Isang taga Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ang Certified Public Accountant na si Fatima Mending-Abas, ang nahalal na National Sectoral Director for Government ng Philippine Institute of Certified Public Accountants sa isinagawang halalan nito noong May 16, 2024.Ang CPA na si Ginang Mending-Abas ay internal audit director ng Ministry of Finance and Budget Management-BARMM na ang tanggapan ay nasa Bangsamoro capitol compound sa Cotabato City na siyang kabisera ng autonomous region.Sakop ng BARMM ang Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi at ang mga lungsod ng Marawi, Lamitan at Cotabato.Si Ginang Mending-Abas, isang tubong Cotabato City, ay nanilbihan din bilang PICPA chapter president ng lungsod ng dalawang taon bago naging National Sectoral Director for Government nito kasunod ng isinagawang online at face-to-face elections nila ilang linggo pa lang ang nakakalipas. (June 3, 2024)
Karangalan para sa BARMM: CPA na taga Cotabato City, nahalal na PICPA national official

