Isang lalaki, ang 49-anyos na si Daggie Ottoh Araneta, pinagtataga hanggang sa mamatay sa 3rd street ng Lopez Subdivision sa Upper Calarian, Zamboanga City nitong Huwebes, March 28, 2024. (March 29, 2024, handout photo)
Author: Kurt Michael Culpa
-

Malawak na grassfire sa General Santos City
Isang malawak na bahagi ng natuyong damuhan sa Fatima area, hindi kalayuan sa General Santos City Airport, ang tinupok ng apoy nitong hapon ng Huwebes, March 28, 2024.Naging tigang ang masukal na mga damuhan sa naturang lugar sanhi ng kawalan ng ulan mula pa itong February.Marami ng mga grasslands sa mga probinsya ng Cotabato at Sultan Kudarat sa Central Mindanao at sa Zamboanga City ang nasunog nitong nakalipas lang na dalawang linggo. (March 28, 2024, handout photo)
-

Motorista patay sa ambush sa Zamboanga del Sur
Patay sa mga tama ng bala ang isang motoristang na-ambush nitong umaga ng Miyerkules, March 27, 2024, sa Barangay Lulutan sa Dimataling, Zamboanga del Sur.Agad na pumanaw ang biktima, si Marjun Villabeles, ng mga tama ng bala na kanyang tinamo sa naturang pananambang. (March 27, 2024, Handout Photo)
-

Tricycle driver patay, 2 pasahero sugatan sa aksidente
Patay ang isang tricycle driver at malubhang nasugatan ang kanyang dalawang pasahero ng mabangga ng isang 10-wheeler truck sa Barangay Camalig sa Dumalinao, Zamboanga del Sur nitong gabi ng Martes, March 26, 2024.Ninakawan pa ng mga taong unang nakakita sa naganap na aksidente ng kanyang cash collections ang driver ng tricycle na nasawi sa aksidente, ayon sa ulat ng mga barangay officials.Kusang loob na nagpakustodiya na sa Dumalinao Municipal Police Station ang driver ng truck na nasangkot sa aksidente. (March 27, 2024)
-

Ilog sa Tampakan, South Cotabato nilinis ng mga residente
Abot sa halos isang toneladang mga basura ang nakolekta mula sa mga bahagi ng Altayan River sa Tampakan, South Cotabato ng mga residente at mga kawani ng isang mining company kaugnay ng kanilang magkatuwang na programang pagpapanatili ng kalinisan ng mga ilog at mga batis sa naturang bayan. Sa ulat ng mga himpilan ng mga radyo sa Central Mindanao nitong Miyerkules, kinumpirma ng mga lokal na opisyal ng Tampakan, kabilang sa kanila ang Blaan tribal leader na si Domingo Collado, Indigenous Peoples Mandatory Representative sa kanilang Sangguniang Bayan, na nagtulungan nitong Sabado, March 23, sa paglilinis ng Altayan River ang mga residente ng Barangay Liberty at mga empleyado ng Sagittarius Mines Incorporated, o SMI. Ang mga basurang naipon sa Altayan River ay mula sa mga tirahan ng mga residente sa mga kabundukan sa paligid, ayon sa mga barangay officials ng Liberty, isa sa mga barangay na sakop ng Tampakan. Ayon kay Collado, suportado ng tribong Blaan ang mga environment-protection programs ng mga lokal na komunidad at ng SMI, na may pahintulot mula sa Malacañang na magmina ng copper at gold sa Tampakan na posibleng pasisimulan sa susunod na taon. Bagama’t hindi pa nakakapag-mina ng copper at gold ang SMI sa Tampakan, malawak na ang mga joint environment-protection programs nito ng mga residente ng lahat ng barangay sa naturang bayan, ayon sa mga hiwalay na pahayag sa mga himpilan ng radyo ng mga Blaan tribal leaders at mga municipal officials. (March 27, 2024)
-

Panibagong insidente ng ambush sa Cotabato City
Dalawa ng sugatan, sina Mohammad Mohaimin Abdullah, at si Beverly Namla, sa ambush sa mataong Sinsuat Avenue sa Cotabato City bandang 11:00 p.m. nitong Lunes, March 25, 2024.Sakay ng isang puti na kotseng Suzuki Swift ang dalawa ng tambangan ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo na nakabuntot sa kanila Ilang beses na pinaputukan ang kanilang sasakyan at masuwerte namang hindi malubha ang kanilang mga tama ng bala na tinamo sanhi ng naturang ambush.Sa pahayag ng Cotabato City Police Office nitong umaga ng Martes, mabilis na nakatakas ang mga nag-ambush kina Abdullah at Namla. (March 26, 2024)
-

UPDATE: 13 pasahero ng van, tupok sa highway accident
Trese na sakay ng pampasaherong van ang nasunog ng buhay ng mabangga ang kanilang sasakyan ng isang dump truck, gumulong ng ilang beses at lumiyab sa kakaibang aksidente sa Barangay Luhong sa Antipas nitong Lunes, March 25, 2024. Sa inisyal na ulat nitong Lunes ng hapon, kinumpirma ni Cotabato provincial police director Col. Gilbert Balneg Tuzon ang pagkasawi ng limang pasahero ng van na nasangkot sa aksidente. Gumulong din ang dumptruck at nahiga ng patagilid sa lakas ng pagkakabangga nito sa passenger van at nagliyab, ayon sa mga imbestigador ng Antipas Municipal Police Station at mga kawani ng Antipas Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na nag-responde sa insidente. Ayon kay Tuzon, inaalam pa ng mga taga local government unit ng Antipas at ng mga imbestigador ng Antipas MPS ang mga pangalan ng lahat ng pasahero ng van na nasunog ng buhay sanhi ng aksidente. Lima pa lang sa kanila ang nakilala sa kanila, sina Nonoy Bunda, Ryse Vince Lopez, Coco Pojas, Kimberly Shane Armada at Jenivive Vincente, ayon kay Tuzon. (March 25, 2024)
-

5 pasahero ng van, tupok sa highway accident
Limang sakay ng pampasaherong van ang nasunog ng buhay ng mabangga ang kanilang sasakyan ng isang dump truck, gumulong ng ilang beses at lumiyad sa kakaibang aksidente sa Barangay Luhong sa Antipas nitong Lunes, March 25, 2024.Sa inisyal na ulat nitong Lunes ng hapon, kinumpirma ni Cotabato provincial police director Col. Gilbert Balneg Tuzon ang pagkasawi ng limang pasahero ng van na sangkot sa aksidente.Gumulong din ang dumptruck at nahiga ng patagilid sa lakas ng pagkakabangga nito sa passenger van, ayon sa mga imbestigador ng Antipas Municipal Police Station at mga kawani ng Antipas Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na nag-responde sa insidente. Ayon kay Tuzon, inaalam pa ng mga taga local government unit at ng mga imbestigador ng Antipas MPS ang mga pangalan ng limang pasahero ng van na nasunog ng buhay sanhi ng aksidente.Iniimbestigahan din ng pulisya kung sino ang may sala sa naturang kakaibang aksidente. (March 25, 2024)
-

Nagnakaw ng manok, tepok sa mga pulis
Isang magnanakaw ng manok ang napatay ng mga pulis sa Barangay Wangan sa Calinan District sa Davao City nitong Sabado, March 23, 2024.Sa ulat ng Davao City Police Office, napilitang makipagpalitan ng putok ang mga pulis na nag-responde sa naturang insidente ng bumunot ng baril ang suspect na kanilang hinahabol batay sa sumbong ng mga residente na nakapansin ng ginawang pagnakaw nito ng mga manok na pansabong sa isang lugar sa Barangay Wangan.Marami ng ninakawan ng mga manok sa naturang barangay bago pa man napatay ng mga pulis ang isang suspect na maagap na nadiskubre ng mga residente ang ginawang krimen nitong madaling araw ng Sabado. (March 25, 2024, handout photo)
-

Babae binaril sa ulo, patay
Agad na pumanaw sa tama ng bala ang isang babae na nabaril ng hindi pa nakikilalang salarin sa mataong bahagi ng Corrales Extension sa Cagayan de Oro City nitong gabi ng Linggo, March 24, 2024.Wala pang inilabas na opisyal na detalye ang pulisya hinggil sa insidente. (March 25, 2024, handout Facebook photo)

