basilan ang kanilang madugong away bilang tugon sa inisyatibo ng Army at provincial officials na maayos ang kanilang sigalot na naka-apekto sa maraming mga inosenteng pamilya.Pinasalamatan nitong Martes ni Basilan Gov. Hadjiman Hataman Salliman ang 101st Infantry Brigade na pinamumunuan ni Army Brig. Alvin Luzon na siyang nagsikap na ma-areglo ang “rido,” o labanan ng mga angkan, na kinasangkutan ng mga grupo ng Mustapa at Latip na huling nagka-enkwentro nito lang nakalipas na linggo sa Sitio Lessem sa Barangay Upper Bato-Bato sa Akbar.Pitong mga miyembro ng angkan ng Mustapha ang malubhang nasugatan sa naturang palitan ng putok gamit mga assault rifles at M79 grenade launchers. Mismong si Luzon ang nanguna, katuwang ang Basilan governor’s office, ang 18th Infantry Battalion at ang Basilan Provincial Police Office sa pag-areglo ng away ng naturang mga angkan na nag-ugat sa mga samut-saring hindi pagkaka-intindihan, kabilang na ang pulitika, kung saan unang napatay si John Latip ng mga Mustapa na nagpalala sa kanilang galit sa isat-isa.Ayon kay Salliman, maliban sa panunumpa sa harap ng mga Army at local officials sa Basilan na tuldukan na ang kanilang rido, isinuko din ng dalawang panig ang 11 na mga M16 at .30 caliber M1 Garand rifles at M203 rifle na may 40 MM grenade launcher sa isang seremonyang ginanap sa headquarters ng 101st Infantry Brigade sa Barangay Tabiawan sa Isabela City sa Basilan. (May 14, 2024)

  • 2 batang magkapatid pinagsasaksak ng tatay

    2 batang magkapatid pinagsasaksak ng tatay

    Patay sa mga saksak ang isang 11-anyos na bata, si Asrap Ayob, at sugatan naman ang kanyang kapatid na babae, si Bai, 14-anyos, ng pagsasaksakin ng tatay nilang si Adjis Sanday Ayob habang natutulog sa kanilang tahanan sa Magsaysay sa Parang, Maguindanao del Norte.Ang Parang ay isang bayan na madalas na laman ng mga balita sa radyo at mga peryodiko dahil sa paulit-ulit na mga nagananap na mga madugong krimen sa mga barangay nito na halos lahat ay walang kalutasan.Kinumpirma ng hepe ng Parang Municipal Police Station, si Lt. Christopher Cabugwang, na agad namang na-aresto ang suspect, posibleng addict sa shabu, ngayong nakakulong na sa kanilang detention facility.Sa inisyal na pahayag ni Ayob sa mga imbestigador ng lokal na pulisya, biglang nawala daw siya sa kanyang sarili at nagdilim ang paningin, kumuha ng kutsilyo, at pinagsasaksak ang dalawang mga anak na natutulog sa sahig ng kanilang tahanan.Ayon sa mga kakilala, lulong sa nakakalasing na inumin at shabu si Ayob. (May 13, 2024)

  • Mga Blaan naka-benipisyo sa joint LGU-private firm medical mission

    Mga Blaan naka-benipisyo sa joint LGU-private firm medical mission

    Halos 1,000 na mga mahihirap na kasapi ng tribong Blaan ang nakabiyaya sa isang medical mission kamakalawa ng magkasanib na local government unit ng Kiblawan sa Davao del Sur at isang mining company na nakatakda ng mag-mina ng copper at gold sa South Cotabato sa susunod na taon.Sa ulat nitong Lunes ng umaga ng mga himpilan ng radyo sa mga lungsod ng Kidapawan, General Santos at Koronadal, kinumpirma ng ilang local officials ng Kiblawan, kabilang sa kanila si Mayor Joel Calma, na marami sa mga nakabiyaya sa naturang medical mission sa Kimlawis, magkatuwang na isinagawa ng mga barangay officials at ng mga kawani ng Sagittarius Mines Incorporated (SMI), ay mga matatandang mga Blaan at ilang mga batang may ibat-ibang karamdaman.Nakatakda ng isagawa ng SMI, sa pahintulot ng national government, ng central office ng Department of Environment and Natural Resources, ng National Commission on Indigenous Peoples at ng mga Blaan tribal councils, ang Tampakan-Copper Gold Project sa Tampakan sa South Cotabato kung saan mayroong tinatayang US$ 200 million na halaga ng copper at gold deposits sa mga Blaan ancestral lands sa naturang bayan.Sakop ng magiging operasyon ng Tampakan-Copper Gold Project sa Tampakan, 16 kilometro lang ang layo sa Koronadal City na siyang kabisera ng South Cotabato, ang ilang mga barangay sa Kiblawan at sa mga bayan ng Columbio at sa Malungon sa mga probinsya ng Sultan Kudarat at sa Sarangani, ayon sa pagkakasunod. (May 13, 2024)