Author: Kurt Michael Culpa

  • Business permit ng dealer ng mga paputok na sumabog, suspendido

    Business permit ng dealer ng mga paputok na sumabog, suspendido

    Pansamantalang sinuspinde nitong Lunes ng city government ng Zamboanga ang business permit ng dealer ng mga paputok at mga pyrotechnics na sumabog sa loob ng imbakan nito na nagsanhi ng pagkamatay ng lima katao at pagkasugat ng 21 na iba pa.Sa pahayag nitong Martes, July 2, 2024, ng mga opisyal ng Police Regional Office-9 at ng Bureau of Fire Protection sa Zamboanga City, ang naturang suspension order ni Mayor John Dalipe ay kasunod ng isang inter-agency meeting hinggil sa madugong insidente nitong Sabado.Maliban sa pansamantalang pagpapawalang-bisa sa business license ni firecrackers at pyrotechnics dealer Jonathan Chua, inaalam na rin ng mga imbestigador ng Zamboanga City Police Office at ng City Disaster Risk Reduction and Management Office kung ano ang mga kasong maaring isampa laban sa negosyante.Lima ang nasawi, isa sa kanila tatlong-taong gulang na bata, sa malalakas at sunod-sunod na pagsabog ng naturang ilang toneladang mga firecrackers at pyrotechnics na nakaimbak sa isang warehouse sa Marquez Drive sa Zamboanga City na nag-sanhi din ng pagkasira ng naturang gusali at mga bahay sa kapaligiran. (July 2, 2024)

  • Kampanya ng MoH-BARMM Laban sa tigdas, nagpapatuloy

    Kampanya ng MoH-BARMM Laban sa tigdas, nagpapatuloy

    Bagama’t nasawata na ang March-April 2024 measles outbreak sa Bangsamoro region na naka-apekto ng halos 700 na mga bata, nagpapatuloy pa rin ang vaccination campaign ng regional government upang hindi na ito muling maulit.Ito ang pahayag nitong Martes in Bangsamoro Health Minister Kadil Monera Sinolinding, Jr. sa isang dalawang oras na forum dito sa lungsod, inorganisa ng Philippine Information Agency-12 at dinaluhan ng halos 50 na mga reporters.Ayon kay Sinolinding, malakas ang suporta ng mga local government units sa anti-measles vaccination program ng Ministry of Health-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na sakop ang mga probinsya ng Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi at ang mga lungsod ng Lamitan, Marawi at Cotabato.Iniulat din ni Sinolinding, sa kanilang talakayan ni Shahana Duerme Joy Mangasar, PIA-12 Cotabato province information center manager, na naibigay na rin nila sa daan-daang mga health workers sa BARMM, nitong nakalipas na mga linggo, ang kanilang Health Emergency Allowance, o insentibo para sa kanilang masigasig na pagsugpo ng pagkalat ng Covid-19 infection sa mga bayan na sakop ng autonomous region noong kasagsagan ng pandemya na tumagal ng mahigit dalawang taon.Ayon kay Sinolinding, galing sa national government ang pondong inilaan para sa HEA ng mga health workers sa autonomous region. (July 2, 2024)

  • Lalaki patay sa ambush, bumangga pa ang kotseng minamaneha

    Lalaki patay sa ambush, bumangga pa ang kotseng minamaneha

    Patay sa ambush ang isang nagmamaneho ng isang kotseng bumangga pa sa kasalubong na dump truck ng nawalan na ito ng control sanhi mga tama ng bala sa kanyang ulo.Naganap ang pag-ambush kay Narris Maon, dating empleyado ng isang ahensiya ng nabuwag ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, sa isang bahagi ng highway sa Barangay Balindog sa Kidapawan City, kabisera ng probinsya ng Cotabato sa Region 12.Mabilis na nakatakas ang mga tumambang kay Maon sakay ng motorsiklo. Inaantabayan pa ang pahayag ng Kidapawan City police hinggil sa insidente. (July 1, 2024, handout photo)

  • Misis ng retired police colonel pinatay sa Cotabato City

    Misis ng retired police colonel pinatay sa Cotabato City

    Patay sa mga tama ng bala ang kabiyak ng isang retired police colonel, si Maria Alona Villar, na tinambangan ng dalawang lalaki habang naglalaklad sa Moonlight Street sa Barangay Rosary Heights 8, Cotabato City nitong umaga ng Lunes, July 1, 2024.Mabilis na nakatakas ang mga pumatay kay Villar, kabiyak, diumano ni retiradong Police Col. Henry Villar, gamit ang isang motorsiklo. (July 1, 2024, handout photos)

  • Mga lugar sakop BARMM Grand Coalition lumawak, mga supporters mas dumami

    Mga lugar sakop BARMM Grand Coalition lumawak, mga supporters mas dumami

    Libo-libong mga residente, mga religious at traditional leaders at mga local officials sa Tawi-Tawi at Basilan ang dumalo sa mga rallies na isinagawa ng ma-impluwensiyang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Grand Coalition sa naturang mga probinsya nitong nakalipas na Sabado, June 29, at Linggo, June 30.Kinumpirma nitong Lunes, July 1, 2024, ng mga senior police officials sa at mga commanders ng Army units na nagbigay seguridad sa magkasunod na mga aktibidad ng BGC na hindi bababa sa 80,000 ang bilang ng mga lumahok sa bawat rallies nito sa dalawang probinsya, o kabuuang mga 200,000 katao ang dumalo sa dalawang pagtitipon bilang pagpakita ng suporta sa naturang coalition na lalahok sa kaunaunahang parliamentary elections sa BARMM sa susunod na taon.Ang BGC, isang grupo ng maraming mga kilalang mga malalaking mga angkan ng mga Moro, mga incumbent local officials at barangay leaders, ay magkatuwang na pinamumunuan nila Basilan Congressman Mujiv Hataman, Suharto Mangudadatu na siyang kasalukuyang director-general ng Technical Education and Skills Development Authority, at kanyang kabiyak na si Maguindanao del Sur Mariam Mangudadatu, at sila Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr., at Sulu Gov. Hadji Sakur Tan.Si Tan, kilala sa kanyang pagtulong na magapi ng pulis at militar ang Abu Sayyaf sa Sulu, ang siyang kandidato ng BGC sa pagka chief minister ng BARMM, puwestong hawak sa kasalukuyan ng chairman ng Moro Islamic Liberation Front, si Ahod Ebrahim, ngunit bilang appointed chief minister lang, bilang special privilege kaugnay ng kasunduang pangkapayaan ng MILF at ng Malacañang.Binatikos ng mga mga opisyales na nagsalita isa-isa sa mga BGC activities sa Bongao, Tawi-Tawi at sa Maluso, Basilan ang para sa kanila ay mismanagement, o kapabayaan sa pamamahala ng BARMM regional government ng administrasyon ni Ebrahim. (July 1, 2024)

  • Mababang mga lugar sa Salibo, Maguindanao del Sur binaha

    Mababang mga lugar sa Salibo, Maguindanao del Sur binaha

    Binaha nitong umaga ng Sabado, June 29, 2024, ang Barangay Butilen sa Datu Salibo, Maguindanao del Sur kasunod ng malakas at matagal na ulan sa kapaligaran. Ang Datu Salibo ay hindi kalayuan sa mga ilog at mga lawa na konektado sa 220,000-ektaryang Liguasan Delta na mabilis umapaw tuwing tag-ulan. (June 29, 2024, handout photo)

  • Sunog naganap sa Barangay 28-C sa Davao

    Sunog naganap sa Barangay 28-C sa Davao

    CityMaraming mga pamilya ang apektado ng sunog nitong Biyernes, June 28, 2024, sa Barangay 28-C sa Davao City, kabisera ng Region 11 sa Mindanao.Wala pang final na pahayag ang Bureau of Fire Protection hinggil sa insidente. (JUNE 29, 2024, HANDOUT FACEBOOK IMAGE)

  • Mayor lauds SMI for contributions to Kiblawan town

    Mayor lauds SMI for contributions to Kiblawan town

    KORONADAL CITY (June 29, 2024) — Sagittarius Mines, Inc. (SMI) had received a citation from the municipal government of Kiblawan in Davao del Sur, for its contributions in promoting the socio-economic development of the municipality, which is covered by the firm’s Tampakan Copper-Gold Project, soon to start with permission from Malacañang, no less.Municipal Mayor Joel “Jojo” Calma cited the mining firm for uplifting the lives of his constituents through various sustainable livelihood programs, education and health projects, environmental protection activities, and capacity-building programs for local communities and Blaan Indigenous Cultural Communities (ICCs) in the area.”Maraming, maraming salamat SMI inyong tulong,” Mayor Calma said in his speech during the 58th Araw ng Kiblawan culmination program last June 18, 2024.Celebrating with this year’s theme: “Kaysarap Ng Buhay Kung Alam Mo Kung Saan Papunta”, the local chief executive outlined the positive economic changes in his town and highlighted the contributions of its partners, such as SMI.”Tanong ng iba, ano ba ang ambisyon mo para sa Kiblawan, Mayor?’ Ang sabi ko, ‘makakita lang ako ng traffic lights dito sa Kiblawan, okay na ako!’ Napakaraming mga investors na magpapaunlad ng ating bayan; andiyan na ang SMI,” Mayor Calma added.As part of its annual Social Development and Management Program (SDMP) commitments, SMI had funded numerous development projects of the municipal government of Kiblawan and other Tampakan Copper-Gold Project host municipalities — Tampakan in South Cotabato, Malungon in Sarangani and Columbio in Sultan Kudarat.SMI already spent P11.9 million for 2024 alone for programs in the areas of health, education, infrastructure, livelihood, capacity building and protection of socio-cultural values in Blaan and non-Blaan communities in Kiblawan.With all major approvals and permits from the national government secured, SMI is ready to start construction this year and produce its first copper concentrate in mid-2027. Photo show Julius Clarete, a senior staff of SMI, (second from right), receiving a special citation for the firm from Mayor Calma in recognition of the firm’s contributions to the socio-economic development of Kiblawan town. (CONTRIBUTED REPORT, JUNE 29, 2024)

  • P11.1-M halaga ng sigarilyo, nasamsam sa Zamboanga City

    P11.1-M halaga ng sigarilyo, nasamsam sa Zamboanga City

    Nakumpiska ng mga pulis ang abot sa P11.1 million na halaga ng imported na sigarilyong nakaimbak sa isang bahay sa Barangay Patalon sa Zamboanga City nitong gabi ng Miyerkules.

    Sa ulat nitong Biyernes ni Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng Police Regional Office-9, natagpuan ng kanilang mga operatiba ang 195 na mga kahon ng mga sigarilyong gawa sa Indonesia sa isang bahay sa Purok 5, Parfamco Drive sa Barangay Patalon sa tulong ng mga impormanteng sumusuporta sa anti-smuggling operations ng Zamboanga City Police Office.

    Ayon kay Masauding, pag-aari ng isang nagngangalang Aubrey Mohammad ang bahay kung saan natagpuang nakaimbak ang mga sigarilyong gawa sa Indonesia.

    Naikasa ng mga kasapi ng Zamboanga City Police Office at iba pang mga unit ng PRO-9 ang naturang anti-smuggling operation ng makatanggap ng ulat sa ilang residente ng Barangay Patalon hinggil sa pag-iimbak ng mga imported na sigarilyo sa tahanan ni Mohammad, ayon kay Masauding. (JUNE 28, 2024)

  • P19.8-M halaga ng sigarilyo nakumpiska sa Zamboanga

    P19.8-M halaga ng sigarilyo nakumpiska sa Zamboanga

    Nasamsam nitong gabi ng Huwebes ng mga pulis sa karagatan ng Zamboanga City ang abot sa P19.8 million na halaga ng imported na sigarilyo na lulan ng maliit na sasakyang pandagat na patungo sana sa bayan ng Sultan Naga Dimaporo sa Lanao del Norte.Sa ulat nitong Huwebes ng Police Regional Office-9, naglalayag ang naturang sasakyang pandagat, may kargang 346 na mga kahon ng sigarilyong gawa sa Indonesia, ng nasabat ng mga kasapi ng ibat-ibang units nito hindi kalayuan sa Sinunuc Island na sakop ng Zamboanga City.Nasa kustodiya na ng PRO-9 ang nasamsam na mga imported na sigarilyo na nagkakahalaga ng P19.8 million at naka-detine na rin ang pitong taong maghahatid sana nito sa ibat-ibang mga barangay sa baybayin ng Sultan Naga Dimaporo.Sa pahayag nitong Huwebes, pinuri ng PRO-9 ang mga pulis na naka-kumpiska ng naturang kontrabando sa isang anti-smuggling operation na nag-resulta din sa pagkaaresto ng pitong mga lalaking sakay ng sasakyang pandagat na pinag-kargahan nito. (June 27, 2024)