Mga taga Asuncion, Davao del Norte tumanggap ng Emergency Cash Transfer mula DSWD

Mismong si Assistant Secretary for the Disaster Response Management Group Irene Dumlao ng Department of Social Welfare ang namuno sa pamamahagi ng Emergency Cash Transfer, o ECT, sa mga residente ng Asuncion sa probinsya ng Davao del Norte nitong nakalipas na Biyernes, May 3, 2024.

Ito ay ayon sa mga Social Media reports ng provincial office ng DSWD sa Davao del Norte at regional office ng ahensya sa Region 11, na may kalakip pang mga larawan.

Ayon sa DSWD, and ECT program ay isang immediate disaster relief at humanitarian na ayuda para sa mga nangangailangang mga Pilipino, katulad ng mga pamilyang labis na naghihirap ngayon dahil nasira ang mga pananim sanhi ng kawalan ng ulan na dulot ng El-Niño phenomenon. (May 7, 2024, handout DSWD photos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *