Halos P3 million halaga ng sigarilyo nasamsam sa Maguindanao del Norte

Nasamsam nitong Martes ng mga pulis ang halos P3 million na halaga ng sigarilyong gawa sa Indonesia sa Barangay Awang sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Sa ulat nitong Miyerkules, July 3, 2024, ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, naharang ng mga kasapi ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, pinamumunuan ni Lt. Col. Samuel Roy Subsuban, ang kontrabando na lulan ng isang van-type truck sa isang lugar sa Barangay Awang sa tulong ng mga impormanteng may alam na dadaan ito sa naturang lugar.

Mahigit P30 million na na halaga ng mga sigarilyong mula sa Indonesia ang nakumpiska ng mga operatiba ng Datu Odin Sinsuat MPS sa mga hiwalay na anti-smuggling operations mula nitong nakalipas na taon.

Inatasan na ni Tanggawohn ang Datu Odin Sinsuat MPS na ipa-kustodiya na agad sa Bureau of Customs ang mga sigarilyong nakumpiska sa Barangay Awang. (July 3, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *