Author: Kurt Michael Culpa

  • Babaeng fiscal patay sa ambush sa Digos City

    Babaeng fiscal patay sa ambush sa Digos City

    Napatay ang assistant provincial prosecutor ng Davao Occidental sa isang ambush sa mataong lugar sa Barangay Aplaya sa Digos City pasado 5:00 p.m. nitong Lunes, June 10, 2024. Sa inisyal na pahayag ni Lt. Col. Florante Retes, hepe ng Digos City Police Station, namatay sa loob mismo ng kanyang puting Ford Raptor pick-up truck ang 54-anyos na fiscal na si Eleanor Polancos Dela Peña, na naka-destino sa bayan ng Malita sa Davao Occidental. Minamaneho ni Dela Peña ang kanyang sasakyan pauwi sa kanyang tahanan sa Tienda, Barangay Aplaya, isang residential area sa Digos City, ng paputukan ng ilang beses ng isang lalaking nakaabang sa kanya at mabilis na tumakas gamit ang motorsiklong Honda Click. Inaalam pa ng mga imbestigador ng Digos City police force at mga intelligence agents ng ibat-ibang unit ng Police Regional Office 11 kung sino ang salarin at kung ano ang motibo nito sa pagpatay kay Dela Peña. Ang tanggapan ng napaslang na si Dela Peña bayan sa bayan ng Malita sa Davao Occidental ay hindi kalayuan sa Digos City na siyang kabisera ng probinsya ng Davao del Sur. (JUNE 11, 2024, JFU)

  • MOLE-BARMM pinapalaganap emergency preparedness at industrial peace

    MOLE-BARMM pinapalaganap emergency preparedness at industrial peace

    Sa Kabacan, North Cotabato, ginanap ng Ministry of Labor and Employment (MOLE) ang Orientation Seminar at Tripartite Industrial Peace Council (TIPC) Meeting noong ika-6 ng Hunyo 2024.Layunin ng seminar na magbigay ng kaalaman tungkol sa MOLE Emergency Disaster Control Program (MEDCP) sa pamamagitan ng mga talakayan at demonstrasyon hinggil sa paghahanda at pagtugon sa sunog, sa tulong ng Bureau of Fire Protection (BFP-Kabacan). Matapos nito, isinagawa ang TIPC meeting upang pumili ng mga opisyal mula sa sektor ng manggagawa at pamamahala sa Special Geographic Area (SGA), na pinangunahan ni MOLE-SGA Supervising LEO Moctar Macalipat. Sa kabuuan, 26 ang mga lumahok mula sa mga sektor ng pamamahalaan at manggagawa sa naturang aktibidad kung saan nagtulungan ang mga ito upang mapabuti ang kanilang pang-unawa sa mga hakbang sa pagkontrol ng emergency at disaster. Pinagtibay ng grupo ang kanilang pangako na magpalakas ng pakikipagtulungan at diyalogo sa pagitan ng dalawang sektor, na naglalayong palakasin ang kapayapaan sa industriya at tugunan ang mga alalahanin sa komunidad ng SGA. Ang pagpapatupad ng MEDCP at TIPC, sa pangunguna ni OIC Director Abdulrakman S. Nor, ay naging matagumpay sa pagpapabuti ng pagiging handa sa emergency at pagpapalakas ng ugnayan sa industriya sa komunidad. (JUNE 10, 2024)

  • 14 combat rifles ng NPA sa Bukidnon, nakumpiska

    14 combat rifles ng NPA sa Bukidnon, nakumpiska

    Nasamsam nitong Sabado, June 8, 2024, ng tropa ng 1003rd Infantry Brigade ang 14 na mga assault rifles ng isang grupo ng New People’s Army na nakatago sa isang kubo sa Barangay Lumintao sa Quezon, Bukidnon.Sa pahayag nitong Lunes ni Major Gen. Allan Hambala, commander ng 10th Infantry Division, nasa kustodiya na ng 1003rd Infantry Brigade ang walong M16A1 rifles, isang M653 rifle, dalawang M14 rifles at tatlong AK-47 rifles na nasamsam sa naturang operasyon, naisagawa sa tulong ng mga residente ng Barangau Lumintao.Ayon kay Hambala mismong mga residente ng Barangay Lumintao na matagal ng nagrereklamo sa pangingikil sa kanila ng buwanang “revolutionary tax” ng mga teroristang NPA ang nagturo kina Brig. Gen. Marion Angcao, commander of the 1003rd Infantry Brigade, sa kinaroroonan ng naturang mga armas.Sa hiwalay na mga pahayag, pinasalamatan ni Hambala at ni Angcao ang mga residente ng Barangay Lumintao na tumulong sa operasyon na nag-resulta sa pagkasamsam ng naturang mga armas ng mga teroristang NPA. (June 10, 2024)

  • MILF leader na may P1.3-M reward na patong sa ulo, arestado

    MILF leader na may P1.3-M reward na patong sa ulo, arestado

    Nasukol ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group sa Barangay Tuca sa Marawi City nitong Sabado ang isang commander ng Moro Islamic Liberation Front na wanted sa ibat-ibang kaso at may patong na P1.3 million reward sa kanyang ulo.Kinumpirma nitong Linggo ni Brig Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, na nakaulong na ang matagal ng wanted na si Jovy Sanguila na may kinakaharap na mga kaso sa ibat-ibang korte dahil sa kanyang pagkakasangkot diumano sa pag-atake sa mga bayan ng Kolambugan at Kauswagan sa Lanao del Norte noong August 18, 2002.Ang naturang insidente ay nag-resulta sa pagkamatay ng 23 katao, kabilang sa kanila sina Lt. Col Angelo Benitez ng 102nd Infantry Brigade at Police Patrolman Dexter Salvacion. Ayon kay Tanggawohn, natunton si Sanguila sa Barangay Tuca sa Marawi City ng mga CIDG-BAR agents, pinamumunuan ng kanilang regional chief na si Lt. Col. Ariel Huesca, at ng mga operatiba ng ibat-ibang unit ng PRO-BAR, sa tulong ng mga impormante ang ng local government officials ng Lanao del Sur at Marawi City.Magkahiwalay na kinumpirma ni Tanggawohn at ni Huesca na naglaan ang national government ng P1.3 million na reward para sa sinumang makakatulong sa pag-aresto kay Sanguila. (June 9, 2024)

  • Mga programa para PWDs sa Cotabato province pinalawak

    Mga programa para PWDs sa Cotabato province pinalawak

    Mas pinalawak ng Cotabato provincial government ang Community-Based Rehabilitation Program nito para sa mga persons with disabilities, o PWDs, sa lahat ng 17 na mga bayan sakop nito pati na sa Kidapawan City na kabisera ng probinsya.Sa pahayag nitong Linggo, June 9, 2024, ni Cotabato Gov. Emmylou Mendoza, tinalakay ng mga coordinators ng kanilang CBR Program for PWDs sa kanilang June 4-7 workshop, dinaluhan ng mga barangay health workers, midwives at mga nurses, ang pagpapalawig ng kanilang mga programang naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga residente ng probinsya na may mga kapansanan.Tinalakay sa naturang workshop ang pagpapalawak pa ng ugnayan ng mga PWDs sa kani-kanilang mga local government units at sa tanggapan ni Mendoza, na siyang chairperson ng Regional Development Council 12, upang mas mapadali ang pag-paabot sa kanila ng tulong upang hindi mahirapan sa kanilang mga kalagayan at upang maging produktibo sa mga paraang kaya nila.Ayon kay Mendoza ang kanilang CBR Program for PWDs ay may mga inisyatibo din na maprotektahan ang karapatan ng mga may kapansanan na mga Muslim, mga Kristiyano at mga indigenous people sa probinsya.Kabilang sa tinalakay sa workshop nitong nakalipas na linggo ng mga coordinators ng CBR Program for PWDs ng tanggapan ni Mendoza ang ang tamang pagtuturo sa mga may kapansanan kung paano mapapagaan ng mga mobility support devices ang kanilang kalagayan. (June 9, 2024)

  • UPDATE: 5 sugatan sa ambush sa Cotabato City

    UPDATE: 5 sugatan sa ambush sa Cotabato City

    Lima ang sugatan sa ambush na target ang isang barangay chairman sa isang mataong bahagi ng Mabini Street sa Barangay Bagua 3, Cotabato City sa Bangsamoro region nitong gabi ng Biyernes, June 7, 2024.Sakay sina Edris Ayunan Pasawiran, chairman ng Barangay Kalanganan 2, Cotabato City ng isang Toyota Grandea van ng paputukan ng mga armado na mabilis na nakatakas.Nakaligtas si Pasawiran sa naturang ambush.Kinumpirma nitong umaga ng Sabado ni Col. Querubin Manalang, Jr., Cotabato City police director, na lima ang sugatan sa naturang ambush, dalawa sa kanila malubha. Ayon kay Manalang, apat sa mga sugatang kasama ni Pasawiran ay isinugod sa Cotabato Regional Medical Center upang magamot, habang ang isa naman ay nilalapatan ng ng lunas sa Cotabato Sanitarium Hospital sa hindi kalayuang bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.Natagpuang abandonado ng mga pulis na nagresponde sa insidente sa Barangay Rosary Heights 3, Cotabato City ang sasakyan ng mga responsable sa ambush, isang Suzuki minivan.May natagpuang isang .45 caliber pistol sa loob ng naturang sasakyan na diumano may mga patak pa ng dugo sa loob. (June 8, 2024)

  • Mga pulis nag-dayalogo hinggil sa religious and cultural sensitivity

    Mga pulis nag-dayalogo hinggil sa religious and cultural sensitivity

    Mahaba ang naging talakayan ng mga municipal police chiefs sa Maguindanao del Sur hinggil sa religious at cultural sensitivity sa isang seminar nito lang July 6, 2024, sa tanggapan ng Maguindanao del Sur PPO sa bayan ng Shariff Aguak.Ang naturang aktibidad ay magkatuwang na inorganisa ni Lt. Col. Badrudin Esmael ng Sallam Police Center Eastern Mindanao at ni Col. Roel Sermese, Maguindanao provincial police director, at suportado din ng ng isang kilalang Islamic missionary na si Sheik Marjan Kudanding.Tinalakay sa naturang workshop ang mga mahahalagang usapin hinggil sa religious at cultural sensitivity kaugnay ng pagpapatupad ng batas at ibat-ibang mga community relations activities ng mga municipal police stations sa probinsya.Ang Sallam Police Center Eastern Mindanao ay may mga programang naglalayong mapalawak pa ang kaalaman ng mga pulis hinggil sa religious at cultural sensitivity kaugnay ng layunin nito na mas mapalakas pa ang religious at cultural solidarity ng mga Muslim, mga Kristiyano at mga indigenous people sa mga lugar na sakop nito. (June 8, 2024)

  • Sari-sari stores sa Tampakan, South Cotabato sinuportahan ng mining company

    Sari-sari stores sa Tampakan, South Cotabato sinuportahan ng mining company

    Ilang mga maliliit na tindahan sa Barangay Poblacion sa Tampakan, South Cotabato na tanging inaasahan ng mga may-ari para sa ikakabuhay ng kanilang mga pamilya, ang tumanggap ng ayudang nagkakahalaga ng P10,000 bawat isa mula sa Sagittarius Mines Incorporated bilang suporta sa kanilang naging kawalan dulot ng Covid 19 pandemic at tagtuyot nitong nakalipas na ilang buwah sanhi ng El-Nino phenomenon.Mismong si Tampakan Barangay Poblacion Chairman Jose Nilo Vargas ang nagkumpirma nitong Sabado sa mga reporters ng pamamahagi ng Sagittarius Mines Incorporated, o SMI, nito lang Huwebes, June 6, 2024, ng naturang ayuda sa mga may-ari ng tindahan sa mga mga lugar na sakop niya.Ang bayan ng Tampakan, hindi kalayuan sa Koronadal City na kabisera ng South Cotabato province, ang host municipality para sa Tampakan Copper-Gold Project na isasagawa ng SMI, magsisimula sa taong 2025, batay sa pahintulot ng Malacañang, ng Department of Environment and Natural Resources, ng Blaan tribal councils sa naturang bayan at ng National Commission on Indigenous Peoples.Pinasalamatan nitong Sabado ni Vargas at iba pang local officials ng Tampakan at ng nurse na si Rolly Aquino, na siyang namamahala ng South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ang management ng SMI sa inisyatibo nitong mabuhay muli ang mga sari-sari stores sa Barangay Poblacion ng naturang bayan na lumiit ang mga kita dahil sa Covid 19 pandemic at El-Niño phenomenon. (June 8, 2024)

  • Isa patay sa ambush sa Cotabato City

    Isa patay sa ambush sa Cotabato City

    Isang ambush ang naganap nitong gabi ng Biyernes, June 7, 2024, sa Cotabato City sa Bangsamoro region, kung saan target diumano ang isang barangay kapitan, si Edris Ayunan, ng naturang pananambang, naganap sa Mabini Street sa lungsod. Nakaligtas si Ayunan sa naturang ambush.Isa ang nasawi naiulat na nasawi habang ilang sakay pa ng sasakyang makikita sa larawang ang naiulat na nagtamo ng mga sugat sanhi ng naturang pananambang. (June 7, 2024)

  • Dating BIFF commander, arestado sa ibat-ibang kaso

    Dating BIFF commander, arestado sa ibat-ibang kaso

    Inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group sa Datu Piang, Maguindanao del Sur nitong Miyerkules ang isang dating commander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na nasangkot sa ibat-ibang mga krimen bago ito sumuko sa militar tatlong taon na ang nakakalipas.Sa ulat nitong Huwebes ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, hindi na pumalag ang suspect, si Abunawas Ibad Damiog ng silbihan ng mga warrants of arrest ng mga operatiba ng CIDG-BAR, pinamumunaan ng kanilang regional chief na si Lt. Col. Ariel Huesca, sa isang lugar sa poblacion ng Datu Piang.Sa mga hiwalay na pahayag, kinumpirma ni Tanggawohn at Huesca na wala pang mga warrants of arrest mula sa ibat-ibang mga korte para sa 65-anyos na si Damiog, kilala noon na Commander Bayawak ng BIFF, ng siya ay sumuko sa 1st Mechanized Brigade noong 2021, matapos siyang masangkot sa ibat-ibang mga krimen.Ayon sa mga opisyal ng ibat—ibang units ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office, kabilang sa mga kinakaharap na kaso ni Damiog, naisampa sa ibat-ibang mga korte sa Central Mindanao, ang multiple murder, arson, at ang kanyang pagkasangkot diumano mga madugong pag-atake sa simbahang Katoliko sa Datu Piang at sa police station ng naturang bayan kung saan kanilang sinunog ang isang patrol vehicle sa naturang insidente.Pinasalamatan nitong Huwebes ni Tanggawohn at ni Huesca ang mga impormanteng tumulong na matunton sa Datu Piang ang wanted na si Damiog, na nakunan ng isang .45 caliber pistol ng mga CIDG-BAR agents na umaresto sa kanya. (June 6, 2024)