Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency 9 ang P6.8 million na halaga ng shabu sa dalawang dealers na na-entrap sa Barangay Poblacion sa Ipil, Zamboanga Sibugay madaling araw nitong Miyerkules, July 10, 2024.Sa ulat ni Maharani Gadaoni Tosoc, director ng PDEA-9, nasa kustodiya na nila sina Ibnorasa Hasim Sarapudin, 24-anyos, at ang 21-anyos na si Raden Ladhud Dammang, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.Hindi na pumalag ang dalawa ng arestuhin ng mga hindi unipormadong PDEA-9 agents na kanilang nabentahan ng isang kilong shabu, nagkakahalaga ng P6.8 million, pasado 1:00 a.m. nitong Miyerkules sa Purok Masigla sa Barangay Poblacion Ipil.Ayon kay Tosoc, naikasa ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakumpiska ng P6.8 million na halaga ng shabu mula sa dalawa sa tulong kanilang mga lakilala na alam ang kanilang illegal na gawain. (July 10, 2024)
Author: Kurt Michael Culpa
-

Dalawang market workers nakuryente patay
Dalawang manggagawa ng local government unit ng Valencia City sa Bukidnon ang namatay sa aksidenteng pagkakuryente nitong Lunes, July 8, 2024.Sa ulat ng mga himpilan ng radyo sa Central Mindanao nitong Martes, nililinis ng mga biktimang sina Alfe Quillo Capito, 47-anyos, at ng 60-anyos na si Elecio Baroa Adelaida, ang isang canal sa palengke ng Valencia City ng aksidenteng masagi nila ang isang nakalaylay na putol na power cable na hindi nila agad na napuna.Kinumpirma ng Bukidnon Provincial Police Office at ng Valencia City LGU ang pagkasawi nila Capito at Adelaida sa naturang insidente. Ayon sa mga saksi, agad na nagkikisay sina Capito at Adelaida hanggang malagutan ng hininga. Nangako ng tulong ang Valencia City LGU sa pagpapalibing sa kanilang dalawa. (July 9, 2024)
-

Dalawang ahensya ng BARMM, magtutulungan para sa ikakabuti mg transportation sector workers
Nagkasundo ang Ministry of Labor and Employment-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at ang Bangsamoro Land Transportation Regulatory and Franchising Board na magtulungan sa mga programang naglalayung mapabuti ang kalagayan ng mga mangagawa sa BARMM, kabilang na ang mga nasa transportation industry.Ito ay ayon sa pahayag nitong Martes, July 9, 2024, ni BARMM Labor Minister Muslimin G. Sema, matapos silang magpulong nitong nakalipas na Linggo ng mga kawani ng BLTFRB, kabilang sa kanila ang director nitong si Jobayra P. Tandalong,May direktiba si Minister Paisalin Pangandaman Tago ng Ministry of Transportation and Communications-BARMM kay Director Tandalong na makipagtulungan sa mga proyekto ng ng tanggapan ni Minister Sema hinggil sa pagpapabuti ng labor sector sa autonomous region.Ayon kay Minister Sema, matagal ng nakatutok ang MoLE-BARMM sa mga programang ikakabuti ng mga transportation workers sa Bangsamoro region.Pinasalamatan ni Minister Sema si Director Tandalong at si Minister Tago sa kanilang ginawang pakikipag-ugnayan sa MoLE-BARMM, sa pamamagitan ng inisyal na dayalogo nila at ng mga kawani ng BLTRFB, pinangunahan mismo ni Director Tandalong nitong nakalipas na linggo sa regional office ng Bangsamoro labor ministry. Makikita sa larawan si MoLE-BARMM Minister Sema at mga kawani ng BLTFRB matapos silang magpulong nitong July 4, 2024. (JULY 9, 2024)
-

Sanhi ng madugong Zamboanga firecrackers disposal, iniimbistigahan
Inaalam na ng pulisya kung may dapat bang managot sa pinaniniwalaang maling pagdispatsa nitong Lunes ng mga paputok at pyrotechnics sa isang barangay sa Zamboanga City na nauwi sa aksidenteng pagsabog na nakasugat ng 30 katao.Tiniyak ni Zamboanga City Mayor John Dalipe nitong Martes ang ayuda ng kanyang tanggapan para sa mga biktima ng pagsabog, kabilang sa kanila ang anim na police bomb experts, tatlong kasapi ng Philippine Coast Guard, limang taga Bureau of Fire Protection at limang mga sundalong Marines.Sa hiwalay na pahayag ni Dalipe at Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng Police Regional Office-9, ang 19 na sugatang mga kasapi ng uniformed units ng pamahalaan ang siyang magsasagawa sana ng tamang disposal ng mga paputok at pyrotechnics sa isang firing range ng mga Marines sa Barangay Cabatangan, isang mataas na lugar sa Zamboanga City.Ayon sa mga local officials at barangay leaders sa Cabatangan, posible sanang walang aksidenteng malakas na pagsabog na naganap kung sinunog ang naturang mga paputok paunti-unti hanggang maubos.May mga ulat na minadali diumano ng disposal team ang pagsira sa naturang mga paputok at pyrotechnics kaya naganap ang pagsabog na narinig sa malalayong barangay at nagsanhi din ng pagkabasag ng mga glass doors at glass panels ng mga bahay at malalaking gusali sa Barangay Cabatangan at karatig na mga lugar. (July 9, 2024)
-

30 sugatan sa Zamboanga City “palpak” firecrackeds, pyrotechnics disposal
Abot sa 30 ang sugatan, 19 sa kanila magkasama sa isang grupo na naatasang mag-dispose ng mga firecrackers at pyrotechnics, sa aksidenteng pagsabog ng mga ito habang dinidispatsa sa isang bakanteng lote sa Barangay Cabatangan sa Zamboanga City nitong hapon ng Lunes, July 8, 2024. Ang bilang ng mga nasaktan, ilan sa kanila mga inosenteng residente, ay kinumpirma nitong gabi ng Biyernes mismo ng tanggapan ni Zamboanga City Mayor John Dalipe at ni Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng Police Regional Office-9.Nagdulot din ng kasiraan sa ilang mga imprastruktura sa kapaligiran ang malakas na pagsabog, nagsanhi ng pagkabasag ng mga salamin na mga dinding at mga pinto na salamin ng ilang mga gusali na malapit sa kung saan naganap ang insidente. Ayon sa Zamboanga City Police Office at mga barangay officials, aksidenteng sumabog ng sobrang lakas ang mga paputok at pyrotechnics na sinilaban ng grupo naatasang magsagawa ng naturang operasyon sa Purok 2 sa Cabatangan, hindi kalayuan sa mga lugar na maraming mga bahay at ibat-ibang mga establisimento. Sa ulat ng Zamboanga CPO, anim na police bomb experts, tatlong kasapi ng Philippine Coast Guard, limang mga taga Bureau of Fire Protection at limang mga miyembro ng Philippines ang nagtamo ng mga sugat sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan sanhi ng insidente. Agad namang isinugod sa mga pagamutan na mga emergency responders mula sa Zamboanga City Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga biktima sa mga pagamutan upang malapatan ng lunas. May teorya ang mga imbestigador ng pulisya at mga barangay officials sa Cabatangan na posibleng minadali ng mga biktima ang dapat sana ay dahan-dahan na firecrackers at pyrotechnics disposal process. (July 8, 2024)
-

Ibang bangkay nailibing ng mga kaanak na akala ay ang kapamilyang dinukot, pinatay
Ibang babae ang natagpuang patay at lumulutang sa dagat sa Parang, Maguindanao del Norte nitong Sabado, July 6, 2024, hindi ang unang naiulat na si Bainary Embel Mohammad Dadpil, ang criminology student na naibalitang nawawala mula pa noong July 3, 2024.Nailibing pa ng mga kamag-anak ni Dabpil ang naturang bangkay sa Barangay Nalkan sa Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte sa pag-aakalang siya ito, natagpuan ng isang mangingisda sa karagatang hindi kalayuan sa Bongo Island sa Parang, isang coastal town sa Maguindanao del Norte.Isa sa nagkumpirmang hindi pala si Dadpil ang nailibing ng kanyang pamilya ay ang isa nitong kamag-anak na si Nel Guiambangan at mga barangay officials sa Datu Blah Sinsuat, ang hometown ng mga Dabpil.Napag-alaman din na si Dabpil ay lumisan pala patungong Manila upang magtrabaho doon, ayon sa ilang mga kamag-anak nito sa Datu Blah Sinsuat. Magkatuwang na inaalam na ng imbestigador ng Parang Municipal Police Station at Mga intelligence agents ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office kung sino ang bangkay na nailibing ng maayos ng pamilya Dabpil sa pag-aakalang siya ang nawawala nilang kapamilya na kalaunan ay nalaman nilang lumisan pala patungo mg Manila ng walang pasabi. (July 8, 2024)
-

Sugatang pulis nakapatay ng 2 drug dealers, nagka-medalya
Ginawaran ng medalya nitong Linggo ang isa sa mga pulis na nakapatay ng dalawang notorious na shabu dealers sa isang engkwentro kamakalawa sa Bongao, Tawi na nagtamo ng mga tama ng bala sa naturang insidente.Maliban sa Medalya ng Sugatang Magiting, binigyan din ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang sugatang si Patrolman Abdulmijir Usman Kali, Jr. ng cash na ayuda para sa kanyang iba pang mga pangangailangan habang ginagamot ang kanyang mga sugat sa West Metro Medical Center sa Zamboanga City.Ayon kay Tanggawohn, si Kali, kasapi ng 1405th ng Regional Mobile Force Battalion 14-B ng PRO-BAR, ay kasama sa isang pangkat na naatasang siyasatin nitong gabi ng Biyernes ang naiulat na presensya ng isang grupo ng mga shabu dealers sa palengke sa Barangay Poblacion sa Bongao ngunit agad silang pinaputukan ng mga ito kaya nagka-engkwentro.Bagama’t sugatan na, nagawa pa ni Kali at mga kasamang gumanti ng putok kaya nila napatay ang dalawa sa anim na mga drug dealers na nagtipon sa isang lugar sa Bongao public market.Nakunan ng dalawang .45 caliber pistol at P34,000 na halaga ng shabu ang dalawang suspects na napatay sa naturang anti-narcotics operation, ayon sa mg hiwalay na paunang ulat sa tanggapan ng Tanggawohn ng Bongao Municipal Police Station at ng Tawi-Tawi Provincial Police Office. (July 8, 2024, Contributed Report)
-

Babaeng dinukot sa Cotabato City, natagpuang lumulutang sa dagat, wala ng buhay
Natagpuang palutang-lutang nitong Sabado, July 6, 2024, sa dagat malapit sa Bongo Island sa Parang, Maguindanao de Norte ang isang 22-anyos na criminology student na dinukot sa Cotabato City nitong Miyerkules, tatlong araw bago nakita ng isang mangingisda ang kanyang bangkay, tadtad ng saksak.Ayon sa mga kamag-anak ng biktimang si Bainary Embel Mohammad Dabpil, nagawa pa niyang tumawag sa kanila at sinabing dinukot siya, pinasakay sa isang van, habang patungo sa Cotabato City plaza, ngunit naputol ang kanyang tawag sa cellphone dahil mistulang naagaw ito sa kanya ng kanyang mga abductors.Sa inisyal na pahayag ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office, natagpuang palutang-lutang sa dagat ang bangkay ni Dabpil, taga Barangay Meti sa Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte, ng mangingisdang Esmail ang pangalan.Sa mga hiwalay na ulat ng Parang Municipal Police Station at Maguindanao del Norte PPO, wala ng damit pang-itaas si Dabpil, maraming tama ng saksak ang katawan.May theorya ang mga imbestigador na posible diumanong ginahasa muna si Dabpil bago pinatay at itinapon sa dagat. (July 7, 2024)
-

BARMM pinuri CAAP offices sa maayos na byahe ng mga nag-hajj
Pinarangalan ng Ministry of Transportation and Communications-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang mga tanggapan ng Civil Aviation Authority of the Philippines sa mga paliparan sa lungsod ng Zamboanga, General Santos, Davao at Cagayan de Oro sa maayos na pangangalaga ng mga Muslim na nag Hajj sa Saudi Arabia bago lamang at dumaan sa naturang mga airports pauwi sa kani-kanilang mga probinsya. Iniulat nitong Sabado, July 6, 2024, ni Bangsamoro Transportation and Communications Minister Paisalin Pangandaman Tago na nagpasalamat din ang MoTC-BARMM at si Bangsamoro Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim sa mga mga kawani ng CAAP sa pagsuporta sa “Oplan Byaheng Ayos: Hajj Sundo 2024” ng regional government na nakatuon sa kaayusan ng byahe sa pag-uwi ng mga Muslim sa Bangsamoro region mula sa kanilang pag-hajj sa Makkah, Saudi Arabia.Ayon kay Tago, ganun din ang naging suporta ng mga kawani ng CAAP sa naturang apat na mga airports sa pagtiyak ng kaayusan sa paglisan ng mga nag-hajj mula Mindanao patungong Manila bago umalis papuntang Saudi Arabia. Mga opisyal at mga kawani ng Civil Aeronautics Board of the Bangsamoro-BARMM ang siyang naggawad kamakalawa, ayon sa direktiba ng MoTC-BARMM, ng mga parangal sa mga tanggapan ng CAAP sa mga paliparan sa mga lungsod ng Zamboanga, General Santos, Davao at Cagayan de Oro. (July 6, 2024)
-

BARMM at mfa Basileño magtutulungan para sa magandang kalusugan ng lahat sa probinsya
Magkatuwang na inilunsad nitong Huwebes, July 4, 2024, ng Bangsamoro health ministry, ng Basilan governor’s office, at ng mayor ng Sumisip ang paggunita ngayong taon ng National Nutrition Month sa probinsya, kanilang inuugnay sa pagpalaganap ng kaalaman hinggil ng kahalagahan ng tamang nutrisyon para sa lahat.Isinagawa ang naturang programa sa Barangay Look-Bait sa ngayon ay mapayapa ng bayan ng Sumisip sa Basilan, dinaluhan ni Bangsamoro Health Minister Kadil Monera Sinolinding, Jr., ni Mayor Jul Adnan Hataman, mga representatibo ng tanggapan ni Gov. Hadjiman Salliman at mga kawani ng provincial health office at Ministry of Health-Basilan.Sa kanyang mensahe kaugnay ng naturang okasyon, ipinaliwanag ni Health Minister Sinolinding ang kahalagahan ng tamang nutrisyon para sa magandang kalusugan ng mga residente ng Basilan.May mataas na antas ng stunted growth, o pagka-bansot ng mga bata sa Basilan sanhi ng kakulangan ng tamang nutrisyon sa kabila ng maraming mga malalawak na sakahan sa probinsya na maaring pagtamnan ng mga masustansyang gulay upang mailuto at maihain para sa mga kabataan.Nagkaisa sina Minister Sinolinding, si Mayor Hataman at ang administrasyon ni Gov. Salliman na magtulungan sa pagsawata ng malnutrisyon sa lahat ng panig ng Basilan, kung saan umuunlad na ang komersyo dahil mapayapa at sa maayos na pamamahala ng provincial government nito. (July 6, 2024)

