16-anyos na estudyante, napatay sa barangay na may mga sundalong na ambush

Isang 16 anyos na lalaki, si Abdulrahman Esmail, nag-aaral ng Islamic religion, o isang hafidz sa wikang Arabic, ang natagpuang patay nitong Lunes sa Datu Hoffer sa Maguindanao del Sur, malapit sa kung saan may napaslang sa isang ambush na apat na sundalo.Ipinaabot ng ama ni Esmail na si Salahuddin nitong Miyerkules sa ilang mga reporters na natagpuang wala ng buhay ito at nakitaan ng mga senyales na pinahirapan muna bago binaril sa dibdib na nagsanhi ng kanyang kamatayan.Unang natagpuan ng barangay officials ang bangkay ni Esmail sa isang liblib na bahagi ng Barangay Tuayan sa Datu Hoffer, kung saan may apat na sundalo, sina Pvt. Marvin Dumaguing, Pvt. Jessie James Corpuz, Pfc. Carl Araña at Cpl. Creszaldy Espertero ng mga unit na sakop ng 6th Infantry Division, ang napatay sa pananambang ng mga magkasanib ng mga kasapi ng mga teroristang grupong Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.Huling nakita diumanong naharang ang menor-de-edad na Islamic theology student na si Esmail na sakay ng isang motorsiklo at sinita ng mga sundalo na nag-checkpoint sa Barangay Tuayan, ngunit wala pang pahayag ang 40th Infantry Battalion na sakop ang naturang barangay at ang Datu Hoffer Municipal Police Station hinggil dito na iginigiit ng pamilya ng biktima. (March 20, 2024)