Sa kulungan ang bagsak ng tatlong mga lalaking inabutan ng mga pulis na nagsisinghot ng shabu sa Barangay Kuhon sa Al-Barka, Basilan nitong Martes, July 2, 2024.
Nasamsam din mula sa kanila ang abot sa P295,181 na halaga ng shabu na nakatakda na sanang ibebenta diumano sa isang contact sa naturang bayan.
Kinumpirma nitong umaga ng Huwebes ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang pagkaaresto sa tatlong suspects, pansamantalang hindi muna kinilala habang inaalam pa kung sino ang kanilang mga kasabwat sa pagbebenta ng shabu, ng mga tropa ng Al-Barka Municipal Police Station.
Naikasa ang operasyong nag-resulta sa pagka-aresto ng tatlong suspects ng mag-ulat ang ilang mga residente, dalawa sa kanila mga ustadz, o Islamic missionaries, hinggil sa kanilang pagsisinghot ng shabu sa isang lugar sa Sitio Bohe Patenggaan sa Brgy Kuhon. (July 4, 2024)