Napatay ng mga sundalo nitong gabi ng Lunes, April 22, 2024, sa Maguindanao del Sur ang 11 na mga miyembro Bangsamoro Islamic Freedom Fighters kabilang ang kanilang pinakamataas na pinuno na wanted sa 47 na mga kasong pambobomba, extortion, multiple murder at arson sa ibat-ibang mga korte.Kinumpirma nitong gabi ng Biyernes ng mga kasapi ng ibat-ibang Municipal Peace and Order Councils, ng mga opisyal ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at ng 6th Infantry Division ang pagkasawi ni Kagui Karialan, Mohiden Animbang ang tunay na pangalan, na siyang namumuno ng isa sa tatlong faction ng BIFF na lokal na version ng Islamic State of Iraq and Syria.Nasawi din sa naturang engkwentro ng magkasanib na Army Scout Rangers at mga tropa ng 1st Brigade Combat Team at ng mga terroristang BIFF sa Barangay Kitango sa Datu Saudi Ampatuan ang kapatid ni Karialan na si Saga Animbang na kilalang bihasa sa paggawa ng improvised explosive devices, isang “signature weapon” ng naturang grupo.Sa hiwalay na pahayag ni Army Brig. Gen. Jose Vladimir Cagara, na siyang namumuno ng 1st BCT, at ng commander ng 6th ID, si Major Gen. Alex Rillera, mismong mga residente, ilan sa kanila mga barangay officials sa Datu Saudi Ampatuan, ang nagsuplong ng presensya nila Karialan sa isang liblib na lugar sa Barangay Kitango kaya naganap ang madugong palitan ng putok ng sila ay natunton ng mga sundalong nagpapatrolya.Ang grupo ng nasawing si Karialan, may koneksyon din sa teroristang grupong Dawlah Islamiya, ang siyang tinuturong isa sa mga responsable sa mga serye ng pambobomba mula 2014 ng mga sasakyang pampubliko na ayaw magbigay ng “protection money” ang mga may-ari, at kilala din sa pagkanlong ng nagbebenta ng shabu at marijuana kapalit ng pera. (APRIL 23, 2024)
Leader ng teroristang grupong BIFF, tepok sa engkwentro

