Sa kaunaunahang pagkakataon, makakapa-rehistro na ang mga taga Bangsamoro region ng mga sasakyang pampasahero na may kakulangan ang mga papeles ng mabilisan sa pamamagitan ng isang amnesty registration program ng autonomous regional government.Ito ay ibinalita nitong Miyerkules, May 8, 2024, ni Bangsamoro Transportation and Communications Secretary Paisalin Tago, kasabay ng paghikayat sa mga may-ari ng mga sasakyan “colorom” sa anim na probinsya ng autonomous region na makipag-ugnayan sa mga kawani ng Bangsamoro Land Transportation Office upang magabayan kung paano maka-benepisyo sa naturang programa.Katuwang ng Ministry of Transportation and Communications-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang tanggapan ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at Regional Highway Patrol Unit sa rehiyon, sa pamumuno ni Police Lt. Col. Christian Dela Cruz, sa pagtiyak, kung kinakailangan, na hindi nakaw ang mga sasakyang ipapa-rehistro sa pamamagitan ng naturang programa.Nagsimula nitong Martes ang vehicle amnesty registration program ng MoTC-BARMM at matatapos sa Biyernes, May 10, 2024, ayon kay Tago na isa sa 80 na mga kasapi ng Bangsamoro regional parliament.Ayon sa mga kawani ng Bangsamoro LTO, handa na silang mag-proseso ng applications para sa nais maka-benepisyo ng MoTC-BARMM passenger vehicle registration amnesty. (May 8, 2024)
BARMM amnesty registration ng `colorom’ vehicles inilunsad

