Itinalaga nitong May 6, 2024 ni Bangsamoro Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim ang isa sa 80 members ng regional parliament, ang physician-ophthalmologist Kadil Monera Sinolinding, Jr., bilang bagong health minister ng autonomous region, kapalit ni Doctor Rizaldy Piang.Si Member of Parliament Sinolinding, mas kilala bilang “Doctor sa parliamento,” ay nakapagsilbi na noon pa bilang regional secretary ng Department of Health ng nabuwag ng 27-taon na Autonomous Region in Muslim Mindanao, napalitan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa pamamagitan ng isang plebisito noong 2019, resulta ng halos dalawang dekadang peace talks ng Malacañang at Moro Islamic Liberation Front.Mahigit 3,000 na mga mahihirap na mga Muslim, mga Kristiyano at mga etnikong katutubong mga hindi Moro mula sa ibat-ibang panig ng BARMM na may mga problema sa mata, may mga kapansanan sa paningin ang nagamot ng libre ng medical outreach team ng tanggapan ni Member of Parliament Sinolinding mula lang noong siya ay itinalagang kasapi ng Bangsamoro parliament ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong August 2022, maliban pa sa kanyang mga ginamot noong siya ay municipal health officer pa ng mga magkalapit na mga bayan ng Pagalugan at Montawal sa Maguindanao del Sur.Maraming health workers at mga local executives ng ibat-ibang municipal, city at provincial governments sa BARMM — sakop ang mga probinsya ng Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi at ang mga lungsod ng Lamitan, Marawi at ang Cotabato — ang nagpaabot na ng kanilang pagbati kay Member of Parliament Sinolinding at kasalukuyang minister na ng MoH-BARMM.Pinasalamatan din nila si BARMM Chief Minister Ebrahim sa pagtiwala sa kakayahan ni Member of Parliament Sinolinding na pamunuan ang BARMM health ministry. (May 9, 2024)
Popular na manggagamot sa Bangsamoro parliament, may dagdag na trabaho bilang health minister ng rehiyon

