15,750 residente ng Tampakan, South Cotabato tumanggap ng El-Niño ayuda

Abot sa 15,750 na mga Blaan at mga non-indigenous settlers sa bayan ng Tampakan sa South Cotabato ang tumanggap ng mga ayudang bigas, bottled water at iba pang food supplies sa magkatuwang na mga humanitarian missions nitong May 2024 ng kanilang tribal leaders, mga municipal officials at ng Sagittarius Mines Incorporated.Kontratado ng Malacañang ang Sagittarius Mines Incorporated, o SMI, na magpatupad, simula 2025, ng Tampakan Copper-Gold Project batay sa mga pahintulot nito, ng Department of Environment and Natural Resources, ng Blaan tribal councils at ng National Commission on Indigenous Peoples.Sa mga ulat nitong Miyerkules ng ng ibat-ibang mga himpilan ng radyo sa Koronadal City at mga karatig na lungsod sa Soccsksargen Region, isang kilalang Blaan tribal leader, si Nora Sukal, at ang representatibo ng kanilang tribo sa Tampakan municipal council na si Domingo Collado ang nagkumpirma ng pagkakatanggap ng 15, 750 na mga residente ng kanilang bayan ng relief supplies sa mga humanitarian missions ng SMI at ng mga local officials nitong nakalipas lang na buwan.Libo-libong mga magsasaka sa Tampakan ang nawalan ng kita dahil sa tagtuyot na dulot ng El-Niño mula pa January 2024 na nagsanhi ng pagkatuyo ng kanilang mga panamin sa sa kanilang mga sakahan.Pinasalamatan nitong Miyerkules ng registered nurse na si Rolly Doane Aquino, tagapamahala ng South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management office at ni South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo, Jr. ang mga leaders ng Blaan tribe, ang kanilang mga local officials, at SMI sa mga relief missions para sa mga residente ng Tampakan. (June 5, 2024)