Abot sa 5,000 na mga residente ng probinsya ng Cotabato, 2,000 sa kanila mga agriculture students, ang tumanggap ng kabuuang P16 million na ayudang mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng pamahalaan nitong Linggo.Mismong sina Senator Aimee Marcos, Gov. Emmylou Mendoza, Cotabato Congresswoman Samantha Santos at Loreto Cabaya, Jr. na siyang regional director ng Department of Social Welfare and Development-12 ang magkatuwang na namahagi nitong Linggo ng ayudang P5,000 sa 2,000 na mga estudyante ng University of Southern Mindanao (USM) sa sentro ng Kabacan.Karagdarang P10 million pang ayuda ang ipamahagi ng apat na opisyal sa hiwalay na handout activities para sa mga residenteng Moro ng magkalapit na mga bayan ng Kabacan at Carmen.Sa mga hiwalay na dayalogo sa mga estudyante ng USM at mga pamilyang Moro na nakatanggap ang pondong gawad ng AICS, ipinahayag ng senadora na malaking tulong ang programa sa para sa mga mahihirap na residente ng probinsya ng Cotabato.Pinasalamatan ni Mendoza, na chairperson ng Regional Development Council 12 at kilala sa kanyang masigasig na suporta sa Mindanao peace process ng Malacañang, ang senadora kanyang pagbisita sa probinsya.Tiniyak din ng gobernadora na mas palalawigin pa niya at ng mga mayors sa Cotabato ang kanilang mga programang naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga komunidad na Moro sa probinsya. (March 25, 2024)
Author: Kurt Michael Culpa
-

Sundin ang traffic light signals upang walang ganitong aksidente
Bumaliktad ang isang pick-up truck ng masapol ng isang Toyota Fortuner sa isang intersection sa sa isang bahagi ng national highway at Roxas Avenue sa General Santos City nitong umaga ng Linggo, March 24, 2024.Ayon sa mga saksi, magkasalubong ang dalawang sasakyan, ang pick-up truck na hindi tumigil at naghintay sana dahil naka red light na ang traffic light, kaya ito nasapol ng umaarangkadang Fortuner na kasalubong.Wala namang nasaktan ng malubha sa pangyayari ngunit ito ay nagdulot ng istorbo sa daloy ng trapiko sa naturang lugar. (March 24, 2024, photo from Rodger Taylaran)
-

Negosyante binaril, patay aa Kidapawan City
Napatay sa pamamaril ang negosyanteng si Aramae Bangot Diongson Bayhon sa Kidapawan City nitong umaga ng Sabado, March 23, 2024.Kalalabas lang ni Bayhon sa kanyang Toyota Land Cruiser na ipinarada sa Alim Street sa Kidapawan City, kabisera ng probinsya ng Cotabato, ng lapitan ng salarin at pinaputukan ng paulit-ulit hanggang sa mabuwal sa kalye.Si Bayhon ay residente ng Barangay Kisante sa bayan ng Makilala, Cotabato at may-ari ng isang hardware store at isang motorcycle shop sa naturang bayan.Mabilis na nakatakas ang pumatay kay Bayhon gamit ang isang motorsiklo. (March 23, 2024, with handout photo)
-

18-anyos na lalaki patay sa pamamaril sa Tagum City
Isang 18-anyos na lalaking sangkot diumano sa ibat-ibang mga krimen ang napatay ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Garciaville sa Mankilam sa Tagum City sa Davao del Norte nitong Miyerkules, March 8, 2024.Ang napaslang na si Reymark Deron Angeles, kilala sa kanyang alias na “Marawi,” ay agad na namatay sa mga tama ng bala ng tambangan ng mga hindi pa kilalang mga lalaki sa naturang lugar na mabilis namang nakatakas.Ayon sa mga barangay officials at mga opisyal ng Tagum City Police Office, nasangkot sa ibat-ibang krimen ang napaslang na si Angeles. (March 22, 2024, handout photo)
-

Mga taga Lanao Sur, nakumpiskahan ng P1.3-M shabu sa Zamboanga del Sur
Nakumpiska ng mga pulis ang abot sa P1.3 million na halaga ng shabu sa dalawang dealer na na-entrap sa Barangay Poblacion ng Aurora sa Zamboanga del Sur nitong Miyerkules, March 20, 2024.Sa mga hiwalay na pahayag nitong Huwebes ng municipal officials at ng Aurora Municipal Police Station, naka-detine na sina Alijina Bangon Edris, 49 anyos, at ang kanyang 39-anyos na kasabwat, si Ansano Omar Madki, na-aresto matapos mag benta ng 200 gramo ng shabu sa mga hindi unipormadong pulis sa isang entrapment operation sa Purok Sta. Maria sa Barangay Poblacion ng Aurora.Sa ulat ng Zamboanga Del Sur Provincial Police Office, ang mga nakakulong ng sina Edris at Madki ay mga residente ng Tugaya, isang bayan sa ikalawang distrito ng Lanao del Sur.Ilang mga kasabwat na nila ang unang na-aresto ng mga kasapi ng Pagadian City Police Office at ng Zamboanga del Sur PPO sa mga serye ng entrapment operations sa ibat-ibang lugar sa probinsya nitong nakalipas na anim na buwan. (March 21, 2024)
-

16-anyos na estudyante, napatay sa barangay na may mga sundalong na ambush
Isang 16 anyos na lalaki, si Abdulrahman Esmail, nag-aaral ng Islamic religion, o isang hafidz sa wikang Arabic, ang natagpuang patay nitong Lunes sa Datu Hoffer sa Maguindanao del Sur, malapit sa kung saan may napaslang sa isang ambush na apat na sundalo.Ipinaabot ng ama ni Esmail na si Salahuddin nitong Miyerkules sa ilang mga reporters na natagpuang wala ng buhay ito at nakitaan ng mga senyales na pinahirapan muna bago binaril sa dibdib na nagsanhi ng kanyang kamatayan.Unang natagpuan ng barangay officials ang bangkay ni Esmail sa isang liblib na bahagi ng Barangay Tuayan sa Datu Hoffer, kung saan may apat na sundalo, sina Pvt. Marvin Dumaguing, Pvt. Jessie James Corpuz, Pfc. Carl Araña at Cpl. Creszaldy Espertero ng mga unit na sakop ng 6th Infantry Division, ang napatay sa pananambang ng mga magkasanib ng mga kasapi ng mga teroristang grupong Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.Huling nakita diumanong naharang ang menor-de-edad na Islamic theology student na si Esmail na sakay ng isang motorsiklo at sinita ng mga sundalo na nag-checkpoint sa Barangay Tuayan, ngunit wala pang pahayag ang 40th Infantry Battalion na sakop ang naturang barangay at ang Datu Hoffer Municipal Police Station hinggil dito na iginigiit ng pamilya ng biktima. (March 20, 2024)
-

AFF chief of staff dumalaw sa burol ng 4 sundalong na-ambush
Chief of staff ng Armed Forces of the Philippines, Army Lt. Gen. Romeo Brawner, Jr., nakiramay sa mga pamilya ng apat na sundalong napatay sa ambush ng mga terorista nitong Linggo, March 17, 2024, sa Barangay Tuayan 1, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur.Ang mga labi ng apat na sundalo, sina Private Marvin H. Dumaguing, Pvt. Jessie James D. Corpuz, Private 1st Class Carl C. Araña at Corporal Creszaldy S. Espertero, kasapi ng mga unit na sakop ng 6th Infantry Division, ay nakaburol sa chapel ng 6th ID sa Camp Siongco sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.Dumalaw sa kanilang burol si Brawner nitong Martes, March 19, 2024, isang araw bago personal din na nakiramay din sa mga pamilya ng mga biktima si Vice President Sara Duterte.Kinumpirma na ng mga local officials sa mga bayan ng Datu Hoffer, Shariff Aguak, at Ampatuan sa Maguindanao del Sur, at mga impormante mula sa ibat-ibang mga paaralan sa probinsya na magkasanib na mga miyembro ng Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang nag-ambush sa apat na sundalo na nagsanhi sa kanilang agarang kamatayan. (March 20, 2024)
-
Shabu nasamsam sa dealer na BIFF member
Nakumpiska ng mga pulis ang abot sa P680,000 na halaga ng shabu sa isang dealer, diumano konektado sa isang teroristang grupo, na nakatalon sa ilog at nakatakas ng aktong aarestuhin na sana isang operasyon sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Linggo, March 17, 2024. Sa ulat nitong Lunes ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nahalata ng suspect, si Jowi, kilala din sa mga alias na Abu Amir at Abu Muktar, na mga pulis na pinamumunuan ni Lt. Col. Esmael Madin ang kanyang mga ka-transakyon sa isang tulay sa Barangay Salimbao sa Sultan Kudarat kaya ito tumalon sa ilog at nakalangoy palayo. Ikinasa nila Madin, hepe ng Sultan Kudarat Municipal Police Station ang naturang operasyon na suportado ng PRO-BAR at ng Cotabato City Police Precint 1 ng makatanggap ng ulat mula sa mga kakilala ni Jowi na alam ang kanyang malakihang pagbebenta ng shabu. Nag-ulat din ang ilang mga impormante na mga taga Cotabato City at mga barangay kapitan sa Sultan Kudarat na alam din nila ang koneksyon ni Jowi sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na kilala sa pagkanlong sa mga kuta nito ng mga drug dealers kapalit ng pera. (March 18, 2024)
-

Mag-inang motorista sapol ng truck, patay
Patay ang isang motorista at kanyang ina ng masapol ng ten-wheeler truck ang kanilang motorsiklo habang papalabas ng isang talyer sa gilid ng highway sa Barangay Bolong sa Zamboanga City nitong Linggo.Pumanaw mismo sa pinangyarihan ng aksidente si Jonmar Eijansantos at ang kanyang ina na si Innocencia Eijansanto matapos masapol ng cargo truck na minamaneho ni Reymundo Ledita, may plakang MAV 2644 at kargado ng mga produktong mula Davao City na ihahatid sana sa isang shopping mall sa Zamboanga City.Sa inisyal na pahayag nitong Lunes ng Zamboanga City Police Office, nagkaroon ng problema ang preno ng truck kaya nawalan ng control nito si Ledita, nagawi sa gilid ng highway at nabundol ang mag-inang magkaangkas sa kanilang motorsiklong kakaayos lang sa isang talyer sa naturang lugar.Agad namang nagpakustodiya sa mga kasapi ng Zamboanga City police force na nagresponde sa insidente ang truck driver na si Ledita at isinuko sa kanila ang kanyang driver’s license. (March 18, 2024)
-

4 sundalo patay sa Maguindanao Sur ambush
Apat na mga kasapi ng 40th Infantry Battalion ang napatay ng mga kasapi ng Dawlah Islamiya sa ambush nitong umaga ng Linggo, March 17, 2024, sa isang liblib na barangay sa Datu Hoffer, Maguindanao del Sur. Sa mga hiwalay na inisyal na ulat nitong hapon ng Linggo, kinumpirma ni Major Gen. Alex Rillera, commander ng 6th Infantry Division, at ni Bangsamoro regional police director Brig. Gen. Allan Nobleza ang insidente na nagresulta sa pagkasawi nila Pvt. Marvin Dumaguing, Pvt. Jessie James Corpuz, Pfc. Carl Araña at Cpl. Creszaldy Espertero. Magkasama sa isang sasakyan ang apat na mga sundalo, kasama ang iba pang mga ka-tropa sa 40th IB na sakop ng 6th ID, patungo sa kanilang company command post ng sila ay tambangan ng mga teroristang Dawlah Islamiya na nakaabang sa gilid ng kalye sa isang liblib na bahagi ng Barangay Tuayan sa Datu Hoffer. Agad na tumakas ang mga nag-ambush sa mga biktima ng mapansin na may papalapit sa kanila na police at mga sundalo na nag-responde sa insidente. Ayon sa mga residente ng Datu Hoffer, posibleng ganti ng mga terorista ang pag-ambush sa Barangay Tuayan sa pagkapatay ng mga sundalo ng 11 na mga miyembro ng Dawlah Islamiya sa isang engkwentro nito lang November 2023 sa isang bulubunduking lugar sa naturang barangay. (March 17, 2024)

