Isang Grade 12 student, menor-de-edad, ang agad na inaresto matapos magbenta ng shabu sa isang entrapment operation ng lokal na pulisya sa Purok Roseville sa Barangay Poblacion sa San Pablo, Zamboanga del Sur nitong Huwebes, February 15, 2024.Ang na-entrap na menor-de-edad na suspect ay residente ng Purok-2, Brgy. Miasin sa bayan ng San Pablo.Nasa magkatuwang na kustodiya na ng San Pablo Municipal Police Station at local government social welfare office ang 17-anyos na suspect. (February 16, 2024, Handout Facebook Photo)
Author: Kurt Michael Culpa
-

Ex-judge patay, 7 iba pa sugatan sa aksidente
Nasawi ang isang retiradong huwes, habang pitong iba pa ang sugatan sa banggaan ng dalawang sasakyan sa bahagi ng isang highway sa Cagayan de Oro City sa Region 10 nitong umaga ng Linggo, April 14, 2024.Ayon sa mga hiwalay na inisyal na ulat ng Cagayan de Oro City Police Office at ng Police Regional Office-10, dead on arrival sa isang pagamutan si retired Judge Gael Padilla Paderangga, 72-anyos, at residente ng Upper Carmen sa naturang lungsod.Minamaneho ni Paderangga ang kanyang Kia Sorrento na kulay itim na nakabangga ng isang Totoya Revo na nagsanhi sa pagkakasugat sa ibat-ibang parte ng katawan ng driver nitong si Joshua Dequiña at anim pang kapamilya na kasama niya sa kanyang sasakyan.Mabilis namang naisugod sa hospital sina Dequina at mga kasama ng mga kasapi ng Cagayan de Oro City police at mga kawani ng emergency response office ng local government unit ng lungsod. (April 15, 2024)
-

Dalawa natagpuang patay sa damuhan sa Davao de Oro
Dalawang lalaki ang natagpuang parehong patay, may mga tama ng bala sa isang damuhan sa Panibasan sa Maco, Davao de Oro nitong Lunes, May 13, 2024.Wala pang pahayag ang Maco Municipal Police Station kung sino ang dalawang patay at kung mga taga saan sila. (May 13, 2024)
-

Nangikil diumano na police highway patrol member, timbog
Na entrap ng mga kasapi ng Integrity Monitoring and Enforcement Group-Philippine National Police ang isang kapwa pulis sa Regional Highway Patrol Group-Bangsamoro Autonomous Region na nangikil diumano ng P50,000 sa isang may kotseng mali ang pagkalagay ng license plate.Na-entrap nitong gabi ng Byernes, April 12, 2024, ng mga operatiba ng IMEG si Police Master Sergeant Nasrolla Gani, isa sa limang mga kasapi diumano ng RHPU-BAR na target ng naturang operasyon na pinamunuan ni Police Lt. Col. Aldrin Abila, acting chief ng IMEG Mindanao Field Unit.Agad na inaresto ng mga operatiba ng IMEG si Gani ng tumanggap ng pera sa naturang entrapment operation na ikinasa batay sa reklamo ng kanila diumanong ginipit na may ari ng kotseng Honda Civic na may mali sa pagkakalagay ng license plate.Isang kasama ng extortion suspect na si Gani na hindi naman target ng naturang entrapment operation, si Police Executive Master Sergeant Benigno Mercado, hindi kasali sa mga ni-reklamong nangikil, ang injured ng siya ay tumalon sa hagdan ng kanilang tanggapan sa PC Hill sa Cotabato City ng napunang may mga taga IMEG na nagsagawa ng entrapment doon mismo, kung saan nakumpiska din ang mga service firearms ng naarestong extortion suspect. (April 13, 2024)
-

Vape refill may marijuana oil, nasamsam
Nakumpiska ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency-12 ang 51 na refill cartridges ng vape na may marijuana oil sa tatlong dealers nito na na-entrap sa Barangay Apopong sa General Santos City nitong hapon ng Huwebes, April 11, 2024.Sa ulat nitong Biyernes ng umaga ni Aileen Lovitos, director ng PDEA-12, hindi na pumalag pa sina Juanito Vollodres Cuevas II, Leigh Cabalaran de Leon at Cris Jay Lado Andolana ng arestuhin matapos mag benta sa kanilang mga agents ng P178,500 na halaga ng mga illegal na vape catridges sa isang entrapment operation sa Purok Maunlad sa Barangay Apopong.Magkatuwang na ikinasa ng PDEA-12 at ng mga units ng Police Regional Office-12 ang naturang entrapment operation matapos makatanggap ng ulat hinggil sa pagbebenta ng mga imported na vape refill cartridges na may marijuana oil ang tatlong suspects sa halagang P3,500 ang bawat isa.Inaalam na ng mga agents ng PDEA-12 at mga opisyal ng PRO-12 na sakop ni regional police director Brig. Gen. Augustus Placer kung sino pa ang mga kasabwat nila Cuevas, De Leon at Andolana sa kanilang pagpapakalat ng kanilang illegal na epektos sa General Santos City at mga bayan sa probinsya ng South Cotabato at Sarangani. (April 12, 2024)
-

Guro sa Zamboanga del Sur patay sa ambush
Agad na namatay sa mga tama ng bala ang isang guro na biktima ng ambush sa Barangay Boniao sa Mayahag, Zamboanga del Sur nitong hapon ng Huwebes, April 11, 2024.SA ulat nitong Biyernes ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office, sakay ng kanyang motorsiklo si Jerome Faunillan Etorma, guro sa Dumingag National High School sa Dumingag, Zamboanga del Sur ng tambangan ng mga armado sa isang bahagi ng highway sa Barangay Boniao sa Mahayag sa naturang probinsya.Nagawi sa gilid ng highway at doon na nabuwal ang motorsiklo ni Etorma sanhi ng mga tama ng bala sa kanyang katawan.Ayon sa mga kapwa niyang guro, wala silang alam na may kagalit si Etorma at umaasa silang magtutulungan ang mga kasapi ng Mahayag at Dumingag municipal police stations sa pagkilala sa mga pumatay sa kanya. (April 12, 2024)
-

5 wanted persons sa Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Norte arestado
Limang mailap na wanted sa ibat-ibang krimen na mga taga labas ang isa-isang na-aresto sa ibat-ibang bayan sa Region 9 sa mga pinagsabay na police operations nitong Miyerkules.Sa ulat nitong Biyernes ni Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng Police Regional Office-9, unang na-aresto sa ibat-ibang bayan sa probinsya ng Zamboanga Sibugay ang tatlong may mga kinakaharap na mga kaso, isa sa kanila babae na wanted mula pa noong 2014.Si Marites Ninosa Villa, nasampahan ng kasong multi-million estafa noong 2014 sa Regional Trial Court Branch 21 sa Pagadian City. ay natunton ng mga pulis sa Barangay San Isidro sa Olutanga sa Zamboanga Sibugay sa tulong ng mga local officials. Isang wanted sa kasong attempted murder, si Ricky Matias Franco na taga Isulan, Sultan Kudarat sa Region 12, may warrant of arrest mula sa RTC Branch 19 sa naturang probinsya, ang na-aresto ng mga pulis sa Purok 5 sa Barangay Mirangan sa Siay, Zamboanga Sibugay. Naaresto sa Purok Santan sa Barangay Katipunan sa RT Lim, Zamboanga Sibugay nito ding Miyerkules si Ronald Dinglasa Magsayao, taga Teresa, Rizal na may kasong malicious mischief and qualified trespass sa Teresa-Baras Municipal Circuit Trial Court kanyang pinagmulang probinsya sa Luzon.Si Bienvenido Caballero Lubrido, wanted sa dalawang kasong homicide sa Salug-Gudod MCTC sa Zamboanga del Norte, ay na-aresto sa Barangay Danao sa Salug, Zamboanga del Norte. Si Rowel Pluma Buison, nasampahan ng kasong malicious mischief sa Labason-Gutalac-Kalawit MCTC sa Zamboanga del Norte, ay mapayapang nasilbihan din ng warrant of arrest sa isang police operation nito ring Miyerkules sa Barangay Patawag sa Labason, Zamboanga del Norte.Ayon sa mga opisyal ng PRO-9, nasa kustodiya na ng ibat-ibang police units sa Zamboanga Sibugay at sa Zamboanga del Norte ang limang arestadong mga wanted sa ibat-ibang mga kasong naisampa laban sa kanila sa ibat-ibang mga korte. (April 12, 2024)
-

2 piloto ng Navy patay sa patay sa helicopter crash
Agad na pumanaw ang mga Philippine Navy pilots na sina Lt. John Kyle Borres, 36-anyos, at ang 27-anyos na si Ensign Izzag Loenah Taccad sanhi ng pagbagsak ng kanilang Robinson R22 training helicopter sa malapit sa Cavite City public market nitong umaga ng Huwebes, April 11, 2024.Ang nasawing sina Borres at Taccad ay mga kasapi ng Naval Air Wing ng Sangley sa Cavite City.Hindi na sila umabot ng buhay ang dalawa sa Bautista Hospital sa naturang lungsod kung saan sila isinugod ng mga pulis, mga kasapi ng Bureau of Fire Protection at mga emergency responders ng Cavite City local government unit na nagresponde sa insidente. (April 11, 2024)
-

Nanggahasa ng mga batang babae, arestado
Na aresto ang isang wanted sa panggagahasa ng ilang mga kabataang babae, isa sa kanila limang taong gulang niyang pamangkin, sa isang police operation sa Kidapawan City sa probinsya ng Cotabato nitong Miyerkules.Sa mga hiwalay na ulat nitong Huwebes ng mga opisyal ng Kidapawan City local government unit at ni Cotabato provincial police director Gilbert Balneg Tuzon, walang piyansang nirekomenda ang mga korteng naglabas ng mga warrant of arrest para kay Rogie Awag na ngayon ay nakakulong na.Ibat-ibang kasong rape ang kinakaharap ni Awag sa mga korte sa Central Mindanao, kabilang na dito ang kanyang diumano pag-molestiya sa limang taong batang babae na anak ng kapatid ng kanyang misis.Natunton si Awag ng mga magkasanib na mga operatiba ng Kidapawan City Police Office at ng Cotabato Provincial Police Office sa isang liblib na barangay sa Kidapawan City sa tulong ng mga kakilalang alam ang kanyang pinagtataguan sa naturang lugar.Hindi na pumalag si Awag ng malamang may dalang mga warrant of arrest ang mga pulis na nakatunton sa kanya, isa rito ang kaugnay ng kanyang panggagahasa ng limang taong gulang na pamangkin, may petsang November 10, 2023 at nilagdaan ni Judge Jose Tanalgo Tabusares ng Regional Trial Court Branch 23 sa Kidapawan City. (April 11, 2024)
-

Sentensyado sa krimen na dapat kulong, dealer ng shabu?
Nasampahan na ng kaukulang mga kaso ang dalawang shabu dealer, isa sa kanila preso sa isang penal colony, na nakunan ng P6.8 million na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa Barangay Talisayan sa Zamboanga City nitong Martes, April 9, 2024.Sa pahayag nitong Huwebes ng regional office ng Philippine Drug Enforcement Agency-9, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nakakulong ng sina Albadir Mala Ajijul, 28-anyos at ang kanyang 42-anyos na kasabwat na si Kerwin Mohammad Abdila.Si Ajijul ay taga Isabela City, Basilan habang si Abdillah naman ay isang person deprived of liberty, nahatulang guilty sa isang krimen ng isang korte, na dapat sana ay nakapiit sa San Ramon Penal Colony sa Zamboanga City, ngayon inaalam na kung paano nakalabas doon at nasangkot sa malakihang pagbebenta ng shabu.Agad na inaresto ang dalawa ng mga agents ng PDEA-9 matapos magbenta sa kanila ng isang kilong shabu, nagkakahalaga ng P6.8 million, sa Barangay Talisayan sa Zamboanga City nitong umaga ng Martes sa isang entrapment operation na suportado ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Office at ng Police Regional Office-9.Gagamiting ebidensya ng PDEA-9 laban kina Ajijul at Abdila ang shabu na nasamsam mula kanila sa gagawing paglilitis sa kanila korte. (APRIL 11, 2024)

