Isang matagal ng wanted sa 10 kasong rape at statutory rape sa sa Bukidnon sa Region 10 ang naaresto sa Zamboanga del Sur sa Region 9 nitong Lunes, ayon sa ulat ng Police Regional Office-9 nitong Biyernes.Sa pahayag ng tanggapan ni Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng PRO-9, natunton ng mga magkasanib na mga operatiba ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office at ng Bukidnon Provincial Police Office ang suspect, si Jimmy Sotto Balaba, 42-anyos, kanyang pinagtataguan sa Barangay Tuburan sa Pagadian City.Malaki ang naitulong ng mga local officials sa Pagadian City, kabisera ng Zamboanga del Sur, sa paghanap kay Balaba sa Barangay Tuburan, ayon kay Masauding.Hindi na pumalag si Balaba, taga Malaybalay City sa malayong probinsya ng Bukidnon, ng pakitaan ng mga warrants of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 45 sa naturang lungsod kung saan wanted siya sa 10 kasong pangagahasa ng mga menor-de-edad na mga babae.Naibalik na sa Malaybalay City si Balaba upang litisin sa kanyang kinakaharap na 10 rape cases sa isang korte sa naturang lungsod. (May 10, 2024)
Suspect sa 10 kasong rape, na aresto sa Pagadian City

