Gyera ng mga grupong Moro sa Maguindanao del Sur, muling sumiklab, mga residente naperwisyo

Mahigit 5,000 na mga residente ng dalawang barangay sa Mamasapano, Maguindanao del Sur ang nasa mga evacuation sites pa sanhi ng panibagong barilan ng dalawang armadong grupo kamakalawa sa naturang mga lugar.Pinatay pa ng mga naglalabang mga kasapi ng dalawang armadong mga Moro groups, nagka-engkwentro ng ilang ulit sa Tukanalipao at Pimbalakan, ang maraming mga alagang hayop ng mga mahihirap na mga residente ng naturang dalawang barangay na umaasa lang sa pag-alaga ng farm animals at pagsasaka upang kumita ng para sa kanilang araw-araw na mga pangangailangan.Ilang local officials at mga barangay leaders ang nagkumpirma nitong Martes, May 7, 2024, na parehong mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front ang dalawang grupong naglalaban, may matinding alitan sa agawan ng teritoryo at pulitika.Sa panayam ng mga radio reporters kay Vincent Cuales, municipal disaster risk reduction and management officer ng Mamasapano nitong Lunes, May 6, 2024, kanyang ipinaliwanag na unang naganap ang barilan ng dalawang grupo nito pang nakalipas na April 2024 at muling naulit nitong nakalipas na ilang mga araw.Makikita sa larawan ang maraming alagang kambing ng mga magsasaka sa pinangyarihan ng kaguluhan sa Mamasapano nito lang nakalipas na dalawang araw na pinatay gamit mga assault rifles ng mga armadong mga magkalaban na mga miyembro ng MILF, ayon sa mga evacuees.Ilang mga alagang baka at kalabaw din ang ninakaw, tinangay ng mga naglalabang mga grupong Moro sa naturang bayan. (May 7, 2024)