Isang magsasaka ang nakunan ng P18,000 na halaga ng shabu at isang granada sa isinagawang search operation ng mga pulis sa Barangay Bual sa bayan ng Tulunan sa probinsya ng Cotabato nitong Biyernes, April 19, 2024.Sa ulat ni Captain April Rose Soria, hepe ng Tulunan Municipal Police Station, hindi na pumalag pa ang suspect ng matagpuan ang shabu at granada sa kanyang tahanan sa Purok 4 sa Barangay Bual ng kanilang mga operatiba na nagsagawa ng naturang search operation, batay sa mga ulat ng mga kakilala tungkol sa kanyang mga illegal na mga gawain.Nakakulong na ang suspect at nahaharap na sa mga hiwalay na mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at ng Republic Act 9516 na nagbabawal ng pagbebenta o pag-iingat ng mga baril, mga bala at pampasabog ng walang pahintulot mula sa national headquarters ng Philippine National Police. (April 20, 2024)
Author: Kurt Michael Culpa
-

Mga Maguindanaon sumanib sa SIAP regional party
Mahigit 1,000 na mga residente ng mga probinsya ng Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte sa Bangsamoro region ang sumanib sa regional political party na Serbisyong Inklusibo Alyansang Progresibo (SIAP) sa isang seremonyang idinaos sa poblacion ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte nitong Huwebes, April 18, 2024.Magkatuwang na pinangunahan ang naturang okasyon ni Vice Gov. Mohammad Khalid Rakiin Adiong ng Lanao del Sur, ni Mayor Dimnatang Pansar ng Butig na siya ring presidente ng league of mayor sa naturang probinsya, at ng mga miyembro ng angkan ng Sinsuat na siyang ruling clan sa Datu Odin Sinsuat.Si Vice Gov. Adiong ang siyang presidente ng SIAP na naglalayong mapaunlad ang kabuhayan ng mga magsasaka, mangingisda at mga mga negosyante sa mga barangay sa pamamagitan ng mga proyektong naglalayong i-ugnay sila sa mga negosyante o mga investors mula sa labas na maaring maglagay ng mga business projects sa kani-kanilang mga lugar.Una ng sumanib sa SIAP ang 16,204 na mga residente, karamihan mga traditional community leaders, ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi, ayon sa mga ulat ng ibat-ibang mga himpilan ng radyo sa Cotabato City ang mga kalapit na probinsya nitong Sabado, April 20, 2024. Nagpasalamat si Adiong sa mga leaders ng pamilyang Sinsuat sa kanilang pagtanggap sa delegado ng SIAP mula sa Lanao del Sur at sa kanilang pagsuporta sa pag-organisa ng dayalogo sa maraming residente ng mga probinsya ng Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte na sumanib sa partido sa isang seremonyang isinagawa nitong Huwebes sa bayan ng Datu Odin Sinsuat. (April 20, 2024)
-

P3.4 million na halaga ng shabu nasamsam sa Cotabato City
Nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang 500 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P3.4 million, sa apat na dealers na na-entrap sa Barangay Poblacion 2 sa Cotabato City nitong Huwebes, April 18, 2024.Nasa kustodiya na ng PDEA-BARMM ang mga shabu dealers na sina Sampulna Amboto Mague at kanyang asawang si Noraida at ang kanilang mga tauhan na sina Tammy Sulaiman Mague at Amram Abdullah Enga.Sila ay agad na inaresto ng mga hindi unipormadong mga PDEA-BARMM agents na kanilang nabentahan ng P3.4 million na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa kanto ng Suraik Macmud Street at Almonte Extension sa Barangay Poblacion 2, Cotabato City.Nailatag ang entrapment operation na nagresulta sa pagkaaresto ng apat na suspects sa tulong ng mga unist na sakop ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.Si Mague ay kilalang “bigtime” shabu dealer na may mga kasabwat sa ilang mga bayan sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur. (April 19, 2024)
-

UPDATE: 3 patay sa aksidente sa Tupi, South Cotabato
Tatlong tao ang agad na namatay sa banggaan ng isang pick-up truck at isang Kia Bongo light truck sa Barangay Polonuling sa bayan ng Tupi sa South Cotabato nitong madaling araw ng Huwebes, April 18, 2024.Sa hiwalay na ulat nitong Biyernes ng Tupi Municipal Police Station at ng Police Regional Office-12, hindi na umabot ng buhay sa pagamutan sina Ralph Anthony Zabala, 35-anyos at si Hernando Carl Cortez, 26-anyos, parehong sakay ng kulay itim na Mazda pick-up truck, at ang driver ng pulang Kia Bongo na may kargang isda, ang 40-anyos na si Louzel Defiño.Nagsalpukan ang magkasalubong na dalawang sasakyan sa isang bahagi ng General Santos-Koronadal Highway sa Barangay Polonuling sa Tupi, isa sa 10 na mga bayan sa South Cotabato na ang kabisera ay Koronadal City.Ayon sa mga imbestigador ng Tupi MPS at ng South Cotabato Provincial Police Office, sobrang bilis ang takbo ng pick-up truck na minamaneho ni Zabala at biglang itong nag-overtake sa sinusundang trailer truck kahit na papalapit na mula sa kabilang direskyon ng highway ang Kia Bongo kaya naganap ang matinding aksidente. (April 19, 2024)
-

40 ektaryang taniman sa Basilan tinupok ng wildfire
Mahigit 40 ektaryang mga pananim, mga puno ng niyog, rubber at saging sa Barangay Makiri sa Isabela City sa Basilan ang tinupok ng wildfire nitong Huwebes, April 18, 2024.Ito ay ayon sa ulat ng mga opisyal ng naturang lungsod at ng mga kasapi ng Bureau of Fire Protection na nag-imbestiga sa insidente. Ito na ang pang-walong wildfire sa ibat-ibang lugar sa Basilan, kabilang na ang Lamitan City, nitong nakalipas na tatlong linggo. (April 18, 2024)
-

Panibagong pamamaril sa Maguindanao del SurI
sa na namang insidente ng pamamaril ang naganap ngayon, Huwebes, April 18, 2024, bayan ng Datu Saudi Ampatuan sa probinsya ng Maguindanao del Sur.Naganap ang madugong insidente sa Barangay Salbo sa Datu Saudi Ampatuan.Abangan ang dagdag pang detalye hinggil sa insidente. (April 18, 2024, handout photo)
-

Davao City Students study plans for South Cotabato copper, gold mining
A group of Geology students from Davao City toured Tampakan, South Cotabato on Tuesday to study the preparations of a mining company that Malacañang had contracted to operate the Tampakan Copper-Gold Project, slated to start next year. Local executives and Blaan tribal leaders in Tampakan, some 16 kilometers from this city, were quoted in radio reports on Wednesday, April 17, 2024, as saying that the tour of the 27 students from the University of Southeastern Philippines in Davao City complemented their efforts to show to outsiders how the local communities are cooperating in helping push the planned copper and gold exploration in the municipality forward. Part of the study tour of the 27 students and their professors was a visit to the core sampling storage warehouses and other facilities in Barangay Liberty in Tampakan of the Sagittarius Mines Incorporated (SMI) that Malacañang had permitted to explore estimated US$ 200 billion worth of copper and gold deposits in Blaan ancestral lands in the area. Wednesday’s radio reports here mentioned barangay officials in Liberty as saying that the 27 students from Davao City were briefed on how the SMI is to operate according to international mining standards by one of the company’s geologists, Victor A. Jamio. Domingo N. Collado, an appointed Blaan tribal representative to the Tampakan municipal council, said that they have an extensive campaign to educate the public outside of South Cotabato province that their local indigenous communities, the Department of Environment and Natural Resources 12 and the National Commission on Indigenous Peoples 12 shall together oversee, along with the SMI, various environmental-protection programs once mining operation in their domains begin. (APRIL 17, 2024)
-

Tatay na nakapatay ng anak sa saksak, nakasuhan na
Nahaharap na sa kaukulang kaso ang isang ama na sinasabing lulong sa shabu na pumatay ng isang-taong-gulang na anak dahil lang sa kanyang galit sa ina nito.Sa ulat nitong Miyerkules ng Police Regional Office-10, nasampahan ng ng kaso ang suspect na si Ferdinand Catoto na ngayon at nagpapagaling sa isang pagamutan matapos niyang saksakin ng kutsilyo ang sarili ng mapatay niya ang kanyang anak nitong Lunes sa kanilang tahanan sa Barangay Tikalaan sa bayan ng Talakag sa Bukidnon.Ayon sa Talakag Municipal Police Station at sa Bukidnon Provincial Police Office, unang nag-away dahil sa ibat-ibang mga dahilan si Catoto at kanyang kabiyak na lumisan sa kanilang tahanan bago nito napagbuntunan ng galit ang sangol na anak.Sinaksak ni Catoto ang sarili kasunod ng kanyang pagkakapaslang sa anak gamit ang kutsilyo kaya ito nasa isang pagamutan ngayon, guwardiyado ng mga kasapi ng Talakag MPS. (April 17, 2024)
-

4 shabu dealers sa Tawi-Tawi, tepok sa mga pulis
Napatay ng mga pulis ang apat katao na inabutang nagbenta ng P476,000 na halaga ng shabu sa kanilang mga customer sa Barangay Luuk Pandan sa Bongao, Tawi-Tawi kamakalawa.Sa ulat nitong Miyerkules in Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, naisagawa ang naturang operasyon ng mag-ulat ang ilang residente ng Luuk Pandan sa Bongao Municipal Police Station hinggil sa presensya sa kanilang barangay ng mga kalalakihang may mga armas na kahinahinala ang mga personalidad.Inabutan ng mga kasapi ng Bongao MPS ang pag-abot ng naturang apat na lalaki ng shabu sa kanilang customer at, ng sinita, ay biglang bumunot ang isa sa kanila ng baril at nagpaputok kaya nagka-engkwentro na nag-resulta sa pagkamatay nila.Magkatuwang na inaalam na ng mga kasapi ng Bongao MPS at ng Tawi-Tawi Provincial Police Office kung sino ang mga nakatakas na bibili sana sa apat na lalaking napatay sa naturang engkwentro ng 70 gramos na shabu, nagkakahalaga ng P476,000, na nasamsam ng mga pulis. (April 17, 2024)
-

Mag-ina, napatay sa saksak
Napatay sa paulit-ulit na saksak ng isang lasing ang isang isang ina at ang kanyang menor-de-edad na anak na babae nitong gabi ng Lunes, April 15, 2024, sa Barangay Lunib sa Vincenzo Sagun, Zamboanga del Sur.Sa mga ulat nitong umaga ng Martes ng Vincenzo Sagun Municipal Police Station agad na namatay sa mga sugat sa ibat-ibang katawan si Maria Shennah Wayan Capilitan, 32-anyos, at ang kanyang 14-anyos na anak na si Fe sa naturang insidente, naganap sa Purok Punta Blanco sa Barangay Lunib.Ayon sa mga imbestigador ng Vincenzo Sagun MPS, sinugod ng salarin, si Juranie Salazar, 27-anyos, ang anak ni Capilitan habang papalapit sa isang tindahan at agad na pinagsasaksak ng mahabang kutsilyo na nagsanhi ng agarang kamatayan nito.Sunod na napatay ng suspect si Capilitan ng tumungo sa pinangyarihan ng krimen ng malaman ang sinapit ng anak.Agad na pinagsasaksak ni Salazar ng kutsilyo si Capilitan na pumanaw din agad dahil sa mga maselang sugat sa dibdib at iba pang parte ng kanyang katawan.Ayon sa Vincenzo Sagun MPS at sa Zamboanga de Sur Provincial Police Office, nahaharap na sa kaukulang kaso si Salazar, ngayon nasa isang police detention facility na. (April 16, 2024, handout photos)

