Nagkasundo ang apat na mga governors sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at ang congressman ng isa sa anim na BARMM provinces na magtulungan para sa mapayapang 2025 regional and local elections sa mga lugar na sakop nila.Ito ang napagkasunduan sa isang dayalogo sa Metro Manila kamakalawa nila Sulu Gov. Hadji Sakur Tan, Maguindanao del Sur Gov. Mariam Mangudadatu, Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr., ni Basilan Congressman Mujiv Hataman at ni Suharto Mangudadatu, dating governor ng Sultan Kudarat na ngayon ay top national official na ng Technical Education and Skills Development.Sa pahayag nitong Miyerkules, April 25, 2024, ni Gov. Adiong, nabuo ang naturang alyansa kaugnay ng kanilang mithiin na magtulungan sa pagsulong ng peace at sustainable development sa BARMM na sakop ang Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi at ang mga lungsod ng Lamitan, Marawi at Cotabato.Isa si Gov. Adiong sa mga namumuno ng Serbisyong Inklusibo Alyansang Progresibo, o SIAP regional party, na naglalayong mapaunlad ang commerce and trade sa mga liblib na mga barangay sa BARMM sa pamamagitan ng socio-economic interventions para sa mga mahihirap na magsasaka at mga mangingisda at ang paghikayat sa mga investors na mga taga labas na mag-invest sa mga bayan sa autonomous region bilang suporta sa Mindanao peace process. (April 26, 2024, handout photo)
4 governors, congressman nais ang mapayapang 2025 Bangsamoro regional, local elections

