Isang job order employee ng Philippine Drug Enforcement Agency 12, hindi agent, ang napatay sa pamamaril sa Purok 1 sa Barangay Poblacion sa Tulunan sa probinsya ng Cotabato nitong umaga ng Sabado, May 11, 2024.Nilinaw ng PDEA-12 regional office na ang biktima, si Peter Estelloso, ay isang office staff, at hindi isang agent na sumasama sa mga anti-narcotics operations.Sa inisyal na pahayag ni Capt. April Rose Soria, hepe ng Tulunan Municipal Police Station, nasa tapat ng kanilang tahanan si Estelloso ng lapitan ng salarin at pinaputukan na siyang sanhi ng kanyang kamatayan.Mabilis na nakatakas ang suspect na ngayon inaalam na ng mga imbestigador at mga barangay officials kung sino at kung ano ang kanyang motibo sa pagpaslang kay Estelloso. (May 11, 2024)
Office employee ng PDEA-12 napatay sa Tulunan, Cotabato

