UPDATE

Labis na antok ang siyang dahilan kaya nawalan ng control ang driver ng isang pick-up truck, si Jamel Wanday Langalac, at at nasapol ng kanyang sasakyan ang kotse ni Apipah Arumpac na nakaparada sa gilid ng highway sa Barangay Gang sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Martes, April 9, 2024.Ito ay ayon sa inisyal na ulat ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, inilabas isang oras matapos mag-responde sa insidente ang mga operatiba nito, sa utos ng kanilang hepe, si Lt. Col. Esmael Madin.Wala namang naiulat na nasaktan ng malubha o nasawi sa insidente, ayon sa Sultan Kudarat police. Si Langalac ay isang government official, taga Matanog, Maguindanao del Norte, habang si Arumpac naman ay residente ng Barangay Gang sa Sultan Kudarat at isa diumanong public school principal. (April 10, 2024)