President Marcos, Gov. Mendoza pinasinayaan irrigation project sa Cotabato province

Magkatuwang na pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Cotabato Gov. Emmylou Taliño Mendoza ang isang P5.1 billion na halaga ng irrigation project nitong Lunes, April 29, 2024, sa Barangay Bago Inged sa Pikit Cotabato.Hindi bababa sa 10,000 ektaryang mga palayan ang kayang sakupin ng Malitubog-Maridagao Stage 2 Irrigation Project, ayon sa mga agriculture officials ng Cotabati provincial government at mga kawani ng National Irrigation Administration.Karamihan sa mga barangay na makakabiyaya sa naturang irrigation facility ay may mga residenteng kasapi ng Moro National Liberation Front at ng Moro Islamic Liberation Front na parehong may hiwalay na peace agreement sa national government na parehong suportado ng administrasyon ni Gov. Mendoza.Magkatuwang na pinamunuan ni Gov. Mendoza, chairperson ng Regional Development Council 12, at ng Pangulong Marcos ang paglunsad ng naturang proyekto nitong umaga ng Lunes, isang okasyong dinaluhan ng mga mayors sa probinsya, ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at ni Cotabato Congresswoman Samantha Santos.Kasama ni Pangulong Marcos sa kanyang pagtungo sa Barangay Bago Inged sa Pikit sina Local Government Secretary Benjamin Abalos, Jr., Presidential Peace, Reconciliation and Unity Adviser Carlito Galvez, Jr., at Special Presidential Assistant Antonio Ernesto “Anton” Floirendo Lagdameo Jr. (April 30, 2024)