Author: Kurt Michael Culpa

  • 19 pang mga etnikong Blaan nagtapos ng college sa tulong ng pribadong kumpanya

    19 pang mga etnikong Blaan nagtapos ng college sa tulong ng pribadong kumpanya

    Karagdagang 19 pa ng mga miyembro ng tribong Blaan ang nagtapos ng kolehiyo sa pagtutulungan ng kanilang tribal councils, local government units at ng isang pribadong kumpanya.Kinumpirma nitong Sabado, July 6, 2024, nila Mayor Joel Calma ng Kiblawan, Davao del Sur at mga municipal officials, mga tribal leaders sa Tampakan, South Cotabato, isa sa kanila si Domingo Collado na Indigenous People’s Mandatory Representative sa konseho ng naturang bayan, ang pag-graduate sa kolehiyo nitong 2023-2024 school year ng 19 na mga Blaan sa pamamagitan ng scholarship program ng Sagittarius Mines Incorporated (SMI).Abot na sa 801 ang nagtapos ng kolehiyo mula sa Kiblawan, sa Tampakan at dalawa pang mga bayan, ang Columbio sa Sultan Kudarat at Malungon sa Sarangani, nito lang nakalipas na pitong taon sa pagtutulungan ng mga tribal leaders, mga LGUs, at ng SMI na hindi pa man nakakapag-simula ng Tampakan Copper-Gold Project ay gumastos na ng mahigit P2 billion para sa mga humanitarian projects nito sa naturang apat na mga bayan.Mismong Malacañang ang nagbigay ng pahintulot sa SMI na magsasagawa simula sa susunod na taon ng Tampakan Copper-Gold Project sa mga Blaan ancestral lands sa Tampakan na may ganap na pagsang-ayon ng Blaan tribal councils at National Commission on Indigenous Peoples. (July 6, 2024)

  • Sirang kalsada sa Barangay Rifao sa Upi, Maguindanao del Norte

    Sirang kalsada sa Barangay Rifao sa Upi, Maguindanao del Norte

    Ang ganitong kalagayan ng kalsadang ito sa Barangay Rifao sa bayan ng Upi sa Maguindanao del Norte ay labis ang pahirap na dulot sa mga mamamayan doon, karamihan sa kanila mga etnikong Teduray na umaasa sa pagtatanim ng mais bilang hanapbuhay.Hiling ng mga residente ng Rifao sa mga kinauukulan ang mapaayos na itong sirang kalsada, upang paghahatid ng kanilang mga produkto sa sentro ng Upi walang problema, mabilis na maisagawa. (July 5, 2024, handout photo)

  • Cotabato mayor, prosecutor, PDEA- BARMM magtutulungan laban sa narcotics syndicates

    Cotabato mayor, prosecutor, PDEA- BARMM magtutulungan laban sa narcotics syndicates

    Nagkasundo ang mayor ng Cotabato City, ang city fiscal at ang director sa Bangsamoro region ng Philippine Drug Enforcement Agency na magtulungan sa pagpapalawig ng anti-narcotics program ng pahamalaan sa 37 na mga barangay sa lungsod habang isinagawa ang selebrasyon ng 22nd founding anniversary ng PDEA nitong Huwebes.Tiniyak din nila Cotabato City Mayor Mohammad Ali Matabalao, ni City Fiscal Mariam Veloso Mastura at ni Regional Director Gil Cesario Castro ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang kanilang patuloy na suporta sa mga inisyatibo ng local communities at ng Christian at Muslim religious sectors na masawata ang illegal drug trafficking sa 37 na mga barangay sa lungsod.Pinangunahan ng tatlong opisyal ang pag-gunita sa 22nd founding anniversary ng PDEA sa Bangsamoro regional office nito sa Pedro Colina Hill Complex sa Cotabato City at tampok sa naturang okasyon ang pag-gawad ng mga special citations sa mga PDEA-BARMM agents na may kinalaman sa pagkaaresto ng big-time drug dealers at pagkakumpiska ng hindi bababa sa P50 million na halaga ng shabu sa mga serye ng operasyon sa Cotabato City at mga karatig na probinsya nito lang nakalipas na ilang mga buwan.Kinilala ng PDEA central office ang PDEA-BARMM na pinaka-top performing regional offices na ahensya kaugnay ng pag-gunita ng 22nd founding anniversary nito. (July 5, 2024)

  • Nakuryente: Isa patay, tatlo malubha

    Nakuryente: Isa patay, tatlo malubha

    Isang lalaki ang namatay habang nagtamo naman ng malubhang mga paso at sugat sa katawan ang tatlong niyang kasama sanhi ng pagka-kuryente nila gabi nitong Miyerkules, July 3, 2024, sa Barangay Cabaluan sa Sta. Elena sa probinsya ng Camarines Norte.Sa ulat ng Sta. Elena Municipal Police Station nitong Biyernews, may ibinababa na sasakyan ang mga biktima mula sa isang malaking truck ng masagi ng boom ng kanilang crane ang high-tension power cable sa pagitan ng dalawang poste sa gilid ng kalye at nagsanhi sa kanilang pagka-kuryente.Hindi na umabot ng buhay ang isa sa kanila sa pagamutan kung saan sila isinugod ng mga Sta. Elena municipal emergency responders at mga pulis na nag-responde sa insidente. Nagpapagaling na sa hospital ang tatlong iba pang mga biktima. (July 5, 2024, handout photo)

  • 2 MILF ‘ gunrunners,’ nasabat sa checkpoint

    2 MILF ‘ gunrunners,’ nasabat sa checkpoint

    Arestado nitong Huwebes ang dalawang mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front na nasabat sa isang police checkpoint sa Radjah Buayan, Maguindanao del Sur na may dalang .45 caliber at 9 millimeter pistols na ibebenta sana sa isang ka-transaksyon. Sa ulat nitong Biyernes ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, naka-detine na sa Radjah Buayan Municipal Police Station ang dalawa, sina Samer Maomen at Dennis Alon, na nakunan din ng identification cards na nagpapatunay na sila ay mga miyembro ng MILF 118th Base Command. Naharang sina Maome at Alon ng mga tropa ng Radjah Buayan MPS, pinamumunuan ni Captain Joel Lebrilla, sa Barangay Sapakan matapos makatanggap ng ulat mula sa mga impormante hinggil sa kanilang takdang pag-benta diumano ng kanilang dalang .45 caliber pistol at 9 millimeter pistols sa isang contact sa Barangay Pidsandawan sa naturang bayan. Maliban sa naturang dalawang baril, kinumpiska din ng mga kasapi ng Radjah Buayan MPS ang Skygo 125 na motorsiklo ng mga suspects na posible din diumano na kanilang ginamit bilang mga “hired killers,” ayon sa mga local officials ng Radjah Buayan. (July 5, 2024)

  • P5.6-M halaga ng imported na sigarilyo, nasamsam sa Sulu

    P5.6-M halaga ng imported na sigarilyo, nasamsam sa Sulu

    Nakumpiska ng mga pulis ang abot sa P5.6 million na halaga ng imported na sigarilyo sa panibagong anti-smuggling operation sa probinsya ng Sulu sa Bangsamoro region nitong Huwebes, July 4, 2024. Kinumpirma nitong Biyernes ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang pagkumpiska ng mga pulis sa naturang operasyon ng 97 na malalaking kahon na naglalaman ng mga sigarilyong gawa sa Indonesia, natagpuan sa isang imbakan sa isang barangay sa Patikul, Sulu. Naikasa ang operasyong nag-resulta sa pagkakatagpo ng naturang kontrabando at pagka-aresto ng isang lalaking nagbabantay nito sa tulong ng mga impormanteng Tausug community leaders sa Patikul, hindi kalayuan sa bayan ng Jolo, ang kabisera ng Sulu. Ayon kay Tanggawohn ang mga imported na sigarilyong nasamsam sa naturang operasyon, magkatuwang na isinagawa ng mga kasapi ng Patikul Municipal Police Station, ng Sulu Provincial Police Office at ng mga tropa ng Regional Mobile Force Battalion ng PRO-BAR, ay nakatakda ng ipa-kustodiya sa Bureau of Customs. (July 5, 2024)

  • Kapayapaan para lahat, lalo na para sa mga kabataan

    Kapayapaan para lahat, lalo na para sa mga kabataan

    Muling tiniyak nitong Huwebes, July 4, 2024, ni Cotabato Gov. Emmylou Taliño Mendoza na walang patid ang mga programa ng kanyang administrasyon na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng kabataang mga Muslim, at Kristiyano sa lahat ng bayan sa Cotabato at sa Kidapawan City na siyang kabisera nito.Ang naturang pahayag ay kasunod ng pagdalo ni Gov. Mendoza sa Summer Kids Peace Camp, o SKPC, Mayor’s Night kamakalawa sa bayan ng Matalam kung saan isa siyang panauhing pandangal.Nakisaya ang gobernadora sa mga batang nagtipon sa naturang kids’ peace camp — mula sa pamilyang mga Muslim at Kristiyano at mga kasapi ng indigenous communities.Sa pahayag nitong Huwebes ni Gov. Mendoza, kabilang sa layunin ng kanilang provincial government ang pagpapanatili, katuwang ang local government units, ang Philippine National Police, ang Armed Forces of the Philippines, ang Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberation Front, ng kapayaan sa mga dating magugulong lugar sa probinsya na ngayon mapayapa na upang tuloy-tuloy ang pag-aaral ng mga kabataan sa mga paaralan sa kani-kanilang mga barangay.Ayon kay Gov. Mendoza, naka-focus din ang Cotabato provincial government sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga kabataan sa mga ancestral lands ng mga indigenous people, sa pakikipagtulungan ng provincial governor’s office, ng kanilang mga LGUs at mga tribal leaders. (July 4, 2024)

  • Tatlo sa Basilan huli sa aktong sumisinghot ng shabu

    Tatlo sa Basilan huli sa aktong sumisinghot ng shabu

    Sa kulungan ang bagsak ng tatlong mga lalaking inabutan ng mga pulis na nagsisinghot ng shabu sa Barangay Kuhon sa Al-Barka, Basilan nitong Martes, July 2, 2024.Nasamsam din mula sa kanila ang abot sa P295,181 na halaga ng shabu na nakatakda na sanang ibebenta diumano sa isang contact sa naturang bayan.Kinumpirma nitong umaga ng Huwebes ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang pagkaaresto sa tatlong suspects, pansamantalang hindi muna kinilala habang inaalam pa kung sino ang kanilang mga kasabwat sa pagbebenta ng shabu, ng mga tropa ng Al-Barka Municipal Police Station.Naikasa ang operasyong nag-resulta sa pagka-aresto ng tatlong suspects ng mag-ulat ang ilang mga residente, dalawa sa kanila mga ustadz, o Islamic missionaries, hinggil sa kanilang pagsisinghot ng shabu sa isang lugar sa Sitio Bohe Patenggaan sa Brgy Kuhon. (July 4, 2024)

  • Putik bumara sa Farm-to-market road sa Bagumbayan, Sultan Kudarat

    Putik bumara sa Farm-to-market road sa Bagumbayan, Sultan Kudarat

    Hirap ang dulot sa mga motorista at mga driver at pasahero ng mas malalaking sasakyan ng pagkabara ng putik, mula sa gilid ng bundok, sa ilang bahagi ng isang farm-to-market road sa Barangay Chua sa bayan ng Bagumbayan sa probinsya ng Sultan Kudarat, Region 12, nitong Miyerkules, July 3, 2024, kasunod ng malakas, matagal na ulan sa kapaligiran. (July 3, 2024, handout Facebook photo)

  • Halos P3 million halaga ng sigarilyo nasamsam sa Maguindanao del Norte

    Halos P3 million halaga ng sigarilyo nasamsam sa Maguindanao del Norte

    Nasamsam nitong Martes ng mga pulis ang halos P3 million na halaga ng sigarilyong gawa sa Indonesia sa Barangay Awang sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte. Sa ulat nitong Miyerkules, July 3, 2024, ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, naharang ng mga kasapi ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, pinamumunuan ni Lt. Col. Samuel Roy Subsuban, ang kontrabando na lulan ng isang van-type truck sa isang lugar sa Barangay Awang sa tulong ng mga impormanteng may alam na dadaan ito sa naturang lugar.Mahigit P30 million na na halaga ng mga sigarilyong mula sa Indonesia ang nakumpiska ng mga operatiba ng Datu Odin Sinsuat MPS sa mga hiwalay na anti-smuggling operations mula nitong nakalipas na taon.Inatasan na ni Tanggawohn ang Datu Odin Sinsuat MPS na ipa-kustodiya na agad sa Bureau of Customs ang mga sigarilyong nakumpiska sa Barangay Awang. (July 3, 2024)