Chief of staff ng Armed Forces of the Philippines, Army Lt. Gen. Romeo Brawner, Jr., nakiramay sa mga pamilya ng apat na sundalong napatay sa ambush ng mga terorista nitong Linggo, March 17, 2024, sa Barangay Tuayan 1, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur.Ang mga labi ng apat na sundalo, sina Private Marvin H. Dumaguing, Pvt. Jessie James D. Corpuz, Private 1st Class Carl C. Araña at Corporal Creszaldy S. Espertero, kasapi ng mga unit na sakop ng 6th Infantry Division, ay nakaburol sa chapel ng 6th ID sa Camp Siongco sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.Dumalaw sa kanilang burol si Brawner nitong Martes, March 19, 2024, isang araw bago personal din na nakiramay din sa mga pamilya ng mga biktima si Vice President Sara Duterte.Kinumpirma na ng mga local officials sa mga bayan ng Datu Hoffer, Shariff Aguak, at Ampatuan sa Maguindanao del Sur, at mga impormante mula sa ibat-ibang mga paaralan sa probinsya na magkasanib na mga miyembro ng Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang nag-ambush sa apat na sundalo na nagsanhi sa kanilang agarang kamatayan. (March 20, 2024)
AFF chief of staff dumalaw sa burol ng 4 sundalong na-ambush

