Author: Kurt Michael Culpa

  • Tricycle driver sa Koronadal City binaril, patay

    Tricycle driver sa Koronadal City binaril, patay

    Agad na namatay sa mga tama ng bala ang tricycle driver na si Ruben Tigkanatan, 25-anyos, pinagbabaril ng mga lalaking sakay ng motorsiklo ngayong umaga ng Martes, April 2, 2024, sa Purok La Trinidad sa Barangay Zone 1 sa Koronadal City, South Cotabato.Nagsasagawa pa ng imbestigasyon hinggil sa insidente ang lokal na pulisya. (April 2, 2024)

  • Ambush sa Pagalungan Maguindanao

    Ambush sa Pagalungan Maguindanao

    Isang lalaking nagmamaneho ng kotse ang biktima ng ambush sa isang bahagi ng highway sa Barangay Galakit sa Pagalungan, Maguindanao del Sur ngayong umaga ng Martes, April 2, 2024. Abangan ang dagdag pang detalye dito.

  • Police captain napatay ng sinita na armado

    Police captain napatay ng sinita na armado

    Napatay ang isang police captain ng kanyang sinita na isang lalaking napuna niyang may sukbit na baril sa baywang habang naglalakad sa isang palengke sa Parang, Maguindanao del Norte nitong umaga ng Huwebes, May 2, 2024. Ang biktima, si Captain Roland Moralde ng 14th Mobile Force Battalion ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) ay hindi na umabot ng buhay sa pagamutan kung saan siya dinala ng mga emergency responders para malapatan sana ng lunas.Napatay naman ang bumaril kay Moralde, si Mohiden Ramalan Untal, ng mga nagrespondeng pulis ng nanlaban habang sinubukan nilang pasukuin ng maayos. Sa inisyal na pahayag ni Major Christopher Cabugwang, Parang municipal police chief, agad na pumanaw si Moralde sa mga tama ng bala sa katawan at sa ulo. Ayon sa mga saksi, may sadya lang sa palengke sa Barangay Poblacion ng Parang si Moralde ng kanyang napansin na may baril sa baywang si Untal sa hindi kalayuan kaya niya ito nilapitan at sinita mag-isa. Bagama’t una siyang nabaril ng ilang beses, nakaganti ng putok si Moralde na nagsanhi sa bahagyang pagkasugat ni Untal, kaya duguan na ito ng tumakbo palayo hanggang inabutan at napatay ng mga kasapi ng Parang Municipal Police Station. Ang pinangyarihan ng insidente ay mahigit isang kilometro lang ang layo mula sa Camp SK Pendatun kung saan naroon ang headquarters ng PRO-BAR. (May 2, 2024)

  • P21 million halaga ng imported na sigarilyo nasamsam sa Sarangan

    P21 million halaga ng imported na sigarilyo nasamsam sa Sarangan

    iNasamsam ng mga pulis ang abot sa P21 million na halaga ng sigarilyong mula sa Indonesia sa isang anti-smuggling operation sa Glan, Sarangani nitong Sabado, March 30, 2024,Kinumpirma ni Region 12 police director Brig. Gen. Percival Augustus Placer nitong Lunes ang pagkakasabat ng naturang kontrabando sa Tampat Point sa Batulaki sa bayan ng Glan, lulan ng isang sasakyang pandagat mula sa Tongkil Island sa probinsya ng Sulu sa Bangsamoro region.Kinumpiska din ng mga operatiba ng ibat-ibang unit ng PRO-12 na nagsagawa ng naturang anti-smuggling operation ang lantsang pinagkargahan ng 1,075 na mga kahon ng sigarilyong gawa sa Indonesia.Ayon kay Placer, maagap na nasabat ang naturang mga imported na sigarilyo, ihahatid sana sa mga buyers sa ibat-ibang bayan sa Sarangani, dahil sa mga ulat ng local executives sa probinsya.Nakatakda ng ipa-kustodiya ng PRO-12 ang naturang mga imported na sigarilyo sa Bureau of Customs, ayon kay Placer. (APRIL 1, 2024)

  • SA LAMITAN CITY

    SA LAMITAN CITY

    Mga damo at puno sa masukal na lugar sa gilid ng highway sa Barangay Sengal Mabini sa Lamitan City, Basilan nasunog nitong hapon ng Linggo, March 31, 2024.Maagap namang napigil ng mga emergency responders ng Lamitan City local government at ng mga kasapi ng Bureau of Fire Protection ang paglawak ng sunog at pagkakalat nito sa iba pang mga lugar na tuyo na ang mga damo sanhi ng kawalan ng ulan mula pa nitong February 2024. (March 31, 2024)

  • Aksidente sa Lanao del Sur

    Aksidente sa Lanao del Sur

    Pick-up truck nakabundol ng poste ng Lanao del Sur Electric Cooperative sa crossing, o intersection ng mga highway sa mga bayan ng Pualas at Binidayan sa probinsya ng Lanao del Sur sa Bangsamoro region.Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan ng malubha sa insidente. Posible diumanong nakatulog ang driver ng pick-up truck kaya ito lumihis at nabundol ang isang poste sa gilid ng highway. (March 30, 2024, handout Facebook photo)

  • ALAMIN: Mga duling inopera ng libre, hindi na duling

    ALAMIN: Mga duling inopera ng libre, hindi na duling

    Abot sa 36 na mga mahihirap na mga pasyenteng Muslim, mga Christian at mga indigenous people na may mga problema sa mata, ilan sa kanila “duling” ang inoperahan ng libre ng eye specialist na kasapi ng Bangsamoro parliament sa panibagong mga serye ng outreach missions na nagtapos nitong Miyerkules, March 29, 2024.Ang naturang humanitarian mission ay isinagawa ni Bangsamoro Parliament Member Kadil Monera Sinolinding, Jr., nagpakabihasa sa pagka ophthalmologist sa India, at ng mga kawani ng Deseret Ambulatory Referral Center sa bayan ng Kabacan sa Cotabato province.Abot na sa 2,983 ang mga mahihirap na residente ng Bangsamoro region at ng 63 na Bangsamoro barangays sa probinsya ng Cotabato sa Region 12 na may problema sa mata at paningin ang nagamot ng libre ng humanitarian team nila Sinolinding mula noong siya ay itinalagang kasapi ng regional parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ni President Ferdinand Marcos noong 2022. Si Chief Minister Ahod Ebrahim ng Bangsamoro Autonomous Region ay sumusuporta sa eye care programs ni Sinolinding para sa mga mahihirap.Isa sa mga pasyenteng duling na inayos ni Sinolinding ang mata sa pamamagitan ng operasyon nito lang Miyerkules ay ang mahirap na magsasakang si Bernie Garde, 49-anyos, na taga President Roxas, isang liblib na bayan sa Cotabato. Hindi na duling si Garde bilang resulta ng operasyong ginawa ni Sinolinding. (March 30, 2024)

  • Matandang kaugalian, lumang-lumang paniniwala

    Matandang kaugalian, lumang-lumang paniniwala

    Maraming mga taga probinsya ng Quezon at Laguna ang naniniwala na ang pagpapaligo tuwing Semana Santa, o Holy Week sa English, sa tinataguriang banal na Sta. Lucia Falls sa Mount Banahaw sa boundary ng naturang dalawang probinsya sa Luzon ay naglilinis ng mga kasalanan at gamot sa mga ibat-ibang mga sakit sa katawan. (March 29, 2024, handout photo)

  • Magandang klima

    Magandang klima

    Maganda ang klima ngayong umaga sa Barangay Prosperidad sa San Carlos City sa Negros Occidental ngayon umaga ng Biyernes Santo, March 29, 2024. (Handout photo)

  • Aksidente sa Columbio, Sultan Kudarat

    Aksidente sa Columbio, Sultan Kudarat

    Maagap na na-respondehan ng mga kawani ng Columbio Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang isang aksidente sa Barangay Maligaya sa Columbio, Sultan Kudarat nitong gabi ng Huwebes, March 28, 2024, at agad na naisugod sa hospital ang motoristang sangkot dito.Ang motoristang na-aksidente na ngayon ay nasa isang pagamutan na ay residente ng Barangay Sinapulan, Columbio, ayon sa Columbio MDRRMC. (March 29, 2024, handout photo)