Motorsiklo sapol ng mixer truck, menor-de-edad patay, kasama malubha

Isang motorista ang agad na pumanaw habang malubha namang nasugatan ang isa pa ng bumangga ang kanilang motorsiklo sa isang concrete mixer truck sa isang bahagi ng highway sa Barangay Cogon sa Dipolog City, Zamboanga del Norte nitong hapon ng Martes, May 7, 2024.Na-deklarang dead on arrival ng mga doctor sa Corazon Aquino Hospital sa Barangay Biasong sa Dipolog City ang 16-anyos na si Raven Samante na nakaanggkas sa motorsiklo ni Joan Pelayo, 18-anyos, na nagtamo ng mga malubhang sugat sanhi ng naturang aksidente.Sa inisyal na pahayag ng Dipolog City Municipal Police Office, nagkasalubong ang mixer truck at ang motorsiklo na nag-overshoot, o lumampas sa kabilang linya sa paliko na bahagi ng highway, kaya nagkabangaan ang mga ito.Agad namang nagpakustodiya sa pulisya ang driver ng mixer truck na nagawi sa gilid ng highway dahil sa kanyang pag-iwas sa motorsiklong sinasakyan ni Pelayo at ng nasawing kaangkas na si Samante. (May 8, 2024)