Tumanggap ng mga medalya bilang pagkilala sa kanilang kagitingan ang pitong mga sundalong bahagyang nasugatan ng maka-engkwentro nitong Lunes ang grupo ng mga terorista sa Maguindanao del Sur kung saan 12 na mga kalaban ang kanilang napatay.Isa sa mga napatay ng mga sundalo sa naturang insidente, naganap sa Barangay Kitango sa Datu Saudi Ampatuan sa Maguindanao del Sur, ang pinaka-mataas na leader ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na si Kagui Karialan na Mohiden Animbang ang tunay na pangalanMismong ang commander ng 6th Infantry Division, si Major Gen. Alex Rillera, ang nag-gawad nitong Miyerkules ng wounded personnel medal sa mga sugatang Scout Rangers na sina 2nd Lt. Knigle Bastian, Sgt. Oliver Lanestosa, sina Privates 1st Class Gerald Alawin, Michael Composo at Private Jay-Ar Alocada, at dalawang iba pa, sina Private Jericho Watil at Staff Sgt. Rold Romualdo, ng 92nd at 99th Infantry Battalions, ayon sa pagakasunod.Isinagawa ang naturang simpleng seremonya sa loob mismo ng Camp Siongco Hospital sa Camp Siongco sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte, magkatuwang na pinangunahan ni Rillera at ni Lt. Col. Erwin Felongco, assistant chief of staff for personnel ng 6th ID.Ayon kay Rillera, malaking kawalan sa BIFF ang pagkamatay ni Animbang sa naturang engkwentro, naganap matapos matunton ng mga tropa ng ibat-ibang unit ng 6th ID ang kanilang kinaroroonan sa Barangay Kitango sa tulong ng mga opisyal ng Datu Saudi Ampatuan local government unit. (APRIL 24, 2024)
Mga sundalong nakapatay ng 12 BIFF members, nagka-medalya

