Isang buntis na shabu dealer, kasabwat, arestado sa Maguindanao Norte police operation

Nasamsam ng mga pulis ang abot sa P340,000 na halaga ng shabu sa isang buntis at kasabwat nito na na-entrap sa Diversion Road sa Capiton sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte nitong Huwebes, April 25, 2024.Hindi na pumalag ang dalawang suspects, ang 32-anyos na buntis na si Fatima Bagundang Esmail, at kasamang si Hamid Dalama Guimba, 23-anyos, ng arestuhin ng magkasanib na mga operatiba ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, pinamumuan ni Lt. Col. Sahibun Mamamtal, at ng mga kasapi ng Cotabato Police Precinct 3, na kanilang nabentahan ng shabu.Naharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 and dalawang nalambat na shabu dealers gamit ang shabu na nasamsam sa kanila sa naturang police entrapment operation.Maliban sa shabu, nakumpiska din ng mga tauhan ni Lt. Col. Mamantal mula kina Esmail at Guimba ang isang Honda XRM 125 na motorsiklo at mga cellphone na may mga numero ng kanilang mga parukyano. (April 26, 2024, Contributed Report)