Author: Kurt Michael Culpa

  • Senior citizen natagpuang patay sa tabing dagat

    Senior citizen natagpuang patay sa tabing dagat

    Wala ng buhay ng natagpuan ng mga residente ng Basay, Negros Oriental sa isang barangay na tabing dagat sa naturang bayan nitong umaga ng Miyerkules ang isang lalaking senior citizen na inaalam pa ng pulisya kung sino. (April 10, 2024, Facebook image)

  • Eid’l Fit’r prayers in Mindanao peaceful

    Eid’l Fit’r prayers in Mindanao peaceful

    The outdoor congregational Eid’l Fit’r gatherings of Muslims in Mindanao on Wednesday morning, April 10, 2024, were peaceful, police and military officials said.The Eid’l Fi’tr worship rites marked the end of the month-long observance by Muslims of the Ramadhan, where they abstain from food and drinks at daytime for one lunar cycle, or about 28 days, as form of sacrifice and religious obligation.Brig. Gen. Prexy D. Tanggawohn, director of the Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, announced on Wednesday, after the Eid’l Fit’r religious gatherings, that no untoward incident marred any of the simultaneous religious events in all six provinces and three cities under his jurisdiction.The Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao covers Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, Lanao del Sur, Basilan, Sulu and Tawi-Tawi and the cities of Lamitan, Marawi and Cotabato. (April 10, 2024)

  • UPDATE

    UPDATE

    Labis na antok ang siyang dahilan kaya nawalan ng control ang driver ng isang pick-up truck, si Jamel Wanday Langalac, at at nasapol ng kanyang sasakyan ang kotse ni Apipah Arumpac na nakaparada sa gilid ng highway sa Barangay Gang sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Martes, April 9, 2024.Ito ay ayon sa inisyal na ulat ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, inilabas isang oras matapos mag-responde sa insidente ang mga operatiba nito, sa utos ng kanilang hepe, si Lt. Col. Esmael Madin.Wala namang naiulat na nasaktan ng malubha o nasawi sa insidente, ayon sa Sultan Kudarat police. Si Langalac ay isang government official, taga Matanog, Maguindanao del Norte, habang si Arumpac naman ay residente ng Barangay Gang sa Sultan Kudarat at isa diumanong public school principal. (April 10, 2024)

  • Aksidente sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte

    Aksidente sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte

    Nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan ang driver at ilang sakay ng isang sasakyang bumaliktad sa isang bahagi ng highway sa Barangay Gang sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte ngayong hapon ng Martes, April 9, 2024.Inaantabayanan pa ang ulat ng Sultan Kudarat Municipal Police Station hinggil sa insidente. (April 9, 2024)

  • Isang drug dealer na taga Cotabato City ang nakumpiskahan ng P34 million na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa Malabang, Lanao del Sur nitong Gabi ng Lunes, April 8, 2024

    Isang drug dealer na taga Cotabato City ang nakumpiskahan ng P34 million na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa Malabang, Lanao del Sur nitong Gabi ng Lunes, April 8, 2024

    Kinumpirma nitong gabi ng Lunes ni Gil Cesario Castro, director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, na nasa kustodiya na nila ang nalambat na drug dealer, si Zacaria Jaji Nandang, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.Agad na inaresto ng mga kasapi ng PDEA-BARMM at mga operatiba ng ibat-ibang unit ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region si Nandang matapos magbenta sa kanila ng limang kilong shabu, nagkakahalaga ng P34 million, sa isang lugar sa Barangay Matalin sa Malabang sa Lanao del Sur.Si Nandang, residente ng Barangay Bagua 2 sa Cotabato City, ay matagal na diumanong minamanmanan ng PDEA-BARMM at mga intelligence units ng PRO-BAR at ng Cotabato City Police Office dahil sa kanyang malakihang pagbebenta ng shabu sa lunsod at mga karatig bayan sa mga probinsya ng Maguindanao del Norte at Lanao del Sur, parehong sakop ng Bangsamoro region, at sa Cotabato sa Region 12.Ayon ay Castro, na-entrap sa Malabang si Nandang sa tulong ng mga impormanteng alam ang kanyang illegal na gawain. (APRIL 9, 2024)

  • Ombudsman ibinasura kaso laban sa popular na Blaan leader

    Ombudsman ibinasura kaso laban sa popular na Blaan leader

    Masaya ang tribong Blaan at T’boli sa South Cotabato sa pagpapawalang sala ng Ombudsman sa isang popular na tribal leader sa probinsya sa mga paratang na katiwalian ng ilang nais siyang mapalitan ng kanilang mga gustong maging representatibo sa municipal council sa kanilang bayan.Sa ulat ng ibat-ibang himpilan ng radyo sa Central Mindanao nitong Lunes, inilabas nitong February 26, 2024 ng Ombudsman ang desisyong walang katotohanan ang mga akusasyong corruption na ihinain laban kay Domingo Collado ng ilang mga Blaan na may kanya-kanyang nais na pumalit sa kanya bilang Indigenous Peoples Mandatory Representative sa Sangguniang Bayan ng Tampakan sa South Cotabato.May mga kanya-kanyang nais na ipalit kay Collado sa pagiging appointed na IPMR ang mga naghain ng kung ano-anong reklamong katiwalian kaugnay diumano ng kanyang paghawak ng pondo para sa 2019 indigenous communities festival sa kanilang bayan, na ibinasura ng Ombudsman sa pamamagitan ng resolution ni Graft Investigation and Prosecution Officer Jay Visto, ng napatunayang walang katotohanan, lahat gawa-gawa lang.Nagpahayag sa mga reporters sa Central Mindanao ng kagalakan ang mga Blaan at T’boli tribal leaders sa South Cotabato at sa mga bayan sa probinsya ng Sultan Kudarat at Sarangani, kabilang sa kanila si T’boli chieftain Edmund Ugal at at ilang mga Teduray timuay sa Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte, sa pagpawalang sala ng Ombudsman kay Collado. (APRIL 8, 2024)

  • Mga taga Asuncion, Davao del Norte tumanggap ng Emergency Cash Transfer mula DSWD

    Mga taga Asuncion, Davao del Norte tumanggap ng Emergency Cash Transfer mula DSWD

    Mismong si Assistant Secretary for the Disaster Response Management Group Irene Dumlao ng Department of Social Welfare ang namuno sa pamamahagi ng Emergency Cash Transfer, o ECT, sa mga residente ng Asuncion sa probinsya ng Davao del Norte nitong nakalipas na Biyernes, May 3, 2024.Ito ay ayon sa mga Social Media reports ng provincial office ng DSWD sa Davao del Norte at regional office ng ahensya sa Region 11, na may kalakip pang mga larawan.Ayon sa DSWD, and ECT program ay isang immediate disaster relief at humanitarian na ayuda para sa mga nangangailangang mga Pilipino, katulad ng mga pamilyang labis na naghihirap ngayon dahil nasira ang mga pananim sanhi ng kawalan ng ulan na dulot ng El-Niño phenomenon. (May 7, 2024, handout DSWD photos)

  • Hinoldap na, pinatay pa

    Hinoldap na, pinatay pa

    Napatay sa pamamaril ng mga holdaper ang isang mahirap na magsasaka matapos agawan ng kanyang inutang na P50,000 na gagamitin sana sa pagpapagamot ng kanyang anak na may malubhang karamdaman.Naganap ang insidente sa bayan ng Matalam sa Cotabato nitong Martes, April 2, 2024. Kinuha pa ng mga holdaper ang motorsiklong pag-aari ng biktima.Sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima, pauwi sana sa Mlang, Cotabato ng harangin ng mga holdaper sa Purok 5, Barangay Lampayan sa Matalam, inagawan ng pera at pinagbabaril na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan. (APRIL 3, 2024)

  • Negosyante patay sa ambush sa Maguindanao del Sur

    Negosyante patay sa ambush sa Maguindanao del Sur

    Agad na nasawi isang malakihang dealer ng mga prutas sa ambush sa Pagalungan, Maguindanao del Sur nitong Martes ng umaga. Sa mga hiwalay na ulat nitong Lunes ng tanghali ng Pagalungan Municipal Police Station at ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office, sakay ang napaslang na etnikong Maguindanaon na si Dong Kusay Balabadan, 40-anyos, at ang 38-anyos niyang kabiyak na si Noraina ng kanilang kotse ng tambangan ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Galakit. Dahil sa mga tama ng bala, nawalan ng control si Balabadan ng kanyang minamanehong kotse kaya ito nagawi at bumulusok sa madamong gilid ng highway ilang metro mula sa kung saan sila pinagbabaril ng mga lalaking mabilis na tumakas sakay ng mga motorsiklo. Nakaligtas naman sa naturang ambush ang misis nito na kanyang katuwang sa kanyang negosyo. Galing diumano sa hindi kalayuang Barangay Bulit sa Montawal, Maguindanao del Sur ang mag-asawa ng tambangan sa Barangay Galakit, habang patungo sana sa isang supplier ng mga prutas sa isang lugar sa Pagalungan. (APRIL 2, 2024)

  • Construction worker patay sa ambush

    Construction worker patay sa ambush

    Patay on the spot ang motoristang construction worker na si Vejil Tepora Tayactac, na ambush nitong umaga ng Lunes, April 1, 2024, sa boundary ng Langapod at Bagalupa sa bayan ng Labangan sa Zamboanga del Sur.Patungo sana sa construction site kung saan nagtatrabaho si Tayactac ng tambangan ng mga armadong kalalakihan na nagsanhi sa kanyang agarang kamatayan.Mabilis na nakatakas ang mga nag-ambush sa biktima gamit ang mga motorsiklo. (APRIL 2, 2024, HANDOUT PHOTO)