Karagdagang 19 pa ng mga miyembro ng tribong Blaan ang nagtapos ng kolehiyo sa pagtutulungan ng kanilang tribal councils, local government units at ng isang pribadong kumpanya.
Kinumpirma nitong Sabado, July 6, 2024, nila Mayor Joel Calma ng Kiblawan, Davao del Sur at mga municipal officials, mga tribal leaders sa Tampakan, South Cotabato, isa sa kanila si Domingo Collado na Indigenous People’s Mandatory Representative sa konseho ng naturang bayan, ang pag-graduate sa kolehiyo nitong 2023-2024 school year ng 19 na mga Blaan sa pamamagitan ng scholarship program ng Sagittarius Mines Incorporated (SMI).
Abot na sa 801 ang nagtapos ng kolehiyo mula sa Kiblawan, sa Tampakan at dalawa pang mga bayan, ang Columbio sa Sultan Kudarat at Malungon sa Sarangani, nito lang nakalipas na pitong taon sa pagtutulungan ng mga tribal leaders, mga LGUs, at ng SMI na hindi pa man nakakapag-simula ng Tampakan Copper-Gold Project ay gumastos na ng mahigit P2 billion para sa mga humanitarian projects nito sa naturang apat na mga bayan.
Mismong Malacañang ang nagbigay ng pahintulot sa SMI na magsasagawa simula sa susunod na taon ng Tampakan Copper-Gold Project sa mga Blaan ancestral lands sa Tampakan na may ganap na pagsang-ayon ng Blaan tribal councils at National Commission on Indigenous Peoples. (July 6, 2024)