Agad na nasawi isang malakihang dealer ng mga prutas sa ambush sa Pagalungan, Maguindanao del Sur nitong Martes ng umaga. Sa mga hiwalay na ulat nitong Lunes ng tanghali ng Pagalungan Municipal Police Station at ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office, sakay ang napaslang na etnikong Maguindanaon na si Dong Kusay Balabadan, 40-anyos, at ang 38-anyos niyang kabiyak na si Noraina ng kanilang kotse ng tambangan ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Galakit. Dahil sa mga tama ng bala, nawalan ng control si Balabadan ng kanyang minamanehong kotse kaya ito nagawi at bumulusok sa madamong gilid ng highway ilang metro mula sa kung saan sila pinagbabaril ng mga lalaking mabilis na tumakas sakay ng mga motorsiklo. Nakaligtas naman sa naturang ambush ang misis nito na kanyang katuwang sa kanyang negosyo. Galing diumano sa hindi kalayuang Barangay Bulit sa Montawal, Maguindanao del Sur ang mag-asawa ng tambangan sa Barangay Galakit, habang patungo sana sa isang supplier ng mga prutas sa isang lugar sa Pagalungan. (APRIL 2, 2024)
Negosyante patay sa ambush sa Maguindanao del Sur

