Author: Kurt Michael Culpa

  • Suspect sa panggagahasa mula pa 2015, arestado

    Suspect sa panggagahasa mula pa 2015, arestado

    Isang wanted mula pa 2015 sa kasong panggagahasa sa Iligan City ang natunton ng mga pulis sa Barangay San Isidro sa Siay, Zamboanga Sibugay nitong Lunes, March 4, 2024.Sa ulat nitong Martes ng Zamboanga Sibugay Provincial Police Office at ng Police Regional Office-9, ang 44-anyos na si Edmundo Magsayo Balala ay natagpuan, sa tulong ng mga impormante, sa Sitio Carbon sa Barangay San Isidro ng magkasanib na mga operatiba ng pulisya sa mga bayan ng Kabasalan at Siay at mga kasapi ng Regional Mobile Force Battalion 9 na sakop ng PRO 9.Hindi na pumalag si Magsayo ng pakitaan ng warrant of arrest para sa kasong rape at walang piyansang itinakda para sa kanyang pansamantalang paglaya na mula sa Regional Trial Court Branch 2 sa Iligan City, may lagda ni Judge Anisa Amanodin Umpa at may petsang January 30, 2015.Nakatakda ng ihahatid sa Iligan City si Balala upang doon na ikulong at lilitisan sa kasong rape na naisampa laban sa kanya pitong taon na ang nakakalipas. (March 5, 2024)

  • Misteryosong pagkamatay?

    Misteryosong pagkamatay?

    Wala pang linaw sa pulisya kung paano namatay ang isang motoristang sundalo na natagpuang nakahandusay sa gilid ng highway malapit sa kanyang motorsiklo sa Barangay Baloybuan sa Pagadian City nitong Linggo, March 3, 2024.Sa mga hiwalay na ulat nitong Martes ng Pagadian City Police Office at ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office, galing sa lamay ng isang namatay na kapwa sundalo si Army Corporal Erlito Guinalaran Pacaña at pauwi na sa kanilang detachment sa isang lugar sa naturang lungsod bago natagpuan ang kanyang bangkay sa tabi ng sementong bakod sa gilid ng highway.Sa pahayag ng mga saksi at mga barangay officials sa Baloybuan walang indikasyon na siya ay binaril, o pinalo ng kung ano mang matigas bagay na nagsanhi sa kanyang kamatayan. Ang kanyang bangkay ay mga tatlong metro ang layo sa kanyang motorsiklo.Inaantabayan pa ang ulat ng pulisya sa resulta ng medico-legal examination na isinagawa sa kanyang bangkay na nasa kustodiya na ng Army unit na kanyang kinabibilangan. (March 5, 2024)

  • LGU worker, kasabwat nakunan ng P6.8-M halaga ng shabu

    LGU worker, kasabwat nakunan ng P6.8-M halaga ng shabu

    Nasamsam ng mga pulis ang P6.8 million na halaga ng shabu sa isang empleyado ng local government unit at isang kasabwat na nalambat sa Barangay Bancasi sa Butuan City nitong gabi ng Lunes, March 4, 2024.Nakakulong na ang mga suspects na sina Junry Simplicio Montilla, 44-anyos, collector aide ng Office of the City Economic Enterprise ng Butuan City LGU, at ang kanyang 47-anyos na kasamang si Ronnie Nano Simplicio.Si Montilla ay residente ng Barangay Diego Silang sa Butuan City habang si Simplicio naman ay taga Barangay Santa Fe sa bayan ng Esperanza sa Agusan del Sur. Silang dalawa ay magkamag-anak, ayon sa mga opisyal ng Police Regional Office-13.Sa ulat nitong Martes ni Brig. Gen. Kirby John Kraft, director ng PRO-13, hindi na pumalag ang dalawa ng arestuhin matapos magbenta ng mahigit isang kilong shabu sa mga hiwalay na sisidlan, nagkakahalaga ng P6.8 million, sa mga operatiba ng Butuan City Police at ng mga intelligence at anti-narcotics agents ng regional police sa Purok 1, Barangay Bancasi pasado 6:00 ng gabi nitong Lunes. Suportado ng Philippine Drug Enforcement Agency 13 ang entrapment operation na nag-resulta sa pagkaka-aresto kina Montilla at Simplicio at pagkaka-samsam mula sa kanila ng shabu na gagamiting ebidensya sa pagsampa sa kanila ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (March 4, 2024)

  • Menor-de-edad na ina, sanggol, patay sa sunoh Jamindang Dumiande and

    Menor-de-edad na ina, sanggol, patay sa sunoh Jamindang Dumiande and

    Patay ang isang menor-de-edad na ina at bagong silang niyang sanggol na natupok kasabay ng pagkasunog ng kanilang dampa sa Barangay Sicayab sa Dipolog City nitong madaling araw nitong Linggo. Sa hiwalay na ulat nitong Lunes ng Dipolog City Police Office at ng mga opisyal ng Bureau of Fire Protection na naka-base sa lungsod, sunog na sunog ang mga katawan ng 16-anyos na si Lyza Jamindang Dumiande at ang kanyang sanggol na anim na araw pa lang mula ng isinilang ng maganap ang insidente. Mangingisda ang live-in partner ni Dumiande, si Bernabe Cadano, 20-anyos, na nasa dagat ng maganap ang sunog. Yari lang sa semi-permanent materials tirahan ng mga biktima sa isang mataas na lugar sa Purok Tipo sa Barangay Sicayab, isang liblib na pook sa Dapitan City. Magkatuwang na inaalam pa ng mga barangay officials, ng mga imbestigador ng BFP at ng lokal na pulisya kung ano ang dahilan ng sunog na tumupok sa tahanan ng mga biktima at nagsanhi sa kanilang kamatayan. — MARCH 4, 2024, HANDOUT PHOTO

  • Motorista nakabundol ng tricyle, tekpok

    Motorista nakabundol ng tricyle, tekpok

    Patay on the spot ang 27-anyos na motoristang si Joniel Espartero ng kanyang mabundol ang isang tricycle na kanyang sinusundan sa isang bahagi ng highway sa Barangay Cannery sa Polomolok, South Cotabato nitong gabi ng Linggo, March 3, 2024.Sa lakas ng pagkakabangga ni Espartero sa tricycle, tumilapon siya papasok dito at doon na nalagutan ng hininga.Hindi pa matiyak ng mga imbestigador ng Polomolok Municipal Police Station kung siya ba ay posibleng lasing ng maganap ang aksidente. (March 4, 2024, HANDOUT PHOTO)

  • 2 suspect sa panggagahasa, kulongna

    2 suspect sa panggagahasa, kulongna

    Nasampahan na ng kasong panggagahasa ang dalawang itinurong nag-molestiya isang 17-anyos na Grade 12 student na isang disk jockey, DJ ng isang FM radio station sa Carcar City sa Cebu isang linggo pa lang ang nakakalipas.Ang dalawang rape suspects, sina Prestine Jay Tampus, 28-anyos, at ang kasabwat nitong si Chandie Deza Canadalla, 24-anyos, ay parehong mga empleyado ng isang bangko sa naturang lungsod.Halinhinan nilang ginahasa ang 17-anyos na babaeng biktima sa loob mismo ng bangko na kanilang pinapasukan isang araw na sarado ito, ayon sa ulat ng lokal na pulisya. (March 4, 2024)

  • Opisyal ng Cotabato City disaster response officer pinatay

    Opisyal ng Cotabato City disaster response officer pinatay

    Patay sa ambush ang isang mataas na kawani ng Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa panibagong kaso ng pamamaril dito sa lungsod nitong gabi ng Biyernes, March 1, 2024.Agad na nasawi sa mga tama ng bala ang 42-anyos na biktima, si Jose Raymond Marquez, mas kilala sa kanyang palayaw na Choco, ng tambangan ng hindi pa mga kilalang salarin sa isang mataong bahagi ng Sinsuat Avenue sa Cotabato City, sa tapat mismo ng isang gasoline station na hindi kalayuan sa kanilang tirahan.Si Marquez, na nagmumula sa mga kilalang mga naunang mga angkan ng mga Katoliko sa Cotabato City, ang mga Ante at Marquez, ang siyang chief of operations ng CDRRMO ng lungsod. Siya ay apo ng namayapa ng pari na si Jose Ante ng Oblates of Mary Immaculate congregation na naging presidente ng Notre Dame University sa Cotabato City, ang pinakamalaking unibersidad na Katoliko sa buong Central Mindanao. Wala pang linaw sa mga imbestigador ng Cotabato City Police Office kung sino ang mga pumatay kay Marquez at kung ang ano ang kanilang motibo sa pagsagawa ng naturang krimen. (March 1, 2024)

  • Dalawa patay sa ambush

    Dalawa patay sa ambush

    Dalawang lalaki ang patay on the spot sa ambush nitong hapon ng Huwebes, February 29, 2024, sa isang liblib na pook sa Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao del Sur.Sakay ng isang kulay blue na multicab ang dalawa ng paputukan ng mga armadong nakaabang sa gilid ng kalye, nagsanhi ng kanilang agarang kamatayan.Ang isa sa mga biktima ay nakilala na, si Rashid Lumangal, na isa diumanong residente ng Upi, isang bayan sa Maguindanao del Norte. (March 1, 2024, Handout Facebook Photo)

  • Magnanakaw ng motorsiklo, tepok sa mga pulis

    Magnanakaw ng motorsiklo, tepok sa mga pulis

    Agad na nasawi sa mga tama ng bala ang isa diumanong notoryus na magnanakaw ng mga motorsiklo sa Kidapawan City ng nanlaban sa mga pulis na humabol sa kanya ilang minuto lang bago nakapagnakaw muli sa isang barangay sa naturang lungsod nitong gabi ng Biyernes, February 23, 2024.Tangkang kakausapin sana ng mga kasapi ng Kidapawan City Police Office ang suspect, si Winston Alamada, ng masukol sa Barangay Kalaisan dala ang isang nakaw na motor ngunit bumunot ito ng baril kaya nagkapalitan ng putok na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan.Naibalik naman agad ang ninakaw niyang motorsiklong pag-aari ni Ruel Quiamco, isang kagawad sa Barangay Kalaisan sa Kidapawan City.Matagal ng minamanmanan ng lokal na pulisya si Alamada dahil diumano sa pagkakasangkot nito sa mga serye ng nakawan ng mga motorsiklo sa Kidapawan City at ilang mga bayan sa Cotabato province. (February 24, 2024)

  • 5 teroristang NPA, pulis patay sa engkwentro

    5 teroristang NPA, pulis patay sa engkwentro

    Umani ng papuri at mga hiling ng kanyang kapayapaan mula sa mga kakilala, kamag-anak at kasama sa pulisya si Patrolman Gilbert Amper na nasawi sa engkwentro sa mga teroristang New People’s Army sa Purok 2, Barangay Campagao, sa Bilar, Bohol nitong Biyernes, February 23, 2024.Napatay ng grupo nila Patrolman Amper sa naturang engkwentro ang notoryus na NPA leader na si Domingo Compoc, wanted sa ibat-ibang mga korte sa Bohol sa mga kasong multiple murder, extortion, pagnanakaw ng mga alagang hayop ng mga mahihirap na magsasaka, at panggugulo ng mga walang laban na mga residente ng mga liblib na barangay na ayaw magbigay sa kanila ng pera at pagkain.Apat pa na mga kasama ni Compoc ang kinumpirma ng mga opisyal ng Bohol provincial police na napatay din ng nasawing sinaPatrolman Amper at mga kasama sa naturang engkwentro. (FEBRUARY 24, 2024, HANDOUT PHOTO)